CHAPTER 2

1156 Words
Sa isang malawak at marangyang balkonahe ng Valerioso Palace, tanaw ang kumikislap na ilaw ng buong lungsod. Tahimik ang gabi—ngunit hindi ang isip ni Dylan Zachary Valerioso. Nakaupo siya sa isang mamahaling upuan, hawak ang isang baso ng alak habang nakatanaw sa malayo. Katabi niya ang kanyang ama—ang kilalang Don Brixton Valerioso, isang pangalan na kinatatakutan at ginagalang sa mundo ng kapangyarihan. Tahimik silang parehong umiinom. Ngunit bilang isang ama, hindi nakaligtas kay Don Brixton ang bigat na dinadala ng kanyang anak. "Something’s bothering you," malamig ngunit matalim nitong saad, hindi man lang tumitingin kay Dylan. Saglit na natahimik si Dylan bago uminom muli ng alak. "I broke up with Yell," diretsahan niyang sagot. Bahagyang tinaas ni Don Brixton ang kanyang kilay. "Miss Yell Fernandez?" tanong nito, tila walang pakialam ngunit halatang sinusuri ang sitwasyon. Tumango si Dylan, malamig ang ekspresyon. "She thought I wouldn’t find someone better," dagdag niya, may bahid ng kayabangan sa tono. Isang mahinang tawa ang kumawala kay Don Brixton. "Then find another one," simpleng sagot nito. "Women come and go, Dylan. Don’t waste your time on someone replaceable." Bahagyang ngumiti si Dylan, ngunit ang mga mata niya ay nanatiling seryoso. "Yes, Dad. Akala ni Yell, hindi agad ako makakahanap ng ipapalit sa kanya…" saglit siyang tumigil, saka uminom. "Makikita niya." Tahimik na muling bumalot ang paligid. Sa kabila ng kanyang murang edad na dalawampu’t anim, si Dylan Zachary Valerioso ay hindi na basta-bastang lalaki. Namana niya ang matikas na tindig, matalim na pag-iisip, at nakakatakot na awra ng kanyang ama. Isa na rin siyang kinikilalang mafia boss—isang batang hari sa mundong pinaghaharian ng dugo at kapangyarihan. Bilang isa sa mga tagapagmana ng makapangyarihang Valerioso Empire, alam ng lahat na hindi siya dapat maliitin. Mayroon siyang mga kapatid—sina Brixton Valerioso III, David Kurt Valerioso, at ang nag-iisang babae na si Brizellah Heart Valerioso—mga anak ng kanyang ama sa napakagandang asawa nito na si Karah Isabelle Santillan. Ngunit sa kanilang lahat… Si Dylan ang pinaka-mapanganib. Muling uminom si Dylan, habang ang malamig na hangin ng gabi ay bahagyang humahaplos sa kanyang mukha. Sa isip niya, hindi pa tapos ang lahat. Kung may isang bagay na hindi niya kayang tanggapin— iyon ay ang matalo. Muling natahimik ang paligid. Ngunit sa pagkakataong iyon, may biglang pumasok sa isip ni Dylan. Isang mukha. Isang babae. Iyong babaeng naligtas niya kanina. Bahagyang sumimangot si Dylan habang iniisip ito. Simple lang ito. Halos walang kaayusan sa sarili—walang mamahaling damit, walang alahas, at halatang hindi sanay sa marangyang buhay. Ngunit… Maganda. Hindi kasing level ni Yell Fernandez—na lumaki sa yaman, sanay sa spotlight, at naging modelo pa sa murang edad. Si Yell ay perpekto sa paningin ng karamihan. Ngunit ang babaeng nailigtas niya… May kakaibang dating. Maamo ang mukha. Medyo chubby. Ngunit may natural na kagandahan na hindi kayang tapatan ng kahit anong mamahaling makeup. At higit sa lahat—tunay. Napahigop si Dylan ng alak habang bahagyang napangiti. "Pwede na…" bulong niya sa sarili. Pwede na bilang kapalit. Saglit siyang natahimik, ngunit maya-maya ay tila may naisip. Unti-unting lumalim ang kanyang ngiti. "Tama…" Mahinang natawa si Dylan. "I need to see her again." Ibinalik niya ang tingin sa lungsod, ngunit sa pagkakataong ito, may panibagong interes na sa kanyang mga mata. "Abangan ko siya bukas." At sa simpleng desisyong iyon— may isang buhay na naman ang unti-unting maiikot sa mundo ni Dylan Zachary Valerioso. ___ Maaga pa lang ay gising na si Dylan. Hindi ito ang tipo ng lalaking nag-aaksaya ng oras—lalo na para sa mga bagay na wala namang halaga. Ngunit ngayon… Nakatayo siya sa loob ng itim na sasakyan, nakaparada sa hindi kalayuan mula sa fountain plaza. Tahimik ang paligid. Ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng makina at ang pagdaan ng ilang sasakyan. Kasama niya ang pitong tauhan—mga personal niyang bodyguard sa tuwing may lakad. "Boss, may hinihintay po ba tayo?" tanong ng isa, halatang nagtataka. Hindi agad sumagot si Dylan. Nakatingin lang siya sa direksyon ng plaza, malamig at walang emosyon ang mukha. "I’ll wait." Maikling sagot niya. Hindi na muling nagtanong ang kanyang mga tauhan. Lumipas ang ilang minuto. Hanggang sa— Isang pamilyar na pigura ang lumitaw sa di kalayuan. Isang simpleng babae, naglalakad, bitbit ang ilang libro. Walang kaarte-arte. Walang kahit anong espesyal sa panlabas na anyo. Ngunit agad siyang nakilala ni Dylan. Siya. Ang babaeng hinintay niya. Bahagyang ngumiti si Dylan habang pinagmamasdan ito mula sa loob ng sasakyan. Naroon pa rin ang inosenteng aura nito. Walang kamalay-malay sa mundong malapit nang gumalaw sa paligid niya. "Interesting…" mahina niyang bulong. Huminto sandali si Kany malapit sa fountain plaza—parang nagdadalawang-isip kung dadaan ba roon. Napansin ni Dylan ang bahagyang pag-aalangan nito. Takot? O alaala ng nangyari kahapon? Napangisi siya. Ngunit nawaglit ang ngiti niya at nagulat siya nang makitang naroon na naman ang tatlong lalaki na nambastos rito at halatang inaabangan talaga ng mga ito ang babae. Hindi pa man sila nakakagawa ng masama, malinaw na ang balak nila sa babae. Ilang segundo lang— At nagsimulang manggulo ang mga lalaki, nilapitan si Kany. "Hi ulit, Miss…" pang-aasar ng isa. Nanlaki ang mata ni Kany. "Kayo na naman!?" Namutla na tanong ni Kany. Agad siyang hinarangan ng tatlong lalaking nakangisi. "Hindi kasi natuloy kahapon ang pakay namin kaya, bumalik kami ngayon." Sabi ng isa. Ngunit bago pa ito tuluyang matakot at tumakbo si Kany— Bumukas ang pinto ng sasakyan ni Dylan, binuksan iyon ng kanyang driver. Hindi sila napansin ng mga ito dahil naka distansya lang ang kanilang mga sasakyan. Dahan-dahang bumaba si Dylan pagkatapos nakababa lahat ang kanyang mga tauhan. At sa isang iglap, itinaas niya ang baril—hindi para pumatay, kundi para paalalahanan kung sino ang may kontrol. Nagulat si Kany lalo na ang tatlong lalaki. At namilog ang mga mata ng mga ito nang makitang muli ng mga ito si Dylan at ang mga tauhan na paparating. "Didn’t I already warn you?" malamig niyang sabi. Agad umatras ang mga lalaki, nangangatal at itinaas ang mga kamay dahil sa takot. "S-sorry po, Sir!" Nanginginig na sabi ng tatlo. "Run," Malamig na utos ni Dylan. Hindi na nila hinintay ang susunod na mangyayari—mabilis silang tumakbo palayo. Muling nailigtas si Kany ni Dylan. Ngunit sa pagkakataong ito… Hindi na ito aksidente dahil nag-aabang si Dylan rito. Dahan-dahang lumapit si Dylan sa kanya. Mas malinaw na niyang nakikita ang mukha nito ngayon. Mas lalo niyang napansin— Mas maganda pala ito sa malapitan. "Again?" bahagya niyang saad, may halong amusement sa boses. Hindi makapagsalita agad si Kany. Mukhang gulat na gulat pa rin. "K-kayo po ulit…" nauutal na sabi ni Kany. Bahagyang ngumiti si Dylan. Ngunit sa likod ng ngiting iyon— may malinaw na intensyon. "So…" bahagya siyang yumuko upang magpantay ang kanilang tingin. "What’s your name?" Mababa at mapang-akit na tanong ni Dylan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD