Napalunok si Kany. "Opo." Saglit na katahimikan. Pagkatapos ay muli itong nagsalita. "And Kany…" Napatingin siya sa kanya. Sa unang pagkakataon—bahagyang lumambot ang tingin ni Arthuro. "Welcome." Hindi niya alam kung bakit, pero mas lalo siyang kinabahan. Sa di kalayuan, may isang sasakyan ang dahan-dahang sumunod. Tahimik at hindi halata. Pero naroon. At sa loob nito, isang pares ng matang nakamasid. Mahaba ang biyahe. Tahimik ang loob ng sasakyan, ngunit hindi mapakali ang isip ni Kany. Hanggang sa, unti-unting nagbago ang tanawin sa labas. Nawala ang mga mataong kalsada. Pinalitan ng malalawak na lupa, matataas na puno, at tahimik na kapaligiran. At pagkatapos, isang napakalaking gate ang bumungad sa kanila. Mataas, matibay at may bantay sa magkabilang gi

