Kabanata 14 - Kapatid

1653 Words
"Where did you meet, Bliss?" tanong ni X. Kumurap ako. "Ah! Si Sir Pogi? Kahapon ko lang nakilala 'yon. " sagot ko. Kumunot ang noo niya sa sagot ko. Nanatili naman akong nakatayo sa may paanan ng kaniyang kama. Maganda ang kuwarto niya. Ibang-iba doon sa staff house na pinagdalahan ni Denise sa akin kanina. Kung tutuusin, papasa na nga ito na guest room. "Sir Pogi?" tanong niya. "Oo! Si Sir Bliss. Paulit-ulit naman tayo rito eh!" natatawa kong sabi. Ngumuso si X at naglakad papunta sa kaniyang cabinet. Nagpatihulog naman ako sa malambot na kama at binuka ang mga bisig ko para damahin ang preskong hanging humahampas sa bukas na bintana. "Dito ka natutulog?" tanong ko. Tumigil si X sa paghahanap ng bagong T-shirt at tumango sa akin. Umupo ako lalo na nang nag-umpisa siyang itaas ang uniporme niya. Hindi mapigilan ng mga mata ko ang mapatitig sa napakagandang katawan ni X. "Shet na malagkit," bulong ko at lumunok. Ewan ko ba at bigla na lang lumabas sa kaduluhan ng isip ko ang mukha ni Maria na ngumingisi sa akin. At saka ko lang naman naaalala ang isang iyon sa tuwing mahalay ang naiisip ko. "Okay ka lang, Bebang?" tanong ni X. Kumurap kurap ako at kunwariang humawak sa pisngi ko para ma-check kung may laway ba ako. Hindi ko akalain na ganito kaganda ang katawan ni X. Well, nakita ko na naman ‘yan noong wala siyang malay at kailangan namin siyang bihisan pero ngayon na medyo umitim siya, bumagay ang pagiging moreno niya. "A-Ang ganda ng kuwarto mo, hehe." saad ko at tumayo para tumingin sa bintana. Huminga naman ako nang malalim. "Yes. Gumawa ng paraan si Blaise para dito. Palagi kasi akong nakakaramdam ng sakit ng ulo dahil maraming ingay sa staff house. I don't wanna cause trouble with them." Paliwanag nito. "Ah! Kaya naman pala napapagkamalan kayo ni Miss Sitio na may relasyon na kayo." bigla kong sinabi na nakapagpatigil kay X. Kumunot ang noo ni X. Mabilis ko namang tinakipan ang bibig ko. Napakadaldal ko talaga! "May usap-usapan?" tanong ni X. Ngumuso ako at hinawakan ang mga palad ko nang sa ganoon ay doon ko mailagay ang atensyon ko. Nagkunwari akong walang naririnig pero kinain ng malalaking hakbang ni X ang pagitan namin na sadya namang nagpamura sa akin. Bakit kailangan pang lumapit? Mabilisan niyang hinawakan ang braso ko. "It's not even true." sabi ni X at huminga nang malalim. "I just see her as a good friend and a boss. She just helped me settle in. That's all." Nagulat naman ako roon. Hindi ko mawari kung sa gulat o sa kung anuman ang dahilan ng paglakas ng kabog ng dibdib ko. Ang lapit ng mukha ni X sa mukha ko. Panigurado na kasing pula na ako ng kamatis ngayon. Walang sinuman ang nakalapit sa akin ng ganito. "Hey, okay ka lang? Ang pula mo, Bebang." puna ni X sa nag-aalalang boses. Tinulak ko ang mukha niya papalayo sa akin. Napapikit si X sa ginawa kong iyon at hinawakan ang kaniyang palad. Huminga ako nang malalim. Sobrang nakakailang ang katawan ni X. Nakita ko na rin naman na walang saplot si Ryan noon pero hindi naman sobrang ganito kaganda ang katawan niya. Tumikhim ako at tumayo na. Bumukas ang pintuan sa katok ni Bliss at Blaise. Kuryuso silang nakatingin sa amin. Tumingin si X sa kanila. "Hey, are you guys okay?" tanong ni Bliss at may ngisi siyang nakikiramdam. Seryoso ang mukha ni X na tumingin kay Bliss. Bumaba naman ang mga mata ni Blaise sa topless na katawan ni X. Umirap ako sa kaniya at ako na mismo ang kumuha ng t-shirt ni X na hindi pa niya nasusuot dahil sa pang-aabala ng mga ito. "Suotin mo na 'yang t-shirt mo, X. Baka may tumulong laway rito." bulong ko at umirap na. Ngumisi si Bliss at tumingin sa akin. Halatang iritado si Blaise sa sinabi ko. Nag-iwas siya ng tingin at nilagay ang takas na mga buhok sa likod ng tenga. Ilang saglit pa ay tinapik ni Bliss ang balikat ng kapatid at ngumiti sa akin. "Let's go, Blaise. We barged in the middle of their talk." sabi ni Bliss sa kapatid at tinuro na ang labas. "But Bliss—" "Let's just go. Sorry, Ms. Batungbakal, X..." pagmamaalam nito at hinila pa ang kapatid. Naiwan naman kami roon ni X. "You really don't like, Blaise huh?" tanong ni pagkasara ng pintuan. Umirap ako sa hangin at sinamaan ng tingin si X na nakangisi sa akin. "Mayaman lang 'yon at magaling mag-english. Pero 'di hamak na mas maganda ako roon. Halika na nga, X. May trabaho pa." sabi ko. Hinila ko na siya papalabas ng kuwarto kasi puro kahalayan ang nasa utak ko. Baka mamaya hindi ako makapagpigil at malagyan ko ng palaman 'yung abs niya gaya ng mga pantasya ni Maria. Lumabas na rin si X at nilock ang pintuan niya. Naglakad kami papunta sa staff house. Nakita ko pa si Denise na halos malaglag muli ang panga nang makita kami habang nag-se-serve siya ng inumin sa mga guest. Ngumisi na lang ako at nilingon si X na ngumingiti sa mga tao na bumabati sa kaniya. "Nag-lunch ka na ba?" tanong ko. Nilingon niya ako. Seryoso ang mukha niya. "Oo. Ikaw? We can grab a bite if you want." anyaya niya sa akin. Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Hala! Bakit tayo magpapakagat?" kuryosong tanong ko. Ngumiwi si X at pagkailang sandali ay ngumisi at ginulo ang buhok ko. Tinapik ko ang kamay niya papalayo. May umubo sa likurang bahagi namin. Doon ko nakita si Bliss na nakangisi na. "X, Dad is looking for you. Kasama niya si Blaise." she said. Tumango si X at tumingin sa akin. "Can I leave you for a little while, Bebang?" tanong niya. .l Ngumuso ako at tumango. Mukhang madalian at seryoso iyon. Tumabi naman si Bliss sa akin at inakbayan ako. Agad na kumunot ang mga noo ni X at bumagsak ang mga tingin sa braso nito. "Ako na ang bahala kay Bebang, X. She's in good hands. 'Di ba, Bebs?" Bliss asked me. Tumaas ang kilay ko at pilit na ngumiti. Ano na naman nakain nitong si Bliss. Umubo si X at dahan-dahan na kinalas ang kamay ni Bliss sa akin. “No, Bliss. I need to make sure she’s safe. I promised her mother to look after her.” ani X. Tahimik na siya at blangko na ang mukha. Tinaas ni Bliss ang mga braso niya na para bang sumusuko na siya. Nilingon ako ni X. "You should go to the staff house, Bebang. Ihahatid kita roon bago ako pumunta sa meeting." bilin niya at nilingon si Bliss. Nakangisi si Bliss na para bang natutuwa siya na medyo galit na si X. Naguguluhan ko naman na tiningnan si X at Bliss. Bakit parang may kakaibang tensyon silang dalawa? Magkakilala ba sila or talagang pareho lang silang guwapo at magulo kaya ganito? "O-Okay." sagot ko na lang dahil hinila na ako ni X papalayo sa kinatatayuan namin. Mahigpit ang hawak niya sa pulso ko. Nilingon ko si Bliss na nanonood sa aming pag-alis. Kumaway na lang ako at may pagpapaumanhin ang ngiti na binigay. Tumango siya at gumanti na rin ng ngiti bago ako tinalikuran. "Stop looking behind you." bulong ni X sa mababang boses. Tumango ako at tumingin sa unahan para sundan ang paggabay niya sa akin. May kung anong kiliti sa tiyan ko. Nahahaluan din iyon ng kaba dahil ang mga mata ng sinumang madaanan namin ay dumidikit sa amin, lalo na sa kaniya. Huminga ako ng malalim. Nakita ko pa sa outdoor restaurant, kung saan nakaupo si Blaise at ang kaniyang ama, ang mga mata ng mga ito. Nakanganga si Blaise habang nakakrus ang mga braso ng ama. May sinabi si Blaise na ikinatango ng ama. Lumunok ako at lumingon na sa daanan dahil lumiko na kami papunta sa staff house. "Dito ka lang. Huwag kang aalis rito. Babalik ako pagkatapos ng meeting ko." utos ni X. Kumunot ang noo ko. "Paano ang trabaho ko huy! May training pa at—" "Kapag trabaho, puwede pero 'pag pupunta ka kay Bliss, hindi." sabi niya. Nalaglag ang panga ko. Ano daw? "Ha? Ano?" Tanong ko. "Don't get too close to him. Naiintindihan mo, Bebang?" tanong pa niya. Huminga ako ng malalim at kinagat ang mga labi ko. Halo-halo ang emosyon ko. Kumakabog ang dibdib ko kahit malinaw naman na wala akong nararamdaman na kahit ano para sa kaniya. May gusto akong kumpirmahin pero kinakabahan ako. Tumalikod na si X para pumumta sa meeting pero hinawakan ko anga pulsuhan niya para pigilan ko siya. Kunot noo niya akong tiningnan. "B-Bakit?" tanong ko at tumitig sa mga mata niya. "N-Nagseselos ka ba, X?" Ngumisi si X at unti-unti pa ay ngumiti ng malawak. Inalis niya ang hawak ko sa pulso niyo at ginulo ang buhok ko. "You, silly woman! Of course not," sagot niya at humalakhak ng mababa. Natigilan ako at parang nanlamig dahil sa hiya. Hindi siya nagseselos at bakit ko ba tinanong iyon? Napaka-feeling mo talaga, Bebang! Gusto ko nang kainin ng lupa. "A-Ahhhh. Hehe." Iyon lang ang naisagot ko at nag-iwas ng tingin. Ang sakit naman, mapahiya! "Yes. I just want you to be careful. Bliss is a playboy according to the staff. I have this bad feeling about him. Ayokong masaktan ka dahil parang kapatid na kita." paalala niya na may ngiting marahan at tumalikod na. Pinanood ko siyang mag-umpisang maglakad papalayo. Hinawakan ko ang dibdib ko. Pumikit ako ng mariin. Parang kapatid. Iyon rin ang sinasabi ko kay Maria sa tuwing tinatanong niya ako tungkol kay X pero bakit ngayon na ako ang nakarinig noon... bakit may kaunting tampo at sakit akong nararamdaman. Hindi kaya... Tama nga ba si Maria? May lahi ba siyang manghuhula? Hindi kaya may crush na talaga ako kay X? Shet. Suwerte naman niya kung ganoon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD