Chapter 34 Stella Pagpasok ko sa bahay nakita ko si Xander. Hindi ko siya pinansin gaya ng ginagawa niya sa 'kin. Napakasinungaling talaga nito. Pupuntahan niya raw ang girlfriend niya pero hindi n'ya pinuntahan. Nung isang araw pa 'yan ganyan. Akala niya siguro hindi ko nahahalata. Siguro pinagseselos lang ako nito. Naku naku. "Stella gusto mo ng hotdog?" tanong ni Jasper. Nakatusok sa tinidor ang hotdog na hawak niya. "Oo naman." Sinubuan n'ya ako. "Ba't ang layo mo naman sa 'kin? Lagi kang ganyan nung isang araw pa. Siguro naiilang ka 'no? May pa confess confess pa kasing nalalaman e." pang-aasar ko kay Jasper. Pansin ko kasi ang pag-iwas niya sa akin e. "Hindi sa ganun" mahinang sabi niya . "E ano?" "Hindi mo ba napapansin?" "Napapansin ang ano?" "Na lagi tayong binabantaya

