Kabanata 34.0

1101 Words

Kabanata 34 Critical Padabog ulit akong tinapon ng isang lalaki sa isang bakal na upuan. Hindi ko mapigilang mapadaing dahil nauntod na naman ako doon. Gusto ko talaga silang murahin sa pagkakataong iyon ngunit hindi ko nagawa nang marinig ang pagdaing ni Destinie, hindi ko alam kung ano ang ginawa sa kanya dahil nakapiring ang mga mata ko. "Destinie!" tawag ko sa kawalan, ni hindi ko alam kung nasaan kami ngunit may pakiramdam ako na nasa isang abandonadong gusali kami dahil naririnig ko ang echo ng aking boses noong sumigaw ako. "I'm fine, Isa. I'm fine... Let me go Leo!" si Destinie iyon, nagsisigaw. Dinig kong may tumunog na upuan sa gilid ko at naramdaman ang kamay ni Destinie sa akin. Nakahinga ako ng maluwag doon kahit paano. Yapak ang sunod kong narinig hanggang sa nawala iyon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD