"Ninong ®" ni Madam K [[ KABANATA XXXIX ]] GINISING ako ni Alvin para magpaalam. Wala naman ng nangyari sa aming dalawa. Kailangan niya na raw umalis---alas 11 na kami nagising, hindi niya na-set alarm ng cellphone niya. At didiretso na raw siya ng San Pedro. Magkita nalang daw kami ulit doon. Nakalimutan ko rin kunin ang number niya. Pagkalabas niya ng bahay---pumasok ako ulit sa kwarto ko at nakatulog. Lumipas pa ang mga araw. Hanggang sa sumapit ang Sabado ng gabi. "Pa, hindi ba kayo sasama sa San Pedro bukas? Kasal ni Ninong at ni Kuya Gary." Tanong ko kay Papa. Hindi kami nagbukas ng tindahan---sabay sabay kaming nakain ngayon dito sa kusina. "Hindi na anak. I-paabot mo nalang pagbati namin sa Ninong mo at kay Pareng Gary." Sagot niya. Sumubo siya ng kanin. "Okay po. Buwanan n

