Chapter 4
Ang nakaraan:
Sa kalahati ng tatlong ikot ni Prinsepe Patrick at ng kabayong si Babika ay lumipad na sila.
Sa layo at haba ng oras ng paglipad ay napadpad sila sa kaharian ng Leon at Tigre.
P.s.
Pasensiya na muli dalawang araw bago nadugtungan hihi.
Sa ipag-papatuloy ng kwento:
Mahal na reyna. Ang pagtawag ng Dawha ng reyna Camille.
Lumingon ang reyna at nagpatuloy ang kanyang Dawha.
Ipinababatid po ng sastre(sastre: mananahi) na maaari ng maisubok ang inyong kapa(kapa-cape sa ingles).
Salamat. Maaari mo nang ipatawag ang royal cusine.
Sige po.
Ang mga prinsesa at ang reyna Camille ay nagtungong muli sa silid ng reyna. Ngunit sa pagkakataong ito ay dinala sila ng reyna sa lihim na kwarto ng kanyang silid kung saan ang mga buhay na libro ay nakatago.
Magsi upo na at itutuloy ang
kwento habang mahaba pa ang oras.
Ye hey.
Magsisisigaw man sila (sila... Ang mga prinsesa) ay hindi makararating sa labas ng lihim na silid na iyon.
Napadpad ang Prinsepe Patrick at ang mahiwagang kabayong si Babika sa kaharian ng Leon at Tigre.
Panimula ng reyna ng kumatok sa pinto ang kanyang Dawha kasama ang dalawang kulay gintong Tigre, na hinahanap marahil ang kanilang tagapangalang si Prinsesa Chanci at ang isa pang Leon at Tigreng ang hanap raw ay si Prinsesa Ayesha.
Abat hindi pa nakatatayo si Prinsesa Chanci ay dinumog na siya ng kambal niyang Tigre hay...
At isa pa itong si Prinsesa Ayesha abat nagsi panhik sa mahabang sofa ang kanyang Leon at Tigre.
Naku. Ika ng reyna Camille.
Salamat Dawha. Tugon niya sa kanyang tapat na tagapangalaga.
At saka palamang isinara ang lingid na pinto nakung saan ang labas ay isa lang pangkaraniwang life size photo frame ng Haring Ronald kasama ang Reyna Camille at isang munting anghel.
Nasabi ko bang ang ama ng mga prinsesa ay anak ng reyna?
Aaa!!!
Dahil siya ang pumalit sa dating reyna ng hari.
Dating reyna na ipinakain sa bwaya?
(hint lang po iyan mua. Zirk)
Dahil sa napadpad sila sa kaharian ng Leon at Tigre. Pagpapatuloy ni reyna Camille muli.
Naki pagpambuno ang prinsepe Patrick.
Naging maliksi ang prinsepe.
Sipa dito suntok riyan at gamit ang kanyang munting baluti ay nabalot niya ang haring Tigre.
Saka niya inaksiyunan ang Haring Leon ng kanyang espada.
Sa pagkakataong ituturok na sana ng prinsepe ang kanyang espada sa haring Leon ay siyang pagdating ng kambal na batang Tigre at isa pang tigreng may kulay asul na mata at isang mabalahobong leon na nagbigay galang sakanya.
Bigay galang sa kanyang paanan tanda ng pagkatalo ng kanyang amang Haring Leon.
Lola anong mangyayari kay prinsepe Patrick? Si prinsesa Ayesha na nakayakap sa kanyang leon.
Saglit kasi sabad ni prinsesa Chanci na ngayon ay nagawang mahiga at umunan sa kanyang kambal na tigre.
Sa bilis ng pangyayari sabi ng reyna Camille.
At dahil sa pagkatalo ng haring Leon at Tigre ay tinanghal na Hari ng Leon at Tigre si Prinsepe Patrick.
Nabuhay sila ng kantang kabayong si Babika sa bago niyang kaharian. Ang kaharian ng Leon at Tigre.
Wow.... Ang sagot ng tatlo pang prinsesa na sina. Prinsesa Riza May,Prinsesa July june at Prinsesa Jhansis.
Tapos po la. Koro nila sa mahal na reyna Camille na uminom numa ng kanyang gatas (ang gatas na mula sa sariwang gatas ng Leon at Tigre...)
Sa paglipas ng mga araw at buwan,dumating ang isang balita sa kaharian ni Prinsepe Patrick.
Sabi ni haring Leon ay may nangamgailangan ng tulong sa ibayong lugar dahil sila'y ginagbala ng mga Higante.
Dahil balitang ito ay nagtungo si Prinsepe Patrick sa isang kaharian.
Sa daan ay nakatagpo siya ng isang Pugot. (Pugot ang tawag ng mga iloko sa isang taong ubod ng itim o isang walang ulo.)
Nakipaglaban siya rito at nanalo. Kung kayat kinuha niya ang ulo nito at ginawang baluti,upang itago ang tunay niyang katauhan.
Nagon ang tawag sa kanya ay Prinsepe Pugot.
Lola si prinsesa Chanci muli. Maari bang inyong i kwento ang kahariang kanyang pupuntahan.
Maaari mahal kong prinsesa sagot ni reyna Camille.