Rechielle's pov
Matuling lumipas ang araw,lingo,buwan at taon.Nasanay na akong hindi siya pumupunta sa bahay. Nasanay na din akong maging civil sa mga tawag at text niya. Although nag uusap naman ang mag aama through video call.
Salamat pala sa padala mo para sa mga bata kanina Johan. I texted him about the package he sent.
He replied back,You're most welcome, Chielle.
Look after the kids and your self and please don't hesitate to ask me what else you need.
Thanks Johan.Keep safe.Reply ko sa kanya.
Napabuntong hininga na lang ako. Pakiramdam ko may feelings pa rin si Johan,pero hindi ko gustong saktan siya.
Minsan iniisip ko kung paanong ang isang malalim na pagmamahal ko sa kanya ay biglang nanlamig at namatay.
O baka hindi lang talaga kami para sa isa't isa.
The morning comes and I have to do the usual routines.Iginayak ko na ang mga bata sa pagpasok sa school. Pagkatapos noon ay didiretso ako sa cafe na naipundar ko galing sa mga padala ni Johan. Inumpisahan ko ang negosyong iyon nang hindi niya alam.Kung susumahin ay walang malaking pinagbago ang paghihiwalay namin ni Johan.Maliban financial status.
Dahil mas madalas naman kasi na wala siya sa bahay noon pa man.
I guess,kailangan ko maghanap ng isa pang trabaho.Hindi kakayanin ng income ng Cafe ang expenses ng mga bata.
Hindi pwedeng iasa ko lahat kay Johan.
After I dropped the kids in their school, I started browsing online.Looking for a job.
I don't have a particular job in my mind.Just browsing.Until I saw the ad from a certain Farm.
Looking for Personal assistant with or without experience in the said job position.
Location: LA union Farm and Camp.
Must be patience and willing to undergo training.
Monthly salary of thirty thousand plus one thousand weekly allowance.
For more details of job description,forward your details to Sabina Corpuz .
Wow,pwede ko siguro Itry mag inquire dito.
Parang anglaki masyado ng sahod kumapara sa regular Personal assistant ah.
Pero ma try nga. Malaki na din yun sa monthly.
Lumalabas na thirthy four thousand a month.Hindi na masama kaysa mag abroad ako.
Agad akong nag set up ng resume at agad na pinasa sa messenger account ni Sabina Corpuz.
O,chielle tara kain, salubong sa akin ate Jewelyn pagdating ko sa cafe namin na hindi kalakihan.
Sige ate,ano ba makakain jan?
Kumakain ako ng kanin,nanawa ako sa pastries natin eh,hehe pasensya ka na.
Ok lang ate,ano kaba mas ok nga yan kanin.
Ok pa ba stocks natin ate?
May mga orders ba?
Wala pa ngang paorder ngayon eh.
Medyo matumal.
Nag uulan kasi.
Sa stocks naman baka may masira na dito.
Iso sort out ko mamaya before closing tapos iupdate kita, Chielle.
Sige ate,sa office muna ako.
Pahingi na lang ako ng pagkain mo kung may tira pa.Mukhang masarap ulam mo eh,sakto hindi pa ako nag breakfast.
Sige hatiran na lang kita sa office mo,chielle.
Thank you ate.
Haiiist,sabay hagis ko sa bag ko sa kama pagkapasok ko ng office ko sa cafe.
Hindi talaga kakayanin ng income ngayon ang gastusin namin sa bahay kung ganitong matumal. Hindi ko pwedeng galawin and educational fund ng mga bata.
Kailangan ko ng plan B.
Sana mag reply ka Ms.Sabina
Saktong tumunog ang messenger ko.
Please Ms.Sabina.Please please give me some good news.
Hi there Ms. Rechielle Alano. You may proceed to the office tomorrow for further details of job and interview.
Here is the exact address.
Del Castillo Farms Brgy.B*******,Banuang La Union
Be on time at 10 in the morning.
See you.
Ayieeeeee.May interview ako.
Sana matanggap ako sa interview.
Oh my gosh!
Nagulat pa ako sa katok ni ate Lyn.
Ate nanggugulat ka naman eh.
Mas nagulat naman ako sa iyo.
Akala ko kung napano ka ,sumigaw ka kasi.
O heto na ang pagkain mo.
Wow ang bango naman.
Adobong pusit.Sarap neto.
Thanks ate.
Oh,eh ano ngang meron at sumisigaw ka kanina.Akala ko tuloy may kaaway ka.
Hehe,sorry naman.
Natuwa lang ako kasi may interview agad ako bukas.
Anong interview.
Trabaho ba yan ?
Meron kang hindi sinasabi ano?
Bigla akong natahimik sa sinabi niya.
Bakit biglang kailangan mo ng trabaho?
Hindi na ba nagpapadala si kuya sa iyo?
Saka parang ang tagal na yatang hindi napapadpad ni kuya dito ah.
May pagkakagastusan ka ba diyan sa kikitain mo?Kung meron, ano na naman?
Siguradong may request na naman sa iyo yang mga kapatid mo ano?
Saka ano ba kasi yang inaapplyan mo.
Malaki ba ang sahod diyan kaysa sa kinikita nitong Cafe mo?
Hindi kita ma gets ha?
Matumal ngayon ate.
Kailangan ko ng extra saka hindi naman matagal itong trabaho ko.
Mag iipon lang ako tapos mag reresign din ako. Personal assistant ang inapplyan ko.
Malaki ang sweldo kaya go na ako.
Saka hindi pa naman sure na tanggap ako.
Interview pa lang yun.
O,eh paano kung natanggap ka?
Sino maiiwan sa mga bata,aber?
Si Cielo ate,saka ikaw.
Kaya naman nila ate Margaret,Lucy,angela at Marcelo ang cafe.
Priority ko muna itong trabaho kasi ito sure ang sahod.Dito sa cafe pangpa sahod lang ito sa ngayon kasi mahina. Mga six months to one year lang ako magta trabaho.Pasok na iyon pang umpisa.
Eh bakit nga kasi kailangan mo ng pang umpisa saka pang umpisa saan ba?
Bakit hindi ka na lang humingi kay Kuya?
Hindi na ako pwedeng humingi sa kanya Ate Jew.
Hiwalay na kami.
Halos magdadalawang taon na din kaya hindi mo na siya nakikita dito.
Limitado na ang pinapadala niya para sa mga bata at nanganganib pang maputol ang sustento kaya kailangan ko ng karagdagang negosyo or income.Pero kulang ang capital ko kaya kailangan kong magtrabaho.
Ayoko naman umutang sa banko.
Ang gusto ko ipon ko ang gagamitin kong pang umpisa para hindi masakit kung sakali mang hindi maging successful eh di wala akong utang na iisipin.
Kailan pa kayo hiwalay ni kuya?
Final na ba yan?
Bakit kayo naghiwalay?
Ikaw ba ang nakipaghiwalay?
Oo ate, ako ang nakipaghiwalay.
So far ayos naman kami.
Ano bang dahilan ng paghihiwalay niyo kasi?
Ayos naman kayo ah.
Bakit bigla yata.
Napagod na siguro ako umasa na magiging Permanente ang pagtira niya sa amin ate.
Napakahirap makiamot ng panahon na makasama siya.Hangang sa naramdaman ko na lang na ayoko na.
Eleven years ko rin inintindi at inunawa iyon ate ah.
Anyway ok naman kami ngayon.
Maayos ang paghihiwalay namin ate.
Sigurado ka Chielle ok ka lang?
Oo ate Jew.
Naka move on na ako ano ka ba.
Wag ka mag alala.Paano ate Jewel.
Sa bahay ka muna mag duty bukas?
Si Ate Margaret na muna dito bukas.Kasama nila Lucy,Angela at Marcelo.
Ano pa nga ba?
Siya sige Punta na lang ako sa bahay bukas.
Sige ate salamat.
I check ko lang sandali itong data tapos grocery muna ako bago ko sunduin yung mga bata.
Sige maiwan na kita dyan.
Isinara ko ang pinto ng office pagka alis ni Ate Lyn.
Maliit na coffeeshop lang ang negosyong naipundar ko.
At lahat ng kita nito ay diretso sa savings account ko dahil ang padala ni Johan ay sakto na sa expenses sa bahay.
May ipon na ako pero kulang pa para sa pag expand na iniisip ko.
Gusto ko sanang mag open ng isa pang branch sa harap ng bahay namin. Sana matanggap ako sa trabaho.
******
Del Castillo's Farms
Woaaah! Ang laki ng gate.
Malaki din siguro yung farm.
Nasa harap ako ngayon ng gate ng inaapplyan ko.Sana maging maganda ang outcome.
I picked up my phone and dialed Ms.Sabina's number.
Ring..ring....
Hello,this Sabina of Del Castillo's Farm. How may I assist you?
Good morning Ma'am Sabina.
Si Rechielle po ito.
May scheduled interview po ako today.
In fact,nasa harap na po ako ng gate.
Oh,Ms.Rechielle,right.
Ipapasundo kita sa gate ngayon sa driver para makasama mo ang iba pang applicants.
Wait there for a few minutes Ms.Rechielle.
Okay po Ma'am, salamat.
And the call ended,but hang on.
Did I just heard it right?
Mga applicants?
Akala ko lang.Jeje anyway.
Normal lang pala talaga magkaroon ng madaming applicants sa laki ba naman sahod.
The gate finally opened and I was stunned with the view.
Napakaraming puno at obviously, napakalawak.
First time ko makakita ng ganito kalawak na lupain.
Hi Miss? Bati ng driver ng puting van na huminto sa tapat ko.
Hello po kuya,Kayo po ba yung tinutukoy ni Mam Sabina?
Oo Miss. Ako si Robert,driver ni Sir Brent.
Sakay na sa backseat.
Ihahatid kita kasama ng ibang applicants waiting area. Tugon nito.
Sige po salamat.
Pagbukas ko ng pinto ay may lima itong sakay sa backseat.Dalawang lalaki at tatlong babae.
Tahimik lang ako hangang sa makarating kami sa sinasabing waiting area and Oh eM Gee.
Maraming applicants, sa isang position lang ba yun? And by the way,air-conditioned ang waiting area. Dito siguro ginaganap ang iba nilang activities or party nila. Anyway I'll do my best para makapasa sa interview.
TBC