CHAPTER 17

1122 Words
Kailangan niyang matapos agad sa paliligo. Kailangan niyang maging okay para kay Dylan. Mabilis niyang tinapos ang pagligo. Kahit hilo, kahit mabigat ang katawan ay hindi siya nagpadaig. Nagbihis siya ng simpleng damit, pero halos hindi niya maramdaman ang ginagawa niya. Paglabas niya ng banyo ay parang mas lalong umiikot ang mundo niya. Napahawak siya sa pader. "Dylan…" mahina niyang tawag. Pero walang sumagot dahil nasa labas naman ito. At doon, lalo niyang naramdaman ang pag-iisa. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kama. Bawat hakbang, parang may bigat. Hanggang sa tuluyan siyang napahiga. Huminga siya nang malalim. Pero kahit anong gawin niya, hindi nawawala ang kakaibang pakiramdam sa katawan niya. Hinawakan niya ang tiyan niya. May kung anong hindi niya maipaliwanag. Takot? O kaba? Hindi niya alam. Sa kabilang banda naman, Paparating na si Dylan pabalik sa kanyang kwarto. Tahimik. Pero sa isip niya, iisa lang ang laman. Si Kany. Hindi niya alam na sa mismong oras na iyon, habang papalapit siya para sirain ang mundo ng asawa niya, may isa na namang katotohanan ang unti-unting nabubuo sa loob nito, iyon ay ang senyales ng pagbubuntis nito. Mabagal ang hakbang ni Dylan habang papalapit sa kwarto. Bawat yapak, parang may katumbas na bigat sa dibdib niya. Hindi niya alam kung paano sisimulan. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang totoo. Pero kailangan. Kailangan niyang tapusin ang kasinungalingan. Alam niyang kasalanan niya ang lahat ng ito dahil sa init ng ulo niya ay pati ang inosenteng tulad ni Kany ay nadamay sa kanyang ginawa. Huminto siya sa harap ng pintuan. Saglit siyang napapikit. "Kany…" Mahinang sambit pa niya. At dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob. Pagbukas ng pinto ay bumungad agad sa kanya ang katahimikan. "Kany?" mahinang tawag niya. Walang sumagot. Kumunot ang noo niya. Mabilis siyang pumasok sa loob. At doon niya nakita, nakahiga si Kany sa dulo ng kama, maputla, halos hindi gumagalaw. "Kany, what happened!?" Mabilis siyang lumapit at agad itong inalalayan. Mainit ang katawan nito. At ang paghinga ay hindi normal. "Kany, hey… look at me," kinakabahang sabi niya habang hinahawakan ang pisngi nito. Dahan-dahang iminulat ni Kany ang mata niya. "D-Dylan…" mahina niyang tawag, halos pabulong. "Anong nangyari sa’yo? Bakit ganito ka?" sunod-sunod niyang tanong, halatang nag-aalala. Pilit na ngumiti si Kany. "Nandito ka na…" bulong niya. At sa simpleng linyang iyon, parang may kumurot sa puso ni Dylan. Gusto niyang mainis at magalit kay Kany dahil sa tila nagpapaawang linya nito. "Of course… nandito ako," sagot niya, pero may bahid ng pag-aatubili. "Akala ko umalis ka na naman," mahina nitong sabi. Natigilan si Dylan. Ito na. Ito na yung moment na iiwasan sana niya, pero hindi na pwede. "Kany…" mahina niyang simula. Pero bago pa siya makapagsalita, biglang napahawak si Kany sa ulo niya. Napangiwi siya. "A-Ah…" "Kany?! Why?" agad na tanong ni Dylan, lalong kinabahan. "Kanina pa ako nahihilo…" nanginginig niyang sagot. At doon, tuluyang nag-panic si Dylan. "Wait, this isn't normal." sabi niya habang agad na kinukuha ang phone niya. "I'll call Mom Karah's private OB-GYN." "H-Huwag…" mahina nitong pigil, hinawakan ang kamay niya. "Dylan… okay lang ako, mawawala din ito." Napatingin siya rito. At sa pagkakataong iyon, kitang-kita niya ang takot sa mga mata ni Kany, pero may halo ring kung anong hindi niya mabasa. "May kakaiba lang akong nararamdaman," bulong nito. "It feels like… this is more than just dizziness." Tumigil ang mundo ni Kany sa narinig niya. At unti-unting bumaba ang tingin niya sa kanyang tiyan. Isang ideya ang biglang sumagi sa isip niya. Isang posibilidad na hindi niya inaasahan. Na hindi niya pinaghandaan. "Dylan…" halos pabulong niyang sabi. Pero hindi niya kayang ituloy ang nasa isip niya. Baka paasahin lang niya ang asawa. At siya ay parang bigla na-eexcite. Baka kasi buntis siya sa anak ni Dylan? Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito. "No more arguing. I'm calling Mom's doctor." maiksi pero may authority ang sabi ni Dylan. At sa pagkakataong iyon, imbes na kontrahin niya, mahina na lamang na tumango si Kany. Agad na tumayo si Dylan at kinuha ang phone niya sa bulsa at mabilis na tinawagan ang Doctor. "Hello, Doc? Yes, this is Dylan Zachary Valerioso. I need you here. Now. It’s my wife… something's wrong," madiin niyang sabi bago pinatay ang tawag. Pagkatapos ay bumalik siya sa tabi ni Kany. "Sandali lang, darating na ang doctor," mahinahon niyang sabi, pero halata ang tensyon sa boses niya. Tahimik lang si Kany. Nakatingin siya kay Dylan. At si Dylan naman ay tila hindi na mapakali, laging napasulyap sa kanya. Sa isip ni Dylan ay paano niya sasabihin kay Kany ang lahat na si Yell pa rin ang kanyang minahal? Baka kung ano ang kondisyon nito ngayon at makakasama kay Kany kapag sabihin niya ang lahat. Ang muling pagkikita nila ni Yell. At hanggang ngayon ay si Yell pa rin ang kanyang minahal. Pagka maya-maya ay dumating na ang Doctor at sa mismong kwarto nila nito si Kany chineck-up. "Come in, Doctor Santos," agad na wika ni Dylan nang mapagbuksan ang Doctor ni Donya Karah. Pumasok ang doctor, may dalang maliit na medical kit. "Good morning, Mr. And Mrs. Valerioso," bati nito kay Dylan at pagkatapos ay lumalapit kay Kany. "Doc, she's been dizzy, mahina ang katawan niya, at parang may nararamdaman siyang kakaiba," sunod-sunod na paliwanag ni Dylan. Tumango ang doctor at nagsimulang suriin si Kany. Sinukat ang blood pressure. Tiningnan ang mata. At maya-maya ay napatingin ito sa kanya. "Ma’am, kailan po ang last menstrual period ninyo?" tanong ng doctor. Natigilan si Kany. Napatingin siya kay Dylan, at agad ding umiwas. "Ah parang… medyo late na po, Doc," kinakabahang sagot niya. Saglit na natahimik ang doctor. Pagkatapos ay ngumiti ito nang bahagya. "I see." Napatingin si Dylan. "Doc… what do you mean?" tanong niya, medyo mababa ang boses. Tumingin ang doctor sa kanilang dalawa. "At this point, we need to confirm it with a test… pero base sa symptoms niya, dizziness, weakness, delayed cycle…" sandaling tumigil ito. At saka tuluyang sinabi nito, "There’s a high chance that she’s pregnant." Parang tumigil ang oras. Hindi gumalaw si Dylan. Hindi rin si Kany. "P-Pregnant…?" halos pabulong na ulit ni Kany. Dahan-dahan niyang hinawakan ang tiyan niya. At sa pagkakataong iyon, hindi na takot ang nangingibabaw sa kanya. Kundi isang kakaibang saya at pag-asa. Napatingin siya kay Dylan. Umaasang makikita niya ang parehong saya sa mga mata nito. Pero, wala siyang makita. Si Dylan ay nakatayo lang. Parang natulala. Parang hindi niya matanggap ang narinig. Sa isip nito ay paulit-ulit ang pagtatanong ng "pregnant?" Magkakaanak kami? At kasabay noon, bumalik sa alaala niya ang gabing kasama niya si Yell. Mahigpit siyang napapikit. Damn it, paano si Yell? At paano ang balak niyang sabihin kay Kany ang totoo? At ang nais niyang pakikipaghiwalay rito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD