"Where do you want to go?" Tanong ni Jake na bumasag ng katahimikan namin sa byahe. "Kahit saan. Ayoko munang umuwi. May tiwala naman ako sayo. " Sagot ko ng hindi tumintingin sakanya. Nakatanaw lang ako sa bintana at natigil na din sa pag iyak. Tahimik lang kami ni Jake sa loob ng sasakyan at hindi niya sinubukang tanungin ako tungkol sa nangyari na ipinagpapasalamat ko. Wala pa ko sa mood para magkwento at ayokong magbreakdown ulit sa harapan ng kahit sino. iniisip ko din na baka may mangyaring masama sa mga anak ko kapag hindi ako tumigil kakaiyak. Tumigil kami sa isang Drive thru fastfood. Nilingon ko si Jake at maliit na ngumiti. Laking pasalamat ko talaga at nandyan siya lagi sa tabi ko. "What do you want to eat?" Tanong niya ulit sakin. Napapansin ko na pili lang ang mga tinata

