Chapter 4

1232 Words
SIOBEH Hindi kalayuan sa shopping centre ay doon nakatayo ang isang malaking mansyon. Marahil ito na nga ang mansyon ng mga Clemente. Pagpasok sa loob ay maaliwalas ang paligid at mala-palasyo ang ganda ng lugar. Maliwanag na dito kumpara sa hideout. Kung kanina ay para akong nasa impyerno, ngayon naman ay parang nasa langit ako sa ganda at liwanag ng lugar. Napapaligiran ng kulay gold, cream, white ang pintura ng buong kabahayan. Isang malaking chandelier at may mga mural paintings ng mga anghel sa ceiling ang makikita sa main lobby. Habang buhat-buhat ako ni Aarav ay umakyat kami sa napakalaki at malawak na staircase. Hindi niya alintana ang hubad kong katawan na nakahantad sa kanyang harapan. Kami na lamang dalawa ngayon at napakabilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko. Hindi pa ako nakalapit ng ganito ka-lapit sa isang lalaki. Dinala niya ako sa isang kwarto at doon ay pinaupo niya ako sa isang malambot na kama ngunit hindi pa rin maibsan ang sama ng loob ko. “It’s okay my Baby boo boo, no one will harm you here, wala na sila, pinatay ko na.” saad niya ngunit sinampal ko siya ng malakas sa kanang pisngi. “Hayop ka! sinabi ko bang pumatay ka para sa akin?! huh?! wala kang kasing sama! walang hiya ka!” singhal ko sabay sampal ulit ng malakas sa kaliwang pisngi niya. “Bakit ka ba nagagalit? sorry na nga eh. Alam ko mali ako na iniwan lang kita doon.” “Napakasama mo! wala kang puso! hayop ka! isa kang demonyo!” singhal ko na pinagsasampal na siya ngunit nahuli niya ang mga kamay ko at nahawakan niya ako sa leeg. Bigla niya akong inihiga sa kama at hinigpitan ang paghawak niya sa leeg ko at akmang sasakalin ako. “Putang ina Siobeh! napupuno na ako sayo huh?! Huminahon ka nga!” saad niya na binitiwan ng marahas ang leeg ko. “Pinagsisisihan ko ng sumama ako sayo! wala kang kwenta! masama kang tao!” singhal ko habang humahagulgol ng iyak. “Ang labo mo naman eh, niligpit ko na nga yung mga gumago sayo at saka nag-sorry na nga ako eh.” Maya-maya ay may kumatok kung kaya't nag-ayos kami at umupo ako ulit sa kama. Pinahid ko ng marahas ang mga luha ko. “Senyorito Aarav, si Minda ho ito.” Kaagad na binuksan ni Aarav ang pinto. “Yaya Minda,” saad ni Aarav na tila nag-iba ang tono at animo'y maamong tupa na ngayon. Nagmano siya sa matanda. “Kaawaan ka ng Diyos, Anak.” saad nito at ngumiti kay Aarav. “Uhm, Yaya Minda, si Ms. Siobeh Aldama po fiance ko, Siobeh si Yaya Minda.” pagpapakilala sa amin ni Aarav ngunit naka-fixed ang mata niya sa akin na parang sinasabi na sakyan ko nalang siya sa kalokohan niya. “Kinagagalak ko ho kayong makilala.” saad ko na mahinahon na at sinakyan nalang si Aarav dahil baka totohanin niya talagang sakalin ako kapag hindi pa ako tumigil. “Fiance? totoo ba ang narinig ko? mag-aasawa ka na, Anak?” saad ng matanda na puno ng saya sa kanyang mga mata. “Ah Opo, uhm, Yaya Minda, makikisuyo sana ako baka pwedeng paki-asikaso naman ho si Siobeh, give her some warm bath, nice clothes at saka paluto po ako ng pagkain para saming dalawa.” “Sige, masaya ako para sayo Anak, sa wakas ay mag-aasawa ka na. Siya na pala yung matagal mo ng ikinukwento sa akin, si Ms. Aldama, napakagandang bata, kamukhang-kamukha niya ang tatay niya.” “Kilala niyo po ang tatay ko?” tanong ko. “Yaya Minda.” sabat naman ni Aarav na umiling-iling sa matanda na para bang sinasabihan niya ito na wag na akong sagutin at wag na ituloy ang sinasabi nito. Kaagad namang naunawaan iyon ni Yaya Minda at ngumiti nalang. “Mahal, may aasikasuhin lang ako. Mauna ka na kumain ah, para makapagpahinga ka na.” saad niya na hinaplos ang pisngi ko na para bang naglalambing ngunit binalewala ko lang iyon dahil nagtatanong ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Bakit kailangan niya akong pahirapan ng ganito? anong kasalanan ko sa kanya? dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit mortal na magkaaway ang angkan ng mga Aldama at Clemente. Bumaling si Aarav ng tingin kay Yaya Minda, “Yaya, sa kwarto ko siya matutulog,dalhin mo nalang siya doon mamaya.” “Sige po, Senyorito.” tugon naman ni Yaya Minda. Hinalikan ako sa noo ni Aarav bago siya tuluyang umalis. “Maganda gabi, Ms. Aldama, ako ho si Minda, matagal na akong naninilbihan dito sa Mansyon ng mga Clemente. Ako ang yaya ni Senyorito Aarav.” “Nice to meet you po, Yaya Minda.” “Masayang masaya ako para sa inyo ni Senyorito Aarav, sa wakas ay hindi na siya malulungkot mag-isa dito sa Mansyon.” “Bakit po? saan po ba ang mga magulang ni Aarav?” “Matagal ng patay si Donya Francia at Don Leon Clemente. Sanggol palang si Senyorito Aarav ay ako na ang nag-alaga sa kanya.” “Talaga ho? sobrang tagal niyo na po pala dito.” “Oo. Sa akin na lumaki ‘yang si Aarav. Napakabait na bata nyan kaya napaka-swerte mo, Hija.” Iyon? mabait? eh kanina lang halos ubusin niya yung mga tauhan niya dahil lang sa akin. Limang tao lang naman yung binaril niya kanina, tss. “Heto ang twalya, naka-on na rin ang heater sa bathroom. Pwede ka ng maligo.” saad ni Yaya Minda na ibinigay sa akin ang twalya. “Salamat po, Yaya Minda.” saad ko, ngumiti lamang siya. “Tawagin niyo nalang po ako Ms. Siobeh kung nay ipag-uutos pa kayo. Magluluto lang ako ng pagkain.” “Sige po.” Iyon lang at maingat na sinara ni Yaya Minda ang pinto pag-alis niya. Ginawa ko nalang ang sinabi niya at pumasok na sa bathroom. Kumpleto naman doon. Mabango at malinis ang paligid. Napatingin ako sa salamin sa countertop. Damn it. I look so stressed. Baka tigyawatin ako nito. Hinubad ko ang coat ni Aarav. Amoy na amoy ko ang panlalaking pabango niya sa coat na binigay niya sa akin. Amoy gwapo at tila napapapikit ako habang niyayapos iyon ngunit bigla kong naalala na kaaway siya ng angkan namin at nagising ako mula sa pagpapantasya. Hindi ako pwedeng mahulog kay Aarav kahit pa ubod siya ng gwapo at hinulma ng mabuti ng Diyos ang napakatikas niyang katawan. Damn it, Siobeh! kumalma ka! itigil mo ‘yang pantasya mo! Sinimulan ko ng hubarin ang suot kong bra at panty at saka sumampa sa jacuzzi. Napakabango sa bathroom. I think I’m smelling some lavender which is so relaxing. Nakadagdag pa ang masarap na maligamgam na tubig. Finally, makakapagpahinga din after a long night. Napatingin ako sa wall clock na naroon at alas tres na pala ng madaling araw. Hindi ko namalayan ang oras. Kamusta na kaya si Kent? ano na kayang nangyari? pinapahanap kaya ako ni Daddy? Nag-aalala kaya sila sa akin ngayon? Siguradong lagot ako kay kuya nito. Hindi pa ako nakakahingi sa kanya ng tawad matapos kong kunin ng walang paalam ang sports car niya. And all of this mess is just because of that stupid bet at ngayon ay nalagay pa sa panganib ang buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD