Nangingiti ako habang pinagmamasdan ang nahihimbing kong may-bahay. Nakayakap pa ito sa akin at nakasuksok sa dibdib kong parang bata. Hindi ko na matandaan kung paano naka-uwi kagabi sa sobrang kalasingan. Nangilid ang mga luha ko habang marahang hinahaplos ito sa pisngi. "Kahit abot-kamay na kita. Nakikita, nakaka-usap, nahahawakan. Pakiramdam ko'y napakalayo mo pa rin. Mahal na mahal kita Catrione, higit pa sa buhay ko. Sana balang-araw maranasan ko rin, Kung paano mo mahalin." Mapait akong napangiti at hinalikan ito sa noo bago bumangon at naligo. Maingat akong lumabas ng silid at bumaba ng kusina. Naabutan ko naman si Manang Cely sa kusina at naghahanda ng agahan. "Good morning! Manang." Nag-angat ito ng tingin at matamis na ngumiti sa akin. "Magandang umaga din sayo, S

