"Ninong ®" ni Madam K [[ KABANATA XLVIII ]] "TANG-INA naman Sunshine! Ano bang pinaggagawa mo rito sa bahay? Ang kalat kalat! Tang ina, alam uuwi ako. Maglinis-linis ka naman." Bulyaw ni Ninong! Nabigla ako---sobrang pagkabigla! Kasi noon naman wala siyang pakialam sa kalat dito. Wala siyang pakialam kahit walang ginagawa asawa niya. Napatingin ako sa paligid. Makalat talaga---pero hindi na kagaya noon na sobrang kalat. "Bukas nalang. Ginabi na kasi ako matapos maglaba. Hindi na ako nakapaglinis nitong bahay." Nakayukong sabi ni Sunshine. Anong nangyari? Bakit parang takot na takot na siya ngayon kay Ninong? Nagising ang anak ni Sunshine, sumilip sa pintuan ng kwarto. "Dapat kasi naglinis ka na muna bago ka naglaba! May pagkabobo ka rin kasi." Dinampot ni Ninong ang walis tambo---at h

