Hindi na alam ni Kany kung gaano siya katagal nakatayo habang nanginig at umiiyak.
Parang tumigil ang oras niya.
Parang lahat ng tunog sa paligid ay nalunod sa sakit na bumabalot sa kanya.
Si Dylan… naroon pa rin nakatayo lang sa harapan niya.
Pero pakiramdam ni Kany, sobrang layo na nito.
Parang hindi na niya kilala ang lalaking pinakasalan niya.
Unti-unti siyang napaatras na wala sa sarili dahil sa sakit na naramdaman niya.
Isang hakbang ang ginawa niya hanggang
dalawa.
Hanggang sa maramdaman niya ang likuran na tumama sa pader.
At doon na tuluyang bumigay ang katawan niya.
Napaupo siya sa tabi.
Hindi na niya napigilan ang sarili.
Patuloy siyang umiiyak.
Yung iyak na wala nang pinipigilan.
Yung iyak na parang may kumakalas sa dibdib niya.
"Nay…" mahina niyang nausal sa gitna ng hikbi.
Parang bumalik siya sa pagiging bata.
Parang gusto na lang niyang tumakbo palayo.
Pero hindi niya magawa.
Dahil dala-dala niya ang munting buhay na walang kaalam-alam sa lahat ng nangyayari.
Napahawak siya sa tiyan niya.
Muli siyang nag angat ng tingin kay Dylan. At ito ay tila hindi rin malaman kung anong nais nitong gawin habang nakatingin ngayon sa kanya.
"M-magiging okay pa tayo, Dylan. Sa sinabi ko na ay matutunan mo rin akong mahalin. Asawa mo na ako kaya dapat kalimutan mo na si Miss Yell." Wika ni Kany na halos pabulong na lang ang pagkakasambit niya.
Muli niyang tiningnan ang kawawang sarili habang napaupo sa sulok.
Kahit siya mismo ay hindi makapaniwala na ganito ang maranasan niya sa pagpapakasal agad kay Dylan.
Wala sa isipan niya na gagamitin lang nito ang kanyang pagiging inosente at ordinaryong babae para saktan ang babaeng minahal nito. Yun ang naisip niya, ginamit lang talaga siya ni Dylan. At siya naman na isang tanga ay naniwala agad na mahalin siya ng isang tulad ni Dylan Zachary Valerioso.
Sa gilid ng kanyang paningin, nakita niya ang anino ni Dylan na gumalaw.
Lumapit ito.
Pero bago pa man ito tuluyang makalapit ay nagsalita na siya.
"Dylan, itutuloy mo pa rin ba ang lahat na sinabi mo, hindi ka ba naawa sa akin at sa magiging anak natin?"
Mahina.
Pero malinaw na sabi niya.
Napatigil si Dylan.
Para siyang napako sa kinatatayuan niya.
Ayaw na niya.
Ayaw na niyang umatras sa kanyang desisyon.
Hindi rin naman maganda ang pagsasama nila kung si Yell pa rin ang minahal niya.
"I'm sorry, Kany. Yes… isa lang ang desisyon ko, at hindi na 'yon magbabago. Kasalanan ko—oo, aaminin ko. Nagpadala ako sa galit ko kay Yell… pero mahal ko siya. Mahal na mahal ko."
Parang muling sinaksak ng patalim ang dibdib ni Kany sa narinig.
"At gaya ng sinabi ko, wala akong intensyon na saktan ka. Totoo ang pagpapakasal ko sa'yo, Kany… but I didn't expect things to turn out like this—na hindi pala niya ako kayang pakawalan."
"If I continue this marriage, masasaktan lang kita… at paulit-ulit lang akong magkakamali. Ayokong habang ikaw ang asawa ko, si Yell naman ang tunay na nagpapasaya sa akin."
"So while it's still early… I'm ending our marriage. Pero hindi ko kayo pababayaan ng anak natin. I promise." Mahabang paliwanag ni Dylan.
