LIONEL’S POV
KANINA pa ako bumaba eh wala nakakatakot talaga yung brad ko na yun. Minsan nga naisip ko, buti at hindi ako nagkagusto doon malabo yun. Braders kami nun eh haha. Nandito kami ngayon sa sala lahat kasama nadin namin si Val na tahimik na nagbabasa at nakikinig lang din.
Cold yan nakakatakot minsan, si Jeycee naman ay katabi si Ate Lovely alam din naman ni Val na boyfriend yun ni Ate at wala naman syang angal wag lang daw saktan si Ate Lovely kundi malilintikan sya haha.
Pulos kwentuhan din sila kahit si Ate Lovely ay napapakwento sa unang pagkakakilala nito kay Jeycee na napupunta din kay Brad haha. Halos maikwento na nya lahat ng araw na nakilala namin si Jeesu at Jeycee. “Eh panong brad ang tawag ni Jeesu sa aming mga lalaki?? Ngayon lang ata ako nakaasalamuha ng babaeng malapit sa lalaki kesa sa babae.” Saad ni Kye na kinatawa ko doon kahit si Kuya Jeycee at ate Lovely.
“Si Jeesu yung klase ng taong walang pinipiling kasarian. Kaya nyang maging si Brad mo kapag lalaki ka at kaya nyang maging sis mo kapag babae ka. It depends sa makita nyang mood sayo, if interesado ka sa kanya, she can play with your interest but if friendly ka na lalaki, brad agad itatawag sayo nun. Ang galing nga eh!! Ang bilis nyong makasali sa Brader hood naming dalawa nun!!” saad ko na kinawow naman nila doon.
“Can I ask, Why I can’t read her mind?? Nor control it, Jeycee??” saad bigla ni Val na kinatahimik namin at napabaling kay Jeycee. Kahit ako ay yun din ang tanong ko but hindi ako nakakatanong, nahihiya naman ako kay Brad noh.
“That is what I want to ask din dati but wala akong matimingan eh.” Saad ko na kinatingin nila sakin doon at umayos naman ng upo si Kuya Jeycee.
“Hindi ko din alam, she’s my sister but ang masasabi ko lang… Anyone can’t control her, protektado ng gem ko ang buong pagkatao nya. Nanumpa ako kay Lola na poprotektahan ko ang kapatid ko at yun din ang isinumpa ni Lola kaya baka dahil doon.” Saad ni kuya Jeycee na kinatango tango ko doon at mukhang binabasa pa ni Val ang utak ni jeycee ngunit tumango tango din ito.
“If you think that I would lie to all of you, hindi. Totoo ang sinabi ko.” Saad nito muli na kinatango ni Val ngunit napatigil ako ng may maramdaman ako. Naramdaman ko na naman ang tulad noon, ang mabahala kay Brad.
Napatingin ako kay Kuya Jeycee na napatigil din, tulad ng dati ito. Nakaramdam na naman kami ng pagkabahala. Napatayo ako ng marinig ko ang kalabog sa taas, hindi pwede toh. Kita ko ang pagtayo din ni Kuya Jeycee at pagmadali nitong umakyat. Sumunod agad ako dito kahit si Ate Lovely at iba pa na nagtatakang nakasunod. Ng makatapat kami sa puti na may gold lining na pinto ay kinakatok yun ni Jeycee.
“Bunso!! Jeesu!! Buksan mo ang pinto!!” sigaw nito at kumakatok na dito ngunit walang nagbubukas ng makarinig muli kami ng kalabog. Kinatok ko yun ngunit hindi padin.
“Ano bang nangyayari, Lionel??” saad ni Rulstin na halatang nag-aalala nadin.
“She is having an Anxiety attack sometimes kaya nasa iisang kwarto lang laging natutulog si Jeesu at Jeycee and when it happens to her while sleeping… It can lead to death.” Explain ni Ate Lovely na kinagulat nila ngunit hindi yun ang pansin ko kundi buksan ang pintong toh. Napaatras kami ng biglang sipain yun ni Val. Kita ang pagmamadali nito at ngayon lang namin itong makitang…
Punong puno ng pag-aalala.
Nang sipain nya muli ito ay bumukas yun at bumungad si Jeesu na nakahiga sa kama nito at tuloy tuloy ang pagluha nito ng natutulog. Nagulat pa ako ng nauna pang lumapit si Val kesa kay Jeycee but lumapit din naman kami agad. “Jeesu… Jeesu… Gising!! Gumising ka!! Bunso…” saad ni Jeycee ngunit hindi parin ito bumabangon ni nagigising. Lalapit na sana ako ng biglang yugyugin ni Val si Jeesu.
“Bumangon ka, Leynie!! Nananaginip ka!!” sigaw nito kay Jeesu ngunit wala padin itong tugon. Nakita ko ang akmang hahablutin nito ang maskara ni Brad na agad kong hinawakan ang braso nyaang yun.
“Hindi mo pwedeng tanggalin yan, maaaring magalit sya sayo.” Saad ko dito na kinatango na lamang ito at niyugyog nya muli ito.
“Brad!! Tapos na ang pangyayaring nakikita mo!! Gumising ka na!! Please lang!!” sigaw ko dito at kita ko ang pagmulat nito na sinalubong ang tingin ni Val. Agad syang napayakap kay Val na kinagulat namin pero mas nakakagulat ang pagyakap ni Val dito na hinahagod pa ang likod nito.
Kahit kailan wala syang pinapayagang yumakap sa kanyang babae kundi ang ate nya at ang mom nya.
Bumitaw dito si Jeesu at yumakap agad kay Jeycee na umiyak pa mas lalo. Alam ko kung bakit sya nagkagento dahil kaming tatlo lang ang nakakaalam noon nila Jeycee wala ng iba. “Shhhhhhh, tahan na… Nandito si Lionel oh, sabi nya sayo diba?? Noon yun, wala na yun ngayon.” Saad ni Jeycee na kinaupo ko sa tabi nito. Napabitaw ito at napatingin pa sakin.
“L-lionel…” saad ni Jeesu na nakatingin deretso sa mata ko. Hindi ko mapigilan yakapin ito, ito ang ayaw kong nangyayari sa kanya. Para ko na syang bunsong kapatid tulad ni Lyandra but mas close nga lang kami ni Jeesu. Naaawa lagi ako pag nangyayari sa kanya ang gento dahil lang doon sa pangyayaring yun.
“Lumabas na muna tayo… Hayaan muna natin silang mag-usap, Val… Tara muna sa labas.” Rinig kong saad ni Ate Lovely, nang marinig ko ang pagsarado na ibig sabihin ay nakalabas na sila.
“Shhhhh, dati na yun. Alam nating mas masaya sya kung hindi na natin sya inaalala sige ka. Nagsabi sya sayo diba?? Maging masaya at malaya tayo sa pagkawala nya at wag na wag malulungkot.” Saad ko dito na kinatango tango nito sakin. Kami na lamang ang naiwan dalawa dito dahil sumunod din si Jeycee at iniwan sakin si Jeesu.
“E-ewan ko ba, brad… Namimiss ko yung kulitan nating apat eh. Tayong tatlo nalang nila Kuya nung nawala sya. Kese diba?? Noon para tayong triplets kaso haha nauna pa sya satin. Namatay sya dahil sa pagprotekta nya satin… Mahal na mahal ko yung brad kong yun tulad mo kaso eto tayo, kambal nalang natira iniwan tayo ni Brad eh.” Saad nito at tinanggal ang amskara nya. Tama kayo, may isa pa kaming kaibigan at namatay ito ng may sumugod samin nung isang taon na Darkenian at dahil sa pagprotekta nya samin ay pinatay sya nila.
Kaya naman nagkagento si Jeesu dahil sa sinisisi nya ang sarili nya nuon kaso namatay kasi sa harap nya eh at mas lalong sa huling hininga nung brad naming yun ay nasa bisig ni Jeesu kaya ayun. At ako lang din ang nakakita ng mukha nya, noon yun biglaan din kaya komportable sya pag ako kasama nya. Maganda naman si Brad kaso di ko din alam bakti ayaw nyang tanggalin ang maskara nya.
“Alam mo, minsan iniisip ko brad… Pano kung buo tayo noh?? Pero nakakamiss din pala sya. Yung malulutong namura nya pag pinaprank natin sya haha tapos pag pinagkakaisahan natin sya. Namimiss ko yung tawa nyang abot pa sa kabilang kalye sa lakas. Lahat nakakamiss sa lalakeng yun.” Saad ko dito na kinapunas nya ng luha doon.
“Wag kang mag-alala, Jeesu. Kambal tayo at ang kambal hindi nag-iiwanan.” Saad ko dito na kinatingin nito sakin at ngumiti. Ngiting totoo.
“Salamat, Brad… Tara na at gagawa ako ng makakain ko, gutom ako.” Saad nito sakin na kinatawa ko na lamang dito.
JEESU’S POV
NANG makalabas si Lionel ay nag maskara muli ako at tsaka ako nagpalit ng pambahay. Nakakainis!! Lagi nalang akong hinahabol ng Anxiety ko. Napayakap pa ako doon sa Val nayun. Bakit ba kasi nasa harapan ko yun?? Kala ko tuloy sya si brad dahil sa mga luha kong nakaharang na nagpalabo sa mukha nya. Drop Shoulder Tie Dye Longline Tee na color black yung shirt and medyo neon green blue naman yung basta, yun yung nakalagay sa papel na nakasabit na pangalan nito. Lahat na ata ng damit ko dito ay bigay ni Lola, lahat bago. Nag shorts ako na white eh sa puro shorts lang nakita ko dito. Anlaki naman kasi ng closet dito.
Lumabas din ako sa kwarto ko at dumeretso sa baba. Nakita ko silang nagkekwentuhan doon while nakaagaw pansin yung Arganna na kapit na kapit sa braso ni Val na walang pakialam naman dito. Dumeretso na lamang ako sa kusina at binuksan ang ref nito. Madaming laman tulad ng inaasahan sa maharlika. Hell yeah!! Limang oras akong tulog at gutom na gutom na ako. “Magluluto ka, Jeesu??” nagulat ako ng nandito na silang lahat sa dinning room at nakatingin sakin.
Kala ko di na ako napansin.
“Oo, sana?? Gutom ako eh, meryenda sana.”
“But it is dinner time!! We should eat dinner na, my Dad will get mad if she’ll knew that I am not eating on time!!” saad nung Arganna na kinairap naman ng kababaihan. Ang ibig nyang sabihin ay Hari ng Lampr`os.
“Then, Jeesu will cook dinner?? Ayos lang ba brad?? Namimiss ko yung luto mo eh.” Nahihiyang saad pa ni Larry na kinatawa namin doon except kanino pa edi sa dalawa na sila Arganna at Val.
“Sure, if it’s okay wi-”
“Tss, sa Cafeteria nalang ako. Baka lasunin mo pa ako. Let’s go, Val baby. Let’s eat in the Cafeteria.” Saad ni Arganna na inirapan pa ako at hinila si Val but bumitaw din ito.
Ano toh?? Nanonood ata kami teleserye.
“I’ll eat here. Go where you want to eat.” Saad ni Val at naupo muli doon sa couch sa sala while yung Arganna naman ay umalis na lamang. Ano kala nya sakin?? Walang konsensya ampotek.
Nagpusod na lamang ako ng buhok muli kahit na hindi ako marunong, lintek na buhok naman kase. Naglagay din ako nung apron dito tsaka ko hinanda ang mga gagamitin kong kutsilyo at mga plato tsaka iba pa. Naiilang ako sa mga tingin nila. “Wag nyo nga akong tignan mga brad!! Nakakailang kayo eh!! Sige na, ano bang request nyo??” saad ko sa mga ito na kinaisip nila.
“Soup tayo!!” saad nung girls na kinatango tango ko dito.
“Gusto namin ng Salmon!!” saad naman ng boys na kinatango tango ko dito tsaka kami bumaling kay Val na nandoon nakaupo. Gulat itong napatingin samin at itinuro pa ang sarili.
“Hm?? Ikaw?? Anong gusto mo??”
“Chicken and Pasta, Thank you.”
“Drinks?? What kind of flavor do you want??”
“Me again??” saad nito na itinuro pa ang sarili nito. Tinanguhan ko naman ito at bigla itong tumayo na kinagulat ko. Tinatanong ko sya ah hindi pinapatayo. Lumakad ito at pinadaan pa nila Lionel. May kinuha pa itong kung ano eh basta hinayaan ko nalang sya. Kumuha ako ng mga kailangan ko para sa lulutuin ko.
Binuksan ko yung ref nila agad at chineck ko ang laman nun. Naglabas ako ng Large salmon fillet, garlic, butter, lime, cilantro, chicken, heavy cream, linguine, parsley, boneless and skinless chicken, red bell pepper, onion, chicken broth, coconut milk, rice noodles, basil leaves, long grain white rice, roma tomato, at wala yung ibang kailangan ko.
Ginawa ko muna ang pagchop sa mga iyon syempre hindi pwedeng isalampak mo ng isalampak yun kaso mabilis lang naman ako gumalaw kaso nga lang din etong asungot na Val Lovery natoh harang harang minsan. “Can I help??” saad nito na kinatigil ko sa pagpiprito netong bigas pero agad kong pinagpatuloy yun.
“Sige lang, kaw bahala… Pakituloy netoh then if it’s nice and toasty, put the onion then tomatoes and the garlic tsaka mo haluin uli ng mabuti… While mixing pag napansin mong halo na edi ilagay mo na ang tomatoe paste then haluin mo tsaka ilagay tong bowl of water… Then stir it until the tomatoe paste is dissolved, takpan mo nito. Hintayin mo ng 15-20 minutes yan tsaka mo sya bubuksan uli then taste it if it’s okay na tsaka mo ilalagay dito sa malaking plato. Ayos ba yun??” saad ko dito at nakita ko itong tumango kaya sinenyasan ko itong lumapit.
Pagkalapit nito ay hinablot ko agad ang kamay nito at pinahawak ang panghalo ko. “Ayan, ikaw na bahala sa Rice natin ah!!” saad ko dito at nagsimula ko nang ilagay ng dahan dahan sa Oven yung not an ordinary Salmon at kailangang ibake yun for 15-20 minutes tulad nung rice.
Sabay ko namang niluto yung Spicy Chicken Lazone Pasta tsaka yung sa girls na soup but ang alam kong tawag sa soup na toh ay Red Curry Noodle soup. Medyo madami ang Noodle soup na ginawa ko para sa lahatan kahit yung pasta at yung malaking salmon hehe. Nang mailuto ko na ang dalawa ay tsaka ko nilagay sa plato yun.
*TING*
Napapitlag ako ng tumunog na ang oven senyales na luto na iyun. “Val?? Pwede bang ikaw na ang kumuha then ako na bahala maghintay sa kanin??” saad ko dito at tinanguhan naman ako nito. Kinuha ko yung oven gloves at isinuot agad yun sa kanya.
“Salamat.” Saad ko dito at tsaka ko tiningnan yung kanin. Kumuha ako ng kutsara at tsaka ko binuksan yun. Sumalubong ang mainit at mabangong usok hehe sarap nakakagutom.
“Ayos na yan??” nagulat ako ng tumama ang hininga nito sa tenga ko.
“Layo tayo konti, brad!! Baka masiko kita naku!! Layo brad!!” saad ko dito at narinig ko itong tumawa ng mahina. Wow, tumatawa pala si mister haha.
