Mona Kalat sa buong Universidad ang pagkakadukot sa isa sa mga estudyante habang papauwe ito sa kanilang bahay kahapon. Hinarang daw sila ng isang puting van sa may Limbaga bridge at dinukot nila ang anak ng isang Chinese businessman. Natakot ako ng mabalitaan ko ito. Alam ko kung gaano karumi ang gawain ng BuLeAg gang ngunit ngayon lang ako natakot ng ganito. Akala ko ay tapos na ang paghahasik nila ng lagim, dahil naging tahimik sila nitong mga nakalipas na buwan. Ngunit heto muli sila at nagkakalat na naman ng kasamaan. Habang papauwi kami ni Papa Trebor ay tahimik lang akong nakamasid sa daan. Iniisip ko pa rin ang estudyanteng dinukot ng mga gang. Makaligtas kaya sya? Sabagay, mayaman naman ang kanyang pamilya at makakayanan nitong tubusin sya mula sa malupit na kamay ng gang.