Muling sunod-sunod na nag uunahan ang mga luha ni Kany sa kanyang mga mata. Parang paulit-ulit lang na pinagsaksak ang kanyang puso dahil sa mga sinabi ni Dylan ngayon sa kanya!
"Please… Dylan, h-hindi ko ito makakaya," nanginginig niyang sabi.
Parang may humigpit sa dibdib ni Dylan.
Gusto niyang muling magdagdag ng paliwanag. Pero parang hindi na iyon nakakatulong pa para bawasan ang naramdaman ni Kany.
Dahan-dahan na lang siyang umatras.
Isang hakbang palayo.
Tahimik.
Pero punong-puno ng bigat.
Ilang segundo ang lumipas bago muling nagsalita si Kany.
"Dylan…"
Mahina at pagod na sambit niya habang kumawala parin ang mga luha mula sa mga mata kahit anong pigil niya.
"Mahal kita, mahal na mahal." Ang sabi ni Kany.
Napapikit si Dylan.
Parang iyon na ang pinakamabigat na narinig niya mula kay Kany.
Hindi na niya ito sinagot pa.
Tahimik siyang tumalikod.
At sa bawat hakbang niya palayo sa silid,
parang may unti-unting napuputol sa pagitan nila.
Hanggang sa tuluyan siyang makalabas.
At sumara ang pinto.
At sa loob ng silid…
Tuluyan nang bumagsak si Kany sa sahig.
Hindi na niya kayang magpanggap.
Hindi na niya kayang magpakatatag.
Napahawak siya sa dibdib niya, parang pinipigilan ang sakit na sumisikip doon.
"Ang sakit, tulongan mo ako, Lord…"
Pabulong at paulit-ulit na sambit niya.
Hanggang sa maramdaman niya ang panlalabo ng kanyang paningin.
Nahihilo siya.
Parang umiikot ang mundo.
"Nay, tulong…"
Mahina niyang tawag sa ina.
Halos hindi na marinig ang sariling tinig.
Hanggang sa tuluyan siyang nawalan ng malay.
Sa labas ng silid,
Hindi pa man nakakalayo si Dylan.
May kung anong kaba ang biglang sumiksik sa dibdib niya.
Hindi niya maipaliwanag.
Basta bigla na lang siyang napahinto.
At doon niya naisipan na muling silipin si Kany.
"Kany,"
Walang sagot.
Mas lalong bumilis ang t***k ng puso niya.
Agad siyang bumalik at pinihit ang doorknob—
At sa pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang katawan ni Kany na nakahandusay sa sahig.
Walang malay.
At maputla.
Parang nawalan ng kulay ang buong mundo niya.
"Kany! Damn!"
Mabilis siyang tumakbo papunta rito at agad itong binuhat.
Nanlalamig ang katawan nito.
At doon ay sa unang pagkakataon,
tuluyan siyang kinabahan.
Hindi para sa sarili niya.
Kundi para sa babaeng sinaktan niya.
At sa batang dinadala nito na magiging anak nila.
Mabilis ang takbo ng sasakyan na minamaneho ni Gardo. Malakas ang ingay ng sariling t***k ng puso habang papunta sila sa hospital.
Nagkagulo ang buong palasyo sa nangyari at nag-alala sina Donya Karah Isabelle at ang matandang si Manang Martha sa nangyari kay Kany. Nagmamadali namang nagbihis si Donya Karah para susunod sa hospital.
"What happened, baby?" Tanong ng asawa niyang si Don Brixton.
"Aalis muna ako, Brix. Mukhang may problema ang anak mo at ang asawa niya. Dinala sa hospital ni Dylan ang asawa niya." Ang sabi ni Donya Karah sa asawa.
Nalukot ang noo ni Don Brixton. Nasa loob pa kasi ito ng kwarto nila at hindi pa nakababa.
"What?"
"Yes, Brix. At nakita ko si Kany na kahit walang malay ay umiiyak ito. Concern ako sa magiging apo mo. Dahil para sa akin ay apo ko na ring totoo ang anak ni Dylan na pinagbubuntis ng asawa niya ngayon." Ang sabi ni Donya Karah.
