Sabrina's POV DOON niya nakilala si Jude. Ang lalaking nakabunggo niya noon sa St.Catherine, yung tall, dark and handsome na may hawig kay Aga. Noong una ay ayaw siyang isama nito pero nagmakaawa at pinilit din ito ni Mickey. Nalaman niya rin na hindi pala ito ang ama ni Patricia, kundi ang nakatatandang kapatid nito na balak ng mga itong hanapin sa Manila. Hindi rin ito nag-aaral sa St.Carherine. Nang makabungguan niya ito pumuslit lang ito sa loob para makausap si Mickey. Isang snatcher sa pier si Jude katulad ng kapatid nito. Pero kahit ganoon ay hindi niya ito hinusgahan. Dahil paglipas ng mga taon naging mabuti ito sa kanