Chapter 2

2430 Words
NAPABANGON ako nang wala sa oras nang dumampi ang araw sa aking mukha. Napatingin ako sa paligid at agad na isinuot ang maskara ko. Dali dali akong bumaba papuntang sala at agad na napatingin sa orasan namin dun.   ’10 na ng umaaagggaaa!!’   Agad akong pumunta kay Kuya na nagmamadaling magsuot ng sapatos dun. “Late na tayo, bunso!! Bilisan mo.” Saad nito na kaagad kong hinablot ang towel ko at dali daling dumeretso sa CR para aba maligo. Hindi naman kasi de shower ang banyo namin de tabo kami dito.   Nang matapos ako agad akong nagpalit sa Kwarto namin ni Kuya, yep kwarto namin. Iisa lamang ang kwarto namin dahil syempre maliit lamang naman ito. Iisa lang din ang kama at sanay na akong kasama si Kuya sa iisang kama kaso makulit ako kaya minsan ay hinahayaan nya ako sa kama. “P-pero madame… Mamdame?? Madame?? s**t na malagkit!!” rinig kong sigaw ni kuya na agad kong kinabihis nung putting medyo malaking shirt at sweatpants tsaka ko sinuot ang maskara ko at dali daling bumaba.   Nakita ko dun si Kuya at ang gulong gulong sala namin. Yung upuan ay baliktad, yung maliit na lamesa namin sa gitna ay nakataob pati ang maliit na vase na may bulaklak namin dun. Nakatayo sya sa gitna nun at ang mga kamay nito ay nakahawak sa ulo nito. Agad akong yumakap dito upang tumigil na na kinagulat nito, ramdam ko na kasi ang aura nito na lumalakas at bumibigat na maaaring mapabagsak nya ang bahay namin dun. Mukhang alam ko na ang dahilan sa pagdadabog nya.   “Kuya, tigil na… Hanap nalang uli tayo ng trabaho, wag kang mag-alala kuy-”   “Hindi naman yun ang problema eh!! Pano na tayo?!” nagulat ako sa higpit na hawak nito at patalsik na tanggal nito ng kamay ko lalo na ang pagsigaw nito sakin. Matagal na nya kase akong hindi ginanon simula ng mapalapit na kami sa isa’t isa. Gulat din itong nakatingin sakin na nag-iwas din agad.   “M-magpapahinga na muna ako.” Saad nito at dumeretso sa kwarto namin. Napabuntong hininga na lamang ako at naiintindihan ko naman sya eh. Inayos ko na ang mga nagulo ni Kuya at nilinis uli ang sala.   “Haaayyysss, go go go Chichu!!” saad ko na lamang sa sarili ko ng matapos kong linisin yun, konti lang naman eh. Dumeretso ako sa kitchen at binuksan ang mga kabinet namin doon. Wala nang pagkain pa, kahit sa ref naming maliit ay wala na kundi tubig na lamang.   Kinuha ko agad ang alkansya ko doon at kumuha ako ng sapat na pera upang mag grocery nadin. Agad kong itinago ang alkansya ko at itinago sa bulsa ko yun. Naglakad ako patungo sa kwarto at nakita kong tulog doon si Kuya. Naupo ako sa gilid ng kama na iyun at itinapat ang kamay ko sa mga sugat nito sa daliri. Kagagawan nya kanina eh.   Ang kapangyarihan ko naman kasi ay Super Sight, super hearing at healing while si kuya ay Metal daw at Energy na parang kaya nyang pahinain at palakasin ang enerhiyang meron ang isang tao ganun kaya nga astig eh tsaka yung Curse Ability at Shadow. Apat ang kapangyariohan ni Kuya at masasabi kong master na nya yun kese minsan nagsasarili kaming training tsaka marunong ako konti nga lang nung Curse Ability kaso mahina nga ganun sadyang Enhanced Vision, Enhanced hearing at Healing ang handle ko hehe.   