___
Nang patuloy ang pagtakbo ng kotse ni Dylan—nasa likod sila, hawak-hawak si Kany.
Walang malay.
Maputla.
At bawat segundo na lumilipas ay parang hinihila siya pababa ng kaba.
"Kany… please…" paulit-ulit niyang bulong habang hinahaplos ang mukha nito.
Walang sagot.
Walang galaw.
Mas lalo lang siyang kinakabahan.
Pagdating sa ospital, agad silang sinalubong ng mga nurse.
"Emergency! Pregnant patient, unconscious!" sigaw ni Dylan.
Mabilis nilang inilagay si Kany sa stretcher at dinala sa loob.
At doon, naiwan si Dylan.
Walang magawa.
Walang kontrol.
Napahawak siya sa ulo niya habang naglalakad pabalik-balik sa hallway.
Hindi niya alam kung ano ang mas nangingibabaw,
Takot?
O konsensya?
Hindi nagtagal,
dumating sina Donya Karah Isabelle.
Halos takbo ang ginawa nito papasok ng ospital, kasunod ang kanilang katulong.
"Dylan!" tawag nito, halatang kinakabahan.
Agad itong lumapit sa kanya.
"Ano ang nangyari kay Kany? Bakit siya dinala dito?!" sunod-sunod na tanong nito.
Hindi agad nakasagot si Dylan.
Napayuko siya.
At doon pa lang,
may kung anong masamang kutob na agad si Donya Karah.
"Dylan…" mas mababa na ang boses nito.
"Anong ginawa mo?"
Pero bago pa siya makasagot,
lumabas ang doktor mula sa loob.
Pareho silang napalingon.
"Doc, how is she?" agad na tanong ni Dylan.
Tumingin ang doktor sa kanila.
"She's stable now. But she collapsed due to stress and exhaustion. Good thing nadala agad siya dito."
Parang may bigat na naalis sa dibdib ni Dylan.
Napapikit siya saglit.
"Thank God…" Ani Dylan.
Pero ang sumunod na sinabi ng doktor
ay muling nagpatigil kay Dylan.
"She needs to avoid emotional stress. Delikado iyon sa baby."
Biglang tumahimik ang lahat.
Dahan-dahang napatingin si Donya Karah kay Dylan.
At doon, lalo pang lumalim ang kutob niya.
Ilang sandali pa,
lumakad si Dylan palayo.
Parang gusto niyang huminga.
Parang gusto niyang tumakas kahit sandali sa bigat ng lahat.
Pero hindi pa siya nakakalayo, biglang may humarang sa kanya. Ang inang si Karah.
"Tell me, Dylan. Anong ginawa mo sa asawa mo? Nag-away ba kayo?"
Mababa, pero puno ng awtoridad na sabi ni Donya Karah.
"Mom…" mahina niyang tawag.
"Ano?"
Napabuntong-hininga si Dylan.
Parang doon na lang siya tuluyang napagod.
Wala na rin naman siyang maitatago.
"Sinabi ko sa kanya ang totoo."
Bahagyang kumunot ang noo ni Donya Karah.
"Anong totoo?"
Sandaling natahimik si Dylan.
Pero hindi na siya umatras.
"Mom, hindi ko talaga siya mahal."
Parang may sumabog sa loob ng ulo ni Donya Karah.
Napaatras siya ng isang hakbang.
"Ano…?"
Halos hindi makapaniwala.
"At makikipaghiwalay ako sa kanya. I’ll process our annulment."
Tuluyan nang nanlaki ang mga mata ni Donya Karah.
"Dylan!"
Hindi niya napigilan ang sarili.
Bahagya niyang tinulak ang balikat nito.
"Are you out of your mind?!"
Hindi gumalaw si Dylan.
Tinanggap lang niya iyon.
"She’s pregnant! Dinadala niya ang anak mo!" nanginginig na sabi ni Donya Karah.