Ibinaba niya ang cellphone. Ngunit hindi niya itinabi ang card. Sa halip, inilagay niya ito sa ibabaw ng mesa, malapit sa kanya. Parang isang bagay na gusto niyang makita. Parang isang bagay na ayaw niyang kalimutan. Kinabukasan. Maagang nagising si Kany. Hindi dahil sa ingay. Kundi dahil sa isip niyang hindi tumigil mag-isip buong gabi. Napaupo siya sa kama. At agad niyang napatingin sa mesa. Nandoon pa rin ang card. Hindi niya naligpit sa kanyang bag. Tahimik siya, hindi nagbago ang iniisip. Pero ang pakiramdam niya, iba na. May kung anong nagtutulak sa kanya. Hindi malinaw. Dahan-dahan siyang tumayo. Lumapit sa mesa. At muling hinawakan ang card. Muling naisip niya ang mga sinabi kahapon sa Hapon ni Tiyo Berto, na medyo nasaktan naman siya. Hindi naman talaga siya p

