"Pwede mo ba akong iwanang mag isa Tito? I need some time para mag isip...", pakiusap niya sa matanda. "Okay, may aasikasuhin din ako... Kung sakaling nagbago ang isip mo, please let me know." "Thanks Tito", "I'll go ahead." Marahang tango lang ang isinagot niya rito sabay buntong hininga. Alam niya kung gaano kalala ang kalagayan ng ama. And knowing marfan syndrome, it has no cure ang tanging magagawa lang nila ay mapapabagal lang ang paglaganap nito. Ilang minuto lang siyang nakatulala bago siya nagpasyang tumayo. Dahan dahan siyang naglakad patungo sa pribadong kwarto ng ama kung saan ito nakalagak. Gusto niya itong makita ng mga oras na iyon. "Anong ginagawa mo dito? Sisiguraduhin mo na bang mamamatay ang ama mo? Masaya ka na ba na nakita mong nahihirapan si Theo?!", bungad sa ka

