Mona Nagulat na lang ako nang biglang ngumiti si Ms. Cruz sa akin. Hanggang ngayon ay wala akong ideya kung bakit nya ako tinawag at pinatayo dito sa harapan. "Okay class. She is our new student. She is one of the scholars of Mr. Trebor Castellvi. Be nice to her okay? Kung ayaw nyong malagot kay Mr. Castellvi." Wika ni Ms. Cruz habang pangisi-ngisi pa sya. Nakatingin pa rin ako kay Ms. Cruz at mas lalo akong nahiya sa mga sinabi nya. Ibig sabihin ay si Papa Trebor ang nagbanggit sa kanya ng tungkol sa akin. Wow! Parang biglang nagkaroon ako ng special treatment dito. "Ms. Tampipi, please introduce yourself. We want to know more about you." Sabi ni Ms. Cruz Napalunok ako ng tatlong beses sa mga sinabi nya. Mahina ako pagdating sa pagsasalita sa harapan ng klase. Matalino ako, n

