Kevin never thought that he would feel this strange feeling. Hindi rin niya alam kung ano ito, and just that he thought of something. Maybe something really happened during that night of the criminology night.
“Kevin, hoy, ano bang nangyayari sayo? Ang weird mo. Mabuti na nga lang at hindi kami madamay sa reminders mo." Saad agad ni Ralp matapos ang klase.
Kevin wanted to approach her professor, Kenny, for some reason, ngunit hindi siya sigurado kung ano ang sasabihin niya.
“Hoy! Ano ba, nakikinig ka ba?”
“Hmmm…” Napalingon si Kevin sa kaibigan niyang panay ang bulalas ng bunganga.
" Hindi ko rin alam, Ralp eh. I mean, I really think something happened during that night. Alam mo ‘yon?”
"So, did you remember anything?”
" No, I mean, look. I drove Prof. Kenny home that night, then, ‘yon na. Wala na akong maalala eh, ngunit iba talaga ang nararamdaman ko.”
Napataas naman ng kilay si Ralp habang kausap ang kaibigan. Sure he thought of the same way as Kevin did. Ngunit ano kaya ang nangyari? Pareho sila ng tanong yet they don't know where to find the answer.
" That's impossible, Kevin. We're on the same table. I know that you didn't drink and you're not drunk, of course. So bakit ka naman makakalimot sa nangyari?” Napakalot na lang ng ulo si Kevin dahil hindi rin niya alam ang sagot.
" ‘Yon! Maybe because lasing ka!”
" Sira! Anong lasing eh hindi nga ako uminom diba?”
" Not during that time, but maybe nalasing ka with Prof. Kenny. You know, nag inuman kayo magdamag?”
" That's impossible, Ralp. Nasa kwarto naman ako noong nagising ako eh.”
" Oo nga no, malabo nga naman talaga. Conspiracy lang naman ‘yong akin, tsaka alak lang naman talaga ang nagpapalimot sayo sa mga bagay-bagay eh. May amnesia ka yata caused by alak.”
“Ang tino mo kausap, alam mo ba ‘yon?"
“Relax, okay? How about let's ask Prof. Kenny. Kausapin natin siya…”
"You're right. Tara samahan mo ko.” Tumayo si Kevin at akma na sanang maglakad ng hinawakan naman siya ni Ralp.
" Hoy! Sandali, ano kaba. Joke lang ‘yon. Tsaka kakausapin mo talaga si Prof. Kenny eh para ka lang kumausap sa isang dragon nun. Kulang na nga lang bugahan ka ng apoy nun eh.”
“Halika na!" At hinila niya ang nakaupong si Ralp.
“Samahan mo ako sa faculty, kakausapin natin si Prof. Kenny."
“Oh siya…sige na tara. Ang kulit eh." Ani naman ni Ralp. Halata ring napililitan siya.
Hindi naman ganoon kalayo ang faculty office sa department nila kaya naging madali lang itong puntahan.
“Ikaw na ang kumatok.”
" Aba, hindi naman ako ang may kailangan ah, Kevin. Ikaw na…”
Nagtutulakan pa ang dalawa kung sino ang kakatok ng pintuan ng faculty office nang maabutan sila ni Prof. Jayon sa labas.
" Oh…ginagawa n’yo diyan?" Napalingon sila bigla at nabigla nang makita si Prof. Jayon.
“Good morning Prof!"
“Hmmm. Ginagawa ninyo diyan? May kailangan kayo?"
“Ito kasing si Kevin Prof., may kailangan daw siya kay Prof. Kenny eh." Sumagot naman si Ralp.
“Oh, ma'am Kenny is not here. Nasa clinic siy ngayon. She said she's not feeling well ay nahihilo kaya dinala ko na siya sa clinic.”
“Gano'n ba… sige Prof., salamat.” Saad naman ni Kevin.
" Tsaka nga pala, Kevin, salamat at nahatid mo ng maayos si ma'am Kenny that time…’yong sa criminology night. Naparami na rin kasi ng inom ‘yon.”
Napakamot naman siya sa kaniyang ulo at sumagot, “ Wala ‘yon, Prof. Jayon. Sige po, mauna na rin kami."
“Ano ba ‘yong pakay mo kay Prof. Kenny? Sasabihin ko na lang sa kaniya mamaya."
“Ano po kasi…" Hindi na nakapagpatuloy pa sa pagsasalita si Ralp ng biglang tinakpan ni Kevin ang kaniyang bibig.
“No-nothing, Prof. Jayon. Babalik nalang kami rito next time. Sige po, aalis na kami. Bye bye…” Napangiti na lang si Prof. S
Jayon at pumasok na rin sa loob ng faculty office, habang si Ralp naman ay hinihila ng kaibigan palayo sa may pintuan.
" Ano ba!”
" Anong ano eh kung ano-ano sinasabi mo.”
" Wala pa naman ako sinabi eh.”
" Wala kasi nga napigilan kita!" Sagot ni Kevin.
" Tsk.” Inirapan lang din siya ng kaniyang kaibigan.
“Uuwi ka ngayon?"
“Oo, mamaya pang gabi last subject ko.”
“Ganun? Sige, samahan na lang kita palabas."
Hindi naman gaano ka laki ang university na pinapasukan nila. Hindi rin ganoon kalago ang field at sakto lang din ang mga rooms enough for accommodating not quantity, but quality of students. Separate din ang buildings ng iba’t-ibang departments at magkaiba rin ang kanilang mga department uniforms.
“Dito na ako…sa harap lang din naman nakaparada ang motor ko.” Ani ni Kevin habang kasama si Ralp ng bigla silang nagulat sa kanilang narinig. Malakas ang alarma ng isang ambulance at papasok pa ito sa loob ng unibersidad.
“Oh…bat may ambulance?” Tanong naman ng kaniyang kaibigan. Nagulat rin ito dahil minsanan lang din ang ganitong pangyayari dahil may school clinic naman.
" Malay ko ba kung bakit may ambulance. Siguro baka may an disgrasya, o kung ano pa man ‘yan.”
" Maybe. Hindi na siguro kinaya ng school clinic kaya tumawag ng help.”
Nagmamadaling pumasok ang ambulance sa loob ng unibersidad. May mga company guards ding nagmamanage ng traffic at may ilang mga instructor at professor ang nagmamadaling pumasok sa school clinic.
“Oh, diba hindi kinaya nung school clinic.”
Napaisip naman si Kevin kung sino kaya ang nangangailangan ng ambulance. Well, kahit sino naman ay iisipin ang ganoon maliban na lang siguro kay Ralp. May saltik din kasi ito paminsan-minsan. Pero kung iisipin, sobrang nakakabahalang unawain na hindi talaga natin hawak ang buhay natin. The truth is that we only own one thing in this world: that is our body that we tried to shape. Our youths, they won't last for any longer. Time will come and it will fade along with the whispers. And those of wasted moments, of unwanted circumstances, that we tried to hide from the reality, we soon hoped we make the best of it. Life is too short, and even shorted when you waste it. Life is better without regrets.
“Mauna ka na. Check ko muna kung sino ang pasyente.” Saad ni Kevin sa kaibigang si Ralp. Tumugon naman si Ralp at sinabing mauna na rin daw siya at may lalakarin pa.
Iniisip kasi ni Kevin kung bakit may ambulance at kung bakit busy masyado ang unibersidad. Sa di kalayuan, natanaw naman niya si Prof. Jayon. Nagmamadali ito at tumatakbo, and it seems like he was heading at the school clinic, kaya naman ay napatakbo na rin siya upang alamin ang mga nangyari.
Nang makalapit na ay agad niyang kinausal ang isa sa mga students malapit sa clinic. Hindi na rin kasi niya matanaw si Prof. Jayon. Siguro ay nasa loob na iyon ng clinic.
“Anong nangyari? Sinong pasyente?” Usisa pa niya.
" Hindi rin ako sigurado eh, pero feeling ko isang professor. Nakita ko kasi kanina binuhat eh.”
" Professor na babae?” Napaisip bigla si Kevin kung sino kayang professor iyon. Di nagtagal ay bigla na ring sumagi sa isip niya si Prof. Kenny dahil sa sinabi ni Prof. Jayon na nasa clinic siya.
Kabado at hindi alam ni Kevin kung ano ang kaniyang gagawin. Hindi rin siya sigurado kung ano ang kaniya g mararamdaman. It's just that, he felt something heavy, and he even questioned it by his own thoughts.
Nagpumilit siyang makapasok sa clinic, at sakto namang ang paglabas ng mga rescue. Nakita niyang nakahiga si Prof. Kenny sa isang portable adult rescue board. Hindi ito gumagalaw. Si Prof. Jayon naman ay naka-alalay lang sa board ha ang dahan-dahan naman itong ipinasok sa loob ng ambulance.
Di nagtagal ay dumami na rin ang mga tao sa paligid, lahat ay nagtatanong kung ano ang nangyari, ngunit si Kevin, he really questioned himself. Even how he reacted, it feels like there was something so deep, that bound to his veins.