Rechielle's pov
Playing....We are One by Westlife
Two very different people
Too scared to get along
Till two hearts beat together
Underneath one sun
One very special moment
Can turn a destiny
And what some would say
Could never change
Has changed for you and me
'Cause it's all, it's all in the way you
Look through your eyes
And when all is said and done
All of the fear and all of the lies
Are not hard to overcome
It's all in the way you look at it
That makes you strong
We were two
(We were two)
Now we are one
Sumapit ang araw ng kasal. Sa dilaw na sinag ng papalubog na araw. Kay gandang pagmasdan ng langit. Tila ba ito'y nakikisama sa okasyon. At katulad nga napagplanuhan ay sa bulwagan ang mismong venue at reception. Napakaganda ng naging set up dahil nag mistula itong garden wedding. The cakes and table clothes are in lighter shade of blue. At ang mga abay at partners nila ay darker shade of blue and motif na suot. As for my gown and Brent's top is in lightest shade of blue as well. Habang naglalakad ako papalapit kay Brent, wala akong ibang maisip kundi ang mga anak ko. Paano ko ito ipapaliwanag sa kanila. Magiging maayos kaya? Maiintindihan kaya nila?
Do you, Rechielle Alano, take Brent Del Castillo as your lawfully wedded husband? For richer and for poorer? In sickness and in health? Till death do you part? Natulala lang ako. Sa isip ko ay sumagot na ako ng yes, at nagtataka kung bakit nananatiling nakatingin lamang si father sa akin. Namalayan kong hinawakan ni Brent ang kamay ko. Nilingon ko siya at ang mga mata niya ay tila nangungusap. Inulit ko ang sagot ko, at this time ay mas malakas. Narinig kong tila nabunutan ng tinik ang mga tao sa paligid. Natapos ang seremonyas ng matiwasay at tumuloy na ito sa kainan. Kalagitnaan ng kasiyahan ng gumawa ng eksena si Brandon. Hindi ako sigurado sa namamagitan sa kanila. Ang akala ko ay ayos lang sila. Dahil maayos naman ang huling pagkikita Nila base sa kwento ni Ate. Kaya ang buong akala ko ay nagkakaigihan na sila, nang muli silang magkita dito sa mansyon. Hindi ko pa siya masyadong nauusisa tungkol doon. Tutuloy sana kami ng Manila tomorrow for a night dahil nag book si Brent ng flight to Taiwan for three days as our honeymoon. But instead of staying the night in Manila ay sa mansiyon kami nanatili at lumuwas lang nang araw na ng flight namin. Inasikaso pa nito si Brandon na todo ang paglalasing dahil sa pang iiwan ate Jew sa kaniya. Maayos ang naging byahe at ang ilang araw ng honey moon. Gusto niyang mag cross country kami pero tumangi na ako. Sinabi kong hindi na nito kailangan gumastos ng malaki s honeymoon. Mas malambing ito sa buong panahon ng pag i stay namin sa Taiwan. Nang makabalik naman kami ay halata pa rin ang pagiging Clingy niya. Walang pakialam sa to sa paligid. Ngunit hindi pa din nawawala ang pakiramdam kong tila may inililihim siya sa akin.
Nag aalala din ako kay Ate Jew. Hindi ko pa ulit nakakausap ng maayos si ate Jew. Si Cielo pa rin kasi ang naiwan sa mga bata. And speaking of mga bata, naalala ko ang minsang naitanong ni Brent habang nasa Taiwan kami.
Flashback...
So,kailan mo balak na ipakilala ako sa mga bata,babe? gulat akong napatingin sa kaniya.
What? Don't tell me, wala kang balak ipakilala ako sa mga bata?
Hindi naman sa ganon. Hindi pa kasi kita naikwento sa mga bata kaya baka mabigla sila.
So, wala ka ngang balak ipakilala ako?
No, that's not what I meant. Ang gusto ko lang naman sabihin is give me some time na ihanda ang mga bata bago kita ipakilala sa kanila. Bumuntong hininga ito ng malalim bago ngumiti.
Alright babe, I understand.
*******
Good morning Mr. and Mrs. Del Castillo. Congratulations po ulit sa inyo, bati ni Ms. Suarez sa amin.
Thank you Ms.Suarez. sagot ko at tinanguhan lang ito ni Brent.
