King Lordon's POV "Si Mikhael nasaan?!" Sigaw ko ng makasalubong ko si Gabriel papasok sa bahay ni Simon. "Wow! Galit?" Sabi pa nito. Pero tinawag naman niya si Mikhael. "Oh, bakit-" Hindi ko na pinatapos iyong sasabihin niya. Sinalubong ko siya agad ng suntok sa muka at sipa sa tyan. Kaya sumadsad ito sa living room ng mansion ng mga Fontanilla. Hindi pa ako tapos kaya dinaluhong ko siya. Pero hindi naman siya nagpatalo kaya nagpambuno na naman kaming dalawa. "Tama na! Ano ba?! Ayoko ng may nag aaway!"Tili ni Cassandra. Pero hindi kami nakinig na dalawa nagpalitan pa rin kami ng suntok sa isa't isa. "Nardo! Tawagin mo si Elvin! Ayoko ng gulo dito sa bahay lalo na at natutulog na ang kambal!" Utos pa nito. "Nagagalit si Empress! Maghunos dili kayong dalawa. Huwag nyo akong pag awa

