Nagkatinginan silang magkakasama pagkapasok ng mga ito sa OR. Lahat ay may bahid ng kaba at takot. Marahil ay alam ng mga ito na matatagalan ang operasyon na gagawin nila. "Bakit ganyan kayo makatingin, hindi ba dapat ay maging masaya kayo na mayroon tayong ililigtas na buhay?" nakangiti niyang untag sa mga ito. "Kaya mo na ba talaga doktora?" tanong ni Fynn. "Of course, yes! I wouldn't agree with this if I'm not," kumpiyansang sagot niya. "What if-" alanganing sabad ng isa. "Trust me, okay?" nakangiti niyang sagot. "Doctor Fynne, please do your job, let's get it done." Senyas niya rito. Alanganin man ay tumalima na ito, marahil ay wala na rin itong magagawa kundi ang sumunod sa ipag-uutos niya. Inayos nito ang mga aparato, maging ang ilalagay na gamot sa pasyente para sa gagawin nil
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


