MAHIGPIT na hawak-hawak ni Sabrina ang pregnancy test sa kamay niya, habang inaantay sa harap ng entrance ng school si Gabin. Balak niyang ayain itong mag-cutting. Gusto niya itong makausap tungkol sa problema nila, para kasing sasabog na siya sa dami ng mga dala-dala niyang problema. Gusto niyang mabawasan iyon kahit papaano. Gusto niyang may mapaghingahan ng lahat ng nasa loob niya. Halos wala nga siyang tulog kagabi, nakaupo lang siya sa kama habang nakatulala sa kawalan. Ang gulo-gulo ang isip niya. Gusto niyang umiyak sa lahat ng nangyayari pero walang luha na pumapatak sa mga mata niya kaya naman mas lalo siyang na-fufrustrate. Napangiti siya ng matanawan si Gabin pero agad ding nawala ang ngiti niya ng makitang kasama ito ni Millet. Masayang nagkukuwentuhan ang dalawa. Tawa ng t

