Darlene's POV Maaga akong nagising sa oras na iyon, agad kong inasikaso si Flinn na nasa kabilang kwarto. Isa rin kasi sa napagkasunduan namin na hindi kami matutulog sa iisang kwarto. Nasa mansion din kasi naninirahan ang apat na guards. Ayaw ni Flinn na makutuban kami sa sandaling iyon. Suot ko lang ngayon ang isang manipis na t-shirt at isang cotton shorts, hindi pa man ako kumakatok sa pintuan ni Flinn ay nagbukas na ito nang kusa. "G-good morning," saad pa nito sa'kin habang hubad ang pang-itaas na bahagi ng kaniyang katawan. Nakasuot lang ito ng isang jogger jeans, parang kakagising lang nito dahil sa iilang muta sa kaniyang mata, but, it doesn't lessen to his masculine vibe na 'sing lakas yata ng araw ang epekto sa mga babaeng gaya ko. "Good morning..." napaiwas ako ng tingin.