Sir, ready na po for interview ang mga nag apply for p.a. dagdag niya. Bakit hindi ko yata alam ang tungkol sa pag hire niya ng panibagong p.a? Hindi niya ako ininform. At bakit parang kinakabahan ako nang marinig ko iyon? Kahapon lang kami nakabalik galing Taiwan at kasalukuyan kaming nasa opisina ni Brent.
I'm leaving it all up to you Ms. Suarez. As long as they are qualified and professional. Ikaw na mag brief and all. Just inform kung kailan mag I start ang makukuha. That's all.
Copy that Sir, I'll go ahead, Ma'am Rechielle, Sir Brent.
I wasn't informed about this hiring a new p.a of yours Brent? Tanong ko sa kaniya nang mapag isa kami sa office.
It's not a big deal, babe. Besides, we're married. I don't want you to remain working for me. You're my wife now and you have all the right in everything Sa bahay and finances ko. I don't see any reason for you to worry about. Or am I missing something? You can tell me.
Bumunting hininga ako ng malalim. Wala. I should go ahead. Prepare lang ako ng food for our lunch.
Alright, huwag ka masyado mag pagod babe. aniya sabay halik sa labi ko.
Yeah, sagot ko at dumiretso na sa pinto palabas.
Heyyyy Misis del Castillo, tawag sa akin Becky in a teasing tone on her voice.
Tsee, manahimik ka Becky.
Ay, Ma'am na pala dapat itawag namin sa'yo since amo ka na din namin.
Tssk, yan ang wag na wag niyong gagawin. I am happy sa first name basis na tawagan natin. Walang nagbago Becks, trust me.
Talaga? Akala kasi namin,katulad ka din niya. Naging jowa lang si Sir akala mo kung sino na umasta dito sa bahay.
Sino naman iyon?
Wala iyon Rechielle. Kalimutan mo na iyong sinabi ko. Ano nga palang ginagawa mo dito sa kusina?
Ah,oo. Maghahanda sana ako ng pagkain for lunch ni Brent.
Uyyy,balita ko hiring ng panibagong p.a ah? Di ka ba nate threatened?
Syempre nagtaka lang. Pero hindi naman sa na threatened. Anyway, ang mabuti pa tulungan mo na lang ako maghanda ng iluluto ko. Kaysa iyong kung ano ano sinisiksik mo sa utak ko. biro ko sa kaniya.
Tumawa pa ito. Sige na nga,Ma'am Rechielle. Pabiro nitong sagot.
Ngunit hindi ko maiwasang mag isip kung bakit kailangan pa rin nito ng p.a gayong nandito naman ako.
****
Dumating ang araw ng byernes at nagpaalam ako upang umuwi. Lumalabas na parang nagmamasukan pa rin ako. Wala pa ni isa sa pamilya ko ang nakakaalam ng pagpapakasal ko. Maliban kay Ate Jew na siyang nakakaalam ng lahat.
Pwede ba akong sumama? hindi ako handa sa tanong niya at matagal bago ako nakahuma.
Ahm, Brent. Ano kasi. Ako na lang muna ang uuwi. Hinihintay na ako ng mga bata kaya kung pwede sana ay payagan mo na ako.
Pinapayagan naman kita babe. Ang gusto ko lang ay sumama. Masama ba iyon?
Katulad ng sinabi ko sa'yo. Hindi pa handa ang mga bata. Hindi pa kita nababanggit sa kanila. Bigyan mo muna ako ng time para ihanda sila please Brent.
Pero bakit parang pakiramdam ko, wala kang balak ipakilala ako sa mga bata?
Huwag mo nga kasi akong madaliin Brent. Hindi iyon ganon kadali. napataas na ang boses ko out of frustration. Nagulat din ako sa sarili. I'm s- sorry. I- I don't mean to raise my voice on you. Nakatingin lamang ito sa akin. Matagal bago ito muling nagsalita. Kailan ka babalik?
Katulad ng dati. Sa lunes sana.
Asawa na ba talaga kita Rechielle? O trabaho pa rin ang tingin mo dito?
Ano ba namang klaseng tanong yan Brent. Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan sayo? Ahhh, kalimutan mo na. Ang mabuti pa mag usap na lang tayo pagbalik ko. pagtatapos ko sa usapan. Hindi ko na ito hinintay sumagot at hinalikan siya sa pisngi bago tuluyang umalis.
TBC.