Nang makita kong magaling na ang sugat ni Kuya ay naramdaman kong gumalaw ang kamay nito mukhang ramdam nya ang nangyari. “Kuya, mag gogrocery lang ako dyan sa mart sa tapat natin… Don’t worry sa akin toh galing para makakain na tayo ng lunch. Hintayin mo ko kuya at wag na init ulo.” Bulong ko dito at agad din naman akong tumayo.   Paglabas ko ay tumawid lang ako sa kabilang parte dahil katapat lang naman talaga namin ang nag-iisang gocery mart sa Caupo, malayo samin ang mall sa unang bayan pa kaya hindi na kataka-taka na nag-iisa lang ang grocery mart sa Caupo pero malaki ito at laging may suply kaya walang problema. “Jeesu, hija!! Magandang umaga!!” bati ni mang ratoy, kapit bahay namin yan.   “Magandang umaga, Jeesu!! Magandang Umaga, ratoy!!”   “Aga natin ngayon ah, Jeesu!! Morning!!”   “Morning ratoy!! Good morning, Jeesu!!”   Bati ng iba pa naming kabaryo, maliit lang naman ang caupo at tabi tabi pa kami. Kita mo din ang laki nito sa iisang tayo mo lamang kaya bilangado mo lamang sa kamay at paa mo ang bahay dito ngunit magkakakilala kami. Kala nga nila ay masasama kami dahil tapunan daw kami ng mga masasamang Lampr`onian pero hindi dahil ang mga pinapatapon nila ay mabubuti na ngayon tulad ni Mang Ratoy. Kumpare ko yan eh, pero para syang tatay samin minsan.   “Morning po sa inyo!! Nay Lita!! Mang Ratoy!! Morning sa iba!!” bati ko naman na kinangiti nila doon kahit ako. Para na kaming pamilya, sooobbbrrraanggg laking pamilya nga lang haha. Agad akong dumeretso sa mart ng madaanan ko ang sundlo nito alam kong ibinaba sya ng hari dito upang magbantay sa mart, apat lamang sila at kasing tanda si Mang Ratoy. “Morning, mga tay!!” bati ko na kinangiti nilang apat, oo para silang mga tatay sakin dahil bata pa lamang kami ni Kuya ay nakatira na kami sa Caupo at nandiyan nadin ang mga ito para sa amin ang buong Caupo ang masasabing naging magulang namin. “Good morning sa maganda naming anak!!” bati nilang apat na pinagbuksan pa ako ng pinto na kinatawa ko naman. Pumasok ako doon at masasabing walang bawas muli ang buong grocery na pasikot sikot. Agad akong kumuha ng cart at tsaka ko inalala aang mga ginogrocery lagi ni Kuya.   May photographic memory kasi ako na since birth na talaga parang ability din ata yun ewan.   Ang naalala ko noon ay karne na pang adobo at sinigang, baka na pang kaldereta, chicken na pang chicken curry tsaka tubig namin na limang malalaking bote tapos gatas na fresh hehe tsaka yung cola din syempre ayaw kasi ni kuya bilhan ako kaya yung eksakto lang sa isang tao tapos sandamakmak na kape ni kuya na kinahiligan nya then yung prutas na mansanas, orange, ponkan nadin, strawberry, tsaka blueberry paborito ko eh then isang yogurt tsaka yakult nadin para sa shake ko then breads nadin dun at syempre nutella nadin na medyo malaki para mapapak ko pa then kumuha ako nung pang carbonara at spaghetti then breading for chicken tsaka rice nadin na dalawang sako then yung tsokolate na gusto ko at mallows hehe tsaka meatballs nadin at nachos then yung pangbakes na sangkap then syempre eggs di makakalimutan tsaka iba’t ibang gulay na hilig namin ni kuya ang vegetable salad ganern then yung iba pa hehe.   Nakatatlo akong cart na tulak tulak papunta sa cashier, maaga palang kaya’t mabilis ang pili namin. Nang ilapag at ipakete na nila yun ay umabot pa sa dalawang cart yun at hindi ko alam na bags. “Napadami ang grocery natin ah, Jeesu!! Morning!!” bati ni Ate Ashley, mas matanda sya samin ni Kuya at parang ina nadin namin sya eh habang ang nagbabag naman at nag-aayos nun ay si Tay Josh na isa sa mga guards dun sa labas.   “Morning din po, eh ako po kasi ang nag grocery… Nag ano ata ako natuwa hehe.” Saad ko dito na kinatawa naman nilang dalawa doon.  Nang matapos yun ay nag-abot na lamang ako ng pera na eksakto doon tsaka ko tulak tulak ang dalawang cart. Ibabalik ko nalang mamaya daw.   Paglabas ko sa mart ay tulak tulak ko yun patawid ngunit napatigil din ako saglit ng makakita ako ng pegasus dun na may logo ng prinsipe sa tapat pa ng bahay namin nakaparke ni yung mga kapitbahay namin ay nakikisilip sa bahay namin na kinataka ko. “Mang nonong!! Ano sinisilip nyo dyan??” saad ko dito na kinatingin nito sakin at dali dali pa silang nagbigay daan sakin.   “May bisita ata kayo, nak.” Saad nito na kinataka ko at tinulak ko na lamang ang dalawang cart papuntang bahay. Iniwan ko muna sa bakuran ang dalawang cart at binuhat ang bag na puno ng karne at mga isda doon. Dalawa namang malaking bag na kaya ko naman siguro.   Dali dali kong binuhat yun papasok at dumeretso sa kitchen. Isa isa kong inilagay ang mga karne at isda sa freezer na halos mapuno na. Maliit lang naman ang ref namin but sobrang lawak ng loob, gawa ni Kuya eh. Nang mailagay ko na ang mga yun ay dali dali akong lumabas at kinuha pa ang iba pang bag doon, kaya ko naman ang apat ng sabay sabay. Nang matapos kong ayusin sa ref lahat ay dali dali uli akong lumabas.   Hellooooo!! Yung dalawang sako ng bigas pa eh.   Dali dali kong binuhat sa likod ko ang isang sako ng biogas at tatakbo takbo kong binuhat yun papuntang kusina at inilapag sa gilid doon. Nagtatakbo uli ako at ginawa uli yun. Nang maipagtabi ko sa iyon ay napatayo ako ng ayos, medyo masakit sa likod pero yaka pa naman. Nag stretching muna ako at bumaling sa oras.   11:32 a.m na.   Agad akong nag-isip ng lulutin sa tanghalian habang naglalagay ng apron at nag pupusod ng buhok ko. Madami naman akong alam na dish na pwede kaya lang anong pwede sa mood ko. Tanong ko nalang muna si Kuya. “Kuy-” napatigil ako sa pagsigaw ng pagharap ko doon sa sala ay may ibang tao. Hindi ko ata napansin kanina yun ngunit nakilala ko lang si Ate Lovely na girlfriend ni kuya for two years at si Lionel na boybestfriend ko at may girlfriend yan kaya wag ako haha tsaka di ko kilala ang kasama nilang tatlong lalaki at isang babae pa. Agad namang akong lumapit doon ngunit naunahan ako ni Ate Lovely ng yakap nito. “I thought nasa mission kayo, Ate Lovely??” saad ko dito ng pagbitaw nito sakin ngunit tumayo din ang iba at lumapit si Lionel sakin.   “Aba pinagtatabuyan mo ata ang mga prinsesa at prinsipe, brad… Nakuu!!”   “Hoy!! Nagtatanong lang ako wala akong says noh… Just asking, brad!! Eh ano nga ba??’ saad ko na kinatawa naman nila doon sakin.   “Makikikain sana kami eh, brad!! natapos nadin namin yung mission namin. Ang sabi lang naman kasi samin ay icheck ang bayan ng Caupo which is bayan nyo if ayos lang ba daw at hindi magulo kaya tapos na ang mission namin noh, brad!!” saad nito na kinatango tango ko naman tsaka bumaling sa mga kasama nito.   “Uhhmmm h-hello?? Dito din ba kayo makikikain??” tanong ko na kinatango tango naman nito na agad kong kinagalaw.   “Kuya!! Sisimulan ko nang magluto nakakahiya sa bisita!! Entertain mo nalang sila!!” sigaw ng makarating ako sa kusina at inilabas ang mga gagamitin kong pangluto, kumplto kami dito wag na magtaka si Kuya lang malakas haha.   Sa kalagitnaan ng pagluluto ko ay may nakalimutan akong tanungin. “Kuya!! Ano ano kamo ang allergies nila baka malagyan ko at makapaktay ako!!” sigaw ko, sigurado namang rinig ni Kuya yun eh.   “Wala silang mga allergy kaya don’t worry, ano bang lulutuin mo, brad??” napatingin ako sa dumating, si Lionel ito na nagsusuot ng apron. Itinuro ko na lamang ang mga pwede sa kanya aba baka magbago ang lasa ng luto ko noh haha.   NANG makalipas ang ilang minuto ay natapos din kami at nakaayos nadin ang plato sa dining table doon kahit ang mga ulam ay naayos ko nadin. “Woooowww!! Ang sasarap naman nito!!” saad nung babae na narinig ko lang. Nagpupunas pa kasi ako ng kamay eh. Tinanggal ko pa ang apron ko at tsaka ako pumunta sa kanila.   “Ah oo nga pala, hindi pa kami nakakapagpakilala. Rulstin Villanueva, prince of Earth Kingdom and my ability is Invisibility.” Saad nito at nakipagkamay pa sakin na tinanguhan ko yung kulay brown haired sya.   “I am Zlyder Ulrix Joaquinn, prince of Air Kingdom and Elasticity is my ability.” Saad nung white-blonde haired guy na may light blue highlights.   “Hello!! Vladimir Larry Smith, prince of Water Kingdom and ability of Weather Controller!! Nice to meet you.” Energetic na saad nung may dark blue na buhok na may konting highlights na medyo light blue.   “Hi, ako nga pala si Zlyda Ulrinicha Joaquinn, Princess of Air Kingdom my ability is!! Ikaw??” saad nung babaeng blonde ang buhok na may blue highlights konti. Mukhang masayahin ito.   “Hello, ako nga pala si Jeesu Leynie Mendez. Isang normal na mamamayan lang ng Caupo at ang kaya ko lamang ay Healing, Enhance hearing and Enhanced Vision. Nice to meet you!!”   “Hindi ka nagtatanggal ng maskara??” saad ni Zlyda na kinangiti ko dito at tinanguan ito.   “Pasensya na, talagang nakasuot na ako noon pa man ng maskara hanggang sa pagtanda.” Saad ko dito na kinatango nila doon. Nagsimula kaming kumain at puro sila tanong kung ano daw ang mga putaheng iyun at ito o kaya naman ang sarap daw at parang nasa heaven daw sila.   “Mahilig kayo sa gulay ano?? At pantay pantay din ang pagkain nyo, may mga gulay o di kaya karne o kaya halo ganun… Ang sarap!! Parang lagi akong busog kapag nakatira ako dito.” Saad ni Zlyder na kinatawa namin doon.   “Ibigsabihin nun ay dito apla lagi sila Lionel at Ate Lovely?? Grabe!! Kaya pala no wheree to be found ang dalawa minsan…” saad naman ni Rulstin na kinatingin sa dalawang natatawa na lamang.   “Kuya Jeycee, nakita mo na ba ang mukha ni Jeesu??” saad ni Zlyda na kinaagaw ng pansin namin.   “Hindi ka ba naiinitan dyan?? Grabe eh, parang ang kapal.” Saad naman ni Larry sakin na kinatawa ko naman dito. “Walang kahit na sino pa ang nakakita ng mukha nya kahit ako ay hindi ko pa nakikita ang mukha nya pero nung bata kami oo.” Saad ni Kuya na may kinuha pang kung anong book doon at inilapag sa harapan nila yun. Alam ko naman kung ano yun eh.   “Yaaahhhh!! Hindi talaga nakakasawa ang pagmumukha mo, girl!! Ang cute cute!!” sigaw ni Ate Lovely na kinatawa na lamang namin at pulos sila kwentuhan sa nangyari sa litrato doon ng biglang-   BOOOOGGSSSSHHHHH.                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD