Sabrina's POV HALOS araw-araw kasabay ni Gab umuuwi si Maria sa bahay. Laging nag-uusap ang mga ito sa opisina ni Gabin sa ibaba pagkatapos ay sasabay maghapunan sa kanila si Maria bago ihatid ni Gabin. Hindi niya itinago ang inis sa pinsan niya. Harap harapan kasi nitong nilalandi si Gab at parang okay lang iyon kay Gabin. Nakakapanggigil! Pati mga bituka niya nanggigil sa pinsan niya. Madalas pa siyang ngisihan ni Maria na mas lalong kinaiinis niya. Katulad na lang ngayon nasa kusina siya habang umiinom ng kape. Lihim niyang binabantayan ang dalawa. Ngayon lang kasi inabot ng gabi ang mga iyon na naguusap. Nasa taas na ang mga anak niya at tulog na. Hinihintay niya na lang matapos mag-usap ang dalawa dahil gusto niyang makipaglinawan kay Gabin. Hindi uubra na harap harap siya nitong

