Chapter 37 Stella Ganun pa rin si Xander sa 'kin. Pangit pa rin ang pagtrato n'ya. Ano bang ginagawa kong mali at lagi siyang galit? Nagbreak lang sila nung Dianne para na siyang babae na araw-araw red days. Dinaig pa ako. May pumasok sa loob ng kwarto ko. Si Xander. "Babalik na tayong maynila kaya mag empake ka na." Lalabas na sana s'ya pero nagsalita ako kaya huminto siya. "Ba't ka ba ganyan? Ba't 'di mo 'ko pinapansin? 'di ba nag-usap na tayo? Okay na 'di ba? Pinaglalaruan mo lang ba ako? Ha? Saka 'di ba ang sabi mo ako ang mahal mo? Nakakita ka lang ng babae na may interes sa 'yo pinatos mo na! Akala ko ba may isang salita ka? Nasaan na?" hindi na 'ko nakatiis. Nasasaktan na ako sa ginagawa niya. Binabalewala na n'ya ako e. Wag naman sanang ganun. "'Yun na nga. Akala ko may isa

