Chapter 26 - Home Brandon's pov Pabalik na sana ako sa kwarto dahil naiwan ko ang susi ng sasakyan sa lamesa nang marinig kong may kausap si Rechielle. At hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pangalan ni Jewel. So all along, alam ni Rechielle ang kinalalagyan ni Jewel? Of course, what do you expect? Magkaibigan sila. sagot ko sa sarili kong tanong. What does she mean? May anak kami ni Jewel? Pinatapos ko muna ang naging usapan nila bago umalis muli para kumuha ng makakain. Hindi ko sinubukang mang usisa o ipaalam man lang kay Rechielle na narinig ko ang usapan nila Jewel. Hanggang sa pagtulog ay iniisip ko ang anak ko. Totoo ba iyong narinig ko? May anak talaga kami ni Jewel. May namumuong galit sa dibdib ko para kay Jewel sa pagtatago niya sa anak namin. But somehow i understand her.

