King Lordon Dela Merced Napabuntong hininga ako at itinapon ko iyong yosi na napapangalahati ko pa lang. Inis na inis ako dahil hindi ako pinapansin ni Ronna Mae simula ng pumunta ako kagabi sa ospital. Hindi siya kumikibo kung hindi ako magtatanong. Hindi ko rin mabasa kung ano ang iniisip niya hindi kagaya ng dati. "Lordon, kakain na daw sabi ng Nanay." Tawag sa akin ni Ronna Mae. Tumango ako sa kanya at sumunod. Hindi ako makakain mabuti dahil inoobserbahan ko iyong kilos niya. Hindi siya tumitingin sa akin o nahuhuli kong sumulyap hindi kagaya ng dati. May nagbago sa kanya alam ko. "Pwede ba tayong mag usap, Lordon?" Seryosong tanong sa akin ni Tatay. Tumango ako. Nang matapos iyong hapunan ay inaya ako ng Tatay ni Lordon doon sa kubo nila sa likod bahay. Tahimik na sumunod ako.

