Chapter 9 - First Night

1495 Words
Third persons pov Pumasok sa isang maluwang na garage ng isang mansion ang sasakyan na lulan sila Brent,Alex,Robert at Rechielle. Napakalawak ng mansion na may pitong kwarto. Mga guest room. Kwarto ng magkapatid na Brent at Brandon. Kay Alex,the secretary. Robert the driver,and the other are maids quarters and guest rooms na Isa doon ay ookupahin Rechielle. Rechielle's POV Woaah! Hindi na yata ako matatapos mamangha. Ang ganda ng bahay Sir. Mansion na ito ah,manghang anas ni Rechielle na iniikot ang paningin sa maluwag na sala,na unang makikita pagpasok ng mansyon. Good evening Sir,nakahanda na po ang panligo niyo, ihahanda na din po namin ang hapunan . bati ng kasambahay sa amo namin. Nakahanda na din ba ang kwarto ni Rechielle, Manang? Yes,sir. Samahan na po kita Mam,Rechielle. Aya ng kasambahay kay Rechielle. Ay,ungas. Hindi man lang bumati. Porket kasambahay. You were saying something,Rechielle? Ahy,Sir wala po ah. Go to your room and get changed para hindi ka magkasakit. First day mo pa naman bukas. Opo ,Sir . Salamat. Tara na po,Mam. Aya ng kasambahay sa akin. Ay,Rechielle na lang po Manang? Umakyat sila ng hagdan. Ah,Ako si Rosa. Manang Rosa ang tawag nila sa akin. Heto ang kwarto mo,ang sa kabila ay kay Sir,Brent,anang Manang Rosa nang makarating sila sa tapat ng pinto ng isang kwarto.. Sadyang magkatabi kayo ng kwarto para madali ka niya matawag kung ano man ang kailangan niya. At kung may kailangan ka naman ay magsabi ka lang sa akin. O siya,magpalit ka na para hindi ka magkasakit. Ihahain lang namin ang pagkain nang makakain na kayo. Sige po,Manang Rosa.Salamat po ulit. **** Rechielle's pov Toktoktok... Sino kaya yung kumakatok? Kasalukuyan akong nagpupunas ng buhok pagkatapos maligo at magbihis nang may kumatok sa kwarto. Binuksan ko ang pinto at si Manang ang nabungaran ko. Ay,Manang kakain na po ba? Oo,okay ka na ba? Tara na sa ibaba nang makakain. Cge po,Manang. Naku malakas pa rin ang ulan. Naku ,ineng . Huwag mo na hangaring makauwi ngayon at mai stranded ka lang panigurado. Hindi na nga po eh,hehe. Oh,siya tara kain na. Ulit ni Manang nang makarating sila sa kusina. Ah,si Sir po? Hindi pa po ba kakain?Tanong niya kay Manang nang hindi niya ito makita sa hapag kainan. Hindi iyon sumasabay sa pagkain sa amin.Nandoon siya sa kwarto niya. Hatiran mo ng pagkain niya pagkatapos mo hija.sagot ni Manang sa tanong niya. Naku Manang dalhan ko muna po ng pagkain si Sir.Brent bago ako kumain. Nasaan po ba ang pakain ?tanong niya ulit. Naku hija,kumain ka muna dahil mamaya pa yon kakain. Sakto lang pagkatapos mo kumain at makapag pahinga ng kaunti. Sige na,sige na,kain na at lalamig na ang pagkain.mahabang litanya ni Manang. Kung ganon ay sige po kain na po tayo. Hello po, bati niya sa mga kasama sa hapag kainan na nakatingin sa kanya. Apat sila maliban kay Manang. Ah,sila nga pala ang iba ko pang mga kasamahan dito,Rechielle na makakasama mo na din. Siya si Angeline,turo ni manang sa mukhang teenager pa lamang na nasa katamtaman lang body built.Ngumiti ito sakin na ginantihan ko naman.Siya naman si Lorena, turo ulit ni Manang sa babaeng mejo chubby na tingin ko ay nasa middle thirty's,tinignan lang ako nito,mukhang suplada siya. Naku sana naman wala akong makaaway dito. Si Becky, patungkol ni Manang sa babaeng katabi ko na tingin ko ay di kami nagkakalayo ng edad na late twenty's, kain ka na,alok nito at tumango naman ako ng may ngiti. At si Patricia,sabay akbay ni Manang sa babaeng katabi niya sa left side ko na halos di sila nagkakalayo ng edad. Tulong tulong kami dito,pero ako ang punong katiwala.At ikaw ang magiging priority mo ay si Sir lang wala nang iba.Naiintindihan mo? Kailangan makatugon ka sa bawat kailangan ng Sir mo lalo na pag sinusumpong ng topak iyon.Nagtawanan sila ,Joke lang yun hija huwag mong seryosohin aniya na nginitian ko na lang at nagpatuloy na kami sa pagkain. Topak? Anong klaseng topak meron si Sir? Dala ko tuloy iyon sa isipan ko hangang sa hatiran ko na ng makaakain si Sir sa kwarto niya. Knock!knock!Knock! Sir andito na po ang dinner niyo. Bumukas naman ang pinto at bumungad si Sir na naka top less pero naka Jogging pants. Napakaluwag ng kwarto nito, painted in shade of blue. Itinuro lang ni Sir kung saan ilalapag ang food niya at nagpaalam na ako. Ni wala man lang thank you ang ungas. Rechielle relax,boss mo yan,Isa pa trabaho mo yan no!.Oo nga naman. Alalahanin, ang ipon baka maging bato pa. Iniwan ko na ito at bukas na babalikan tulad ng instructions ni Manang. *** Pabaling baling ako sa higaan. Ahhh..anong oras na ba? Bakit naman ayaw mo makisama mata ko.. Haiiist. Past eleven na,oh maaga pa ako bukas. Hindi ko makuha yung tulog ko. Nagpasya akong lumabas ng kwarto at tumungo sa kusina para kumuha ng tubig. Hindi na ako nag abalang buksan ang ilaw dahil kita naman ang daan sa liwanag ng buwan. Kumuha ako ng baso at lumapit sa water dispenser para kumuha ng tubig nang mabangga ako sa kung ano at nabitawan ko ang baso,ouch.aray ano ba yun.Sabi ko sabay himas sa kung saan ako bumangga nang magbukas ang ilaw at may ngsalita sa harap ko. Bitawan mo nga ako Rechielle,masungit na saway ni Sir sa akin na ang kamay ko ay nasa braso niya kung saan ako bumangga. Napalingon ako sa kanya at shemayy. Bakit laging naka topless si Sir. Rechielle ang laway,bantayan baka tumulo. Ehem. Ahm sorry Sir,Kayo po pala. Psanesya na po kung nabunggo ko kayo. HIndi ko po alam na gising pa kayo. Pasensya na po naabala ko kayo. Bakit kasi hindi ka nagbubukas ng ilaw? At Isa pa disoras na ng gabi, bakit lumalabas ka pa ng kwarto? Pasensya na po Sir,kukuha lang po sana ako ng tubig. Namamahay po yata ako kaya hindi ko makuha ang tulog ko. Pero pasasaan ba at masasanay din po ako. Gusto mong uminom? Alok ni Sir at saka ko lang napansin na alak ang iniinom niya. Naku hindi po Sir,baka hindi po ako magising ng maaga. Nagpapaantok din po ba kayo Sir? Hindi rin po kayo makatulog? Nope,gusto ko lang makalimot kaya ako umiinom.Sagot nito na titig na titig sa akin. Ah sige linisin ko lang po ito Sir, tuloy ko sa nabasag kong baso. Naku mukhang lasing na yata si Sir ah, Kaya niyo pa po bang umakyat Sir? Mukhang kanina pa po yata kayo umiinom eh. Nag init ang pisngi ko nang mapansing bumaba ang tingin niya sa labi ko at pababa pa sa dibdib at pabalik sa labi. Ah Sir,mukhang kaya niyo pa po siguro umakyat.Mauuna na po ako. Inaantok na po pala ako eh hehe. Paalam ko at kahit hindi pa siya nakakasagot ay tumalikod na ako para umalis ngunit sa pagmamadali ay natapilok ako sa paa ng lamesa at kamuntikan ng tumumba. Ngunit mabilis akong naagapan saluhin ni Sir.Napahawak naman ako sa braso niya dahil sa baywang sa likod niya ako hawak.(imagine the position na nakaliyad si Rechielle at nakayuko si Sir.Brent sa kanya ganern) Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko at ang tingin niya ay nakapirme sa mga labi ko. Nang unti unti nitong inilapit ang labi niya sa labi ko. Papalakas naman ng papalakas ang t***k ng puso ko. Sheet,sheet, Bakit ka kinakabahan ng ganyan Rechielle? Ano? Acting first time? Natigil ang pag iisip ko at bago pa tuluyang lumapat ang labi niya ay itinulak ko siya at nabitawan niya ako. Bumagsak ako sahig pero agad din akong bumangon. I heard him cursed. At pagkatapos ay naiwan na ako sa kusina na natutulala pa rin. Rechielle ano yorn? The f**k? First night mo pa lang dito tapos ganyan na? My gosh Rechielle pigilan mo yan kung ano man yan ah? I must admit that there's attraction between us. That I am attracted to him. But damn! Hindi ito pwede. Ano na lang ang iisipin ng mga anak ko sa akin pag nalaman nilang iba ang tatay Jasmyne sa tatay nila Selena at Darlene? Kung iyon baka malusutan ko pa. Pero kung dadagdagan ko pa. Aba baka hindi na. At Isa pa kagagaling ko lang sa isang masalimuot na relasyon.Hindi ka na pwedeng magkamali pa ulit Rechielle. Tama na ang dalawa. Aba ang tanga mo naman na kapag natatluhan mo pa.Paalala ko sa sarili. Hangang sa pinilit ko na lamang ang sariling makatulog nang makabalik ako sa kwarto. Ngunit magliliwanag na nang makatulog ako at hirap na hirap bumangon nang tumunog ang sinet kong oras sa alarm. Oh,hija.Namahay ka yata masyado at nangangalumata ka.Bati sa akin ni Mamang. Good morning po Manang.Oo nga po eh. Ang totoo po niyan halos magliliwanag na ng makatulog ako kaya ngayon lang ako nagising. Di bale,itulog mo muna pag uwi mo sa inyo. Hindi ba ihahatid ka ni Robert at bukas ka na lang daw susunduin para bukas ka na mag umpisa.Siya mag almusal ka na para maihatid ka na. TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD