Confessions Rechielle's pov Kasalukuyan kaming may inaayos ni Becky na deliveries from online shop sa garahe. Nang bigla itong magsalita. Alam mo Chielle, nagtataka ako kay Sir. Brent. Ano na naman yan, Becky? tanong ko sa kaniya nang hindi siya nililingon. Kasi dalawang weekends na ang lumipas ng hindi siya umuuwi sa farm diba? Bakit kaya noh? aniya sabay aktong nag iisip. Tigilan mo na nga yang pagpansin mo dyan sa amo mo na yan. Ang importante ay sinasahuran ka noh. tinignan ako nito ng masama. Grabe ka, nagtataka lang naman ako. Ngayon lang kasi yan nangyari yan diba. Eh ano naman sayo kung ngayon lang? Eh alam mo naman din ang utak niyang Sir mo na yan. Saka baka naman kasi may bantay sa farm kaya di umuwi or tinatamad pa kasi medyo malayo din ang byahe. weh? tanong pa

