Hingal na hingal na rin ang dalawa ngunit tiyak na hindi na maipinta ang mukha nitong pinsan ni Kevin na kinulang sa buwan. Biruin mong isipin ba naman na nagtatago siya ng mapa ng kayaman. Nako, iba talaga kapag may saltik ang utak. Well, sa bagay, ang sabi nga ng karamihan mas masarap daw kasama iyong medyo sinto-sinto. Kasi sila iyong uri ng mga tao na madali lang pakisamahan. They may be lacking the ability to grasp basic concepts, but at least totoo sila. They are real, and perhaps, lagi silang totoo sa kanilang mga nararamdaman. When they say they won't, they really mean it. That's how I see it. Katulad na lang nitong pinsan ni Kevin na kahit paminsan-minsan ay nakakainis, nakakatuwa rin naman kahit paano. Biruin mong pinagmamayabang ba naman niyang magaling daw siya sa English at m

