MALAKAS siyang napadighay pagkatapos niyang maubos lahat ng inorder niyang pagkain. Pero feeling niya kulang pa yung kinain niya. Parang di siya nabusog. "Ano busog kana?" Ani ni Gab. Nakangiti siyang tumango, kahit gusto niyang umiling. Gusto niyang humirit ng isa pang order ng spagetti. "Tara na?" Aya nito saka kinuha ang bag niya at ito na ang nagbuhat. Wala na siyang nagawa kundi ang tumayo na rin at sumama dito. Nakasabay pa nila si Arjhay at Mateo sa hallway. Bigla ang pagkainis na naramdaman niya ng makita ang dalawa. "Ang papanget niyo!" Inis na pagsusungit niya sa dalawa na nagulat sa biglaang pagtataray niya. "Luh? Problema mo?" Ani ni Mateo na nakasimangot. "Yang mga mukha niyo. Nakakaalibadbad." Aniya saka inirapan ang mga ito at nauna ng maglakad. Kumukulo ang dug