Nag kutsara ako ng isa at iniabot dito iyun. Hinintay kong tikman nya ito at inaabangan ang sasabihin nito. Nang masubo na nya yun ay syang pag abang ko ng masasabi nito. “Masarap naman diba?? Or di mo type??” saad ko dito at tumingin pa sakin ito.
“Masarap, kakaibang kanin toh di ko pa natitikman ang gentong kasarap.” Saad nito na kinangiti ko dito at tsaka ko nilagay sa isang malaking plato yung rice at nilagyan pa ito nung dahon hehe dahon tawag ko doon eh.
“Paabot naman nung mga bowl natin para mailagay ko na yung noodle soup.” Saad ko dito at nailagay ko naman ng ayos sa tulong nya na pag-abot ng sunod sunod yun. Iniaayos nadin naman nya yung mga yun sa Dinning table.
“May nakalimutan pa ba tayo??” saad nito na kinaisip ko. Oo nga, pala yung para sa dessert huhu.
“Ahmmm, pwedeng makisuyo sayo Lovery??” saad ko dito na kinatingin pa nito sakin na animo’y sinusuri ako ngunit tumango din naman sya.
“Sure, ano ba yun??”
“Pwedeng itakbo mo ako ng Lite coconut milk naubos kasi tsaka yung White Chia Seeds sa Cafeteria ata baka meron yun?? Mapapalayo ka kasi if sa mall pa kaya sa Cafeteria nalang. Yung bago kamo. Thank you, brad.” Saad ko dito na kinatango nito sakin at bigla itong tumakbo na kinagulat ko. Kala ko maglalakad lang sya, grabe. Yung cold na yun, tatakbo sa pakisuyo ko?? Lupet nun may nakain ata.
Kumuha nalang akong mga baso namin at yung gold metal straw nila doon. Buti nga at eksakto este sobra ng isa may mga pangalan kasi yun at natira doon yung Arganna. Ang nakikita kong mga paborito nilang prutas ang gagawin ko. Kay ate Lovely at Kuya Jeycee ay yung Watermelon-mint Lemonade while kay Lionel ay yung Peach Strawberry lemonade tsaka sa ibang girls at boys naman yung Raspberry Lemonade. Nang maitimpla ko ang sakanila tsaka ko tinimpla ang kay Val na Blueberry Lemonade. Ang huli kong ginawa yung akin na Mojito, walang alcohol yun baka maambangan na naman ako nila Kuya Jeycee eh haha.
“Eto na yung hinihingi mo, anong gagawin natin??” biglang dumating si Val na hingal na hingal. Kinuha ko yung mga yun at tsaka ko kinuha yung frozen blueberry at nilagay yun sa isang bowl at sinundan ng water. Dinurog ko yun hanggang sa satingin ko ay ayos na ang ganun ay isinantabi ko muna. Inilagay ko ang dala nyang coconut milk sa transparent bowl at nilagay ang vanilla extract kasunod ang Chia Seeds na dala nya din tsaka ko mabuting hinalo ang mga yun hanggang sa okay na ito. “Anong maitutulong ko dyan??” saad ni Val na kinatingin ko dito at sinenyasan ko itong tumabi sakin.
“Can you use your Ice Gem here?? Not exactly but I just need this to look like it is chilled ng Overnight.” Saad ko dito at tumango naman ito na animo’y naintindihan ako. Ginawa naman nya yun habang kinukuha ko yung mga mug namin doon at yung small spoons.
“Ayos na toh, eto na oh.” Saad nito at iniabot sakin nito. Inisalin ko yun sa mga mug na transparent tsaka ko dahan dahang inilagay yung blueberry na tubig na pala doon.
“Ako na, ako na. Tawagin mo nalang sila and wait.” Saad nito na kinatingin ko dito dahil pumunta ito sa likod ko. Naramdaman kong tinanggal nito ang apron ko kaya agad akong pumunta doon sa sala at nakita lang nila ako ay nagsitakbuhan na sila sa Dinning Table. Natawa nalang ako sa inasta nila doon.
Lupet din ng mga brad ko eh noh.