CHAPTER 7

1276 Words
Kinabukasan. Sa loob ng isang high-end beauty lounge ay tahimik ang paligid. Tanging tunog ng blower at mahinang usapan ng mga sosyal na babae ang maririnig. Nakaupo si Yell Fernandez sa harap ng salamin. Perpekto ang ayos niya. Perpekto ang postura. Perpekto ang imahe. At sobrang ganda niya talaga na walang maipintas sa kanyang mukha at katawan kahit isa. Hanggang sa biglang may nagsalita ang kanyang assistant. "Ma'am… may balita po ako." Napatingin siya sa assistant niya. "What is it?" Tanong ni Yell habang sa salamin lang nakatingin sa kanyang assistant. "Si Sir Dylan Zachary Valerioso po…" Tumigil ang assistant. Halatang nag-aalangan. Naningkit ang mga mata ni Yell. "What about him?" Huminga nang malalim ang assistant. "Sa pagkakaalam ko mula sa kaibigan ko na nagtatrabaho sa Valerioso palace ay may girlfriend na po daw si Sir Dylan, Ma'am." Sabi ng assistant. Natahimik ng isang segundo, dalawa at tatlo. At pagkatapos ay nakita ng assistant ang pamumula ni Miss Yell sa galit at mabilis nitong dinampot ang wine glass nito at hinagis iyon kaya biglang nabasag at nagkalat ang hawak niyang wine glass sa sahig. Nanlaki ang mga mata ng lahat sa loob ng salon. "W-What did you say?" Mababa at malamig na tanong ni Yell. Pero nanginginig sa galit ang boses niya. "M-May girlfriend na po siya, Ma’am. At—" "At ano?" Halos pabulong pero nakakatakot na salo ni Miss Yell. "Isang ordinaryong babae lang daw po. At studyante pa." Biglang tumayo si Yell. "Ordinaryong babae? Studyante?" Parang nanlilisik ang mga mata niya. "Yes po, Ma'am. Ngayon ko lang sinabi sa'yo. Kany Jarobella daw ang pangalan ng babae." Biglang natahimik si Yell. Kany? Hindi niya kilala. At lalong hindi niya tanggap na gano'n na lang siya kabilis na palitan ni Dylan. Pagkatapos niya itong hiwalayan. Dalawang beses lang siya nitong sinuyo. At hindi na ito nagbalik. "Really? You expect me to believe that Dylan replaced me with someone like her?" Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa salamin. Hinawakan niya ang sarili niyang mukha. At biglang tumawa si Miss Yell. Pero walang saya ang kanyang hitsura at makikita nakakatakot ang kanyang mga ngiti. "I was his world." Malamig niyang bulong. "He begged for me." Napapikit siya. At sa isang iglap ay nagbago ang ekspresyon niya. Mula sa galit ay naging determinasyon. "Let's go." Diretso niyang sabi sabay kinuha na ang kanyang sling bag. "Ma'am? saan po tayo pupunta?" Dahan-dahan siyang ngumiti. Isang ngiting may bahid na galit at inis. "We're going to the Valerioso Palace to remind Dylan who he replaced with that worthless woman!" Wika ni Yell. Habang naglalakad siya palabas ay lahat napapatingin sa kanila. Si Miss Yell ang may ari ng Salon kaya walang salitang niligpit na lang ng mga nagtrabaho roon ang kanyang ginawang kalat. Sa loob ng sasakyan ay tahimik lang si Yell. Pero mahigpit ang hawak niya sa phone. At sa screen ay nakabukas ang larawan ni Dylan. "You think you can replace me?" Mahina niyang bulong. Unti-unting kumunot ang noo niya. At sumilay ang galit sa mga mata. "No, Dylan." Umiling siya. "You don’t get to move on that easily." Pinatay niya ang phone. Sumandal sa upuan. At pumikit. "Let's see…" Mahina pero matalim na saad ni Yell. Ngunit pagdating nila sa Valerioso palace ay wala si Dylan. Kaya mas lalong nagalit si Yell. Lalo na nang malaman niyang kasama ng araw na iyon si Dylan at ang bagong girlfriend nito. ___ Lumipas ang ilang araw. Mga araw na parang panaginip para kay Kany. Araw-araw siyang sinusundo ni Dylan. Araw-araw may dalang bulaklak. Araw-araw ay mas lalo siyang nahuhulog. Nahulog agad ang buong puso ni Kany sa binata. Sa bawat titig nito, sa bawat paghawak ng kamay niya ay parang unti-unti siyang inaangkin nito. Isang gabi. Muli na naman siyang pinasyal ni Dylan. At hindi niya akalain, sa isang tahimik at pribadong garden restaurant sita nito dinala. Nasa harap niya si Dylan. Eleganteng naka-itim, Kalmado. Pero ang mga mata ay diretso sa kanya. "Kany." Napatingin siya. "Yes po…?" Hindi agad nagsalita si Dylan. Tumayo ito. At sa ikinagulat niya ay lumuhod ito. Nanlaki ang mga mata ni Kany. "S-Sir?!" "Stop calling me 'Sir' I'm your husband to be." Hindi naman siya nakaimik. Kinuha ni Dylan ang maliit na kahon mula sa bulsa nito. Binuksan iyon at nakita niya ang isang singsing. Simple iyon pero halatang napakamahal. "Marry me." Diretso at walang paligoy na saad nito. Napahawak si Kany sa dibdib niya. "A-Ano po?" "As I said, I don’t like wasting time." Kalma ang boses nito. Pero seryoso. "I told you before. I don’t make impulsive decisions." Dagdag nito. Tumitig ito sa kanya. "And choosing you is the most certain decision I’ve made." Hindi makapagsalita si Kany. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o tatawa. Napakabilis. Napaka-imposible. Pero heto na talaga ang sinabi nito. "T-This is too fast…" mahina niyang sabi. Tumayo si Dylan. Lumapit. Hinawakan ang kamay niya. "I’m not asking you because I’m in a rush." Bahagyang bumaba ang boses nito. "I’m asking because I’m sure." Tumigil ang mundo ni Kany. Ang puso niya ay wala nang ibang sinasabi kundi ang salitang 'oo'. Huminga siya nang malalim. At dahan-dahang tumango. "O-Opo…" Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi ni Dylan. At agad nitong isinuot ang singsing sa daliri niya. "Good, sweetheart." ___ Kinabukasan. Tahimik ang buong bahay nina Kany. Pero ang puso niya… hindi pa rin mapakali. Nakatitig siya sa singsing sa daliri niya. Fiancée na siya ng isang binatang Valerioso. Ako… fiancée niya? Parang hindi pa rin siya makapaniwala. "Anak…" Napalingon siya kay Aling Rosa. "Nay…" May halo pa ring pag-aalala ang mukha nito. "Sigurado ka na ba talaga…?" Napayuko si Kany. Pero this time ay ngumiti siya. "Opo." ____ Bandang hapon. Isang convoy ng mamahaling sasakyan ang muling huminto sa harap ng kanilang bahay. Mas marami kaysa dati. Parang may mas malaking dahilan. Dahan-dahang napalunok si Kany. Alam niya na agad. Dumating na siya. Paglabas niya ay nandoon ang mga tauhan ni Dylan. "Good afternoon, Miss Kany." "Boss Dylan sent us." Huminga siya nang malalim. "Saan po tayo pupunta?" "Sa Valerioso Palace." Hindi na siya nagtanong pa. Sa loob ng sasakyan ay tahimik siya. Pero this time… iba na. Hindi na lang kaba. Kundi anticipation. Pagdating nila ay nanlaki ang mga mata ni Kany. Mas engrande pa kaysa sa inaakala niya ang tahanan ng mga ito. Mas malaki. Mas marangya iyon at mas nakakatakot. Parang isang mundong hindi dapat maging kanya. Pagbukas ng pinto ay bumaba siya. At agad niyang nakita si Dylan. Nakatayo sa gitna ng malawak na entrance. Parang hinihintay talaga siya. Bahagyang ngumiti ito. "You’re here." Lumapit ito sa kanya. At walang pag-aalinlangan ay hinawakan ang kamay niya. "Come." Sa loob ng Valerioso Palace ay tahimik. Elegant. Pero ramdam ang bigat ng kapangyarihan. At doon ay nakita niya sila. Isang lalaking may matinding presensya na nakaupo sa gitna. Si Don Brixton. Katabi nito ang isang babaeng elegante at na simpleng nakatingin sa kanya, Si Donya Karah Isabella, isang bata pang Donya na sobrang ganda. Nanlalamig ang palad ni Kany. "Dad. Mom." Diretsong sabi ni Dylan. "This is Kany." Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. "My fiancée." Parang tumigil ang oras. Nanlaki ang mga mata nina Don Brixton at Karah. Muling nagkatinginan ang dalawa. Parehong may hindi mabasang emosyon. "You’re… serious?" Malamig na wika ni Don Brixton. "Yes." Walang pag-aalinlangang sagot ni Dylan. Tumingin si Karah kay Kany. Mula ulo hanggang paa. Sinusukat at pinag-aaralan siya. Lumunok si Kany. At marahang yumuko. "G-Good afternoon po…" Tahimik ang buong sala. At sa katahimikan na iyon ay doon nagsimula ang totoong pagsubok. Hindi bilang babae ni Dylan. Kundi bilang magiging bahagi ng Valerioso family.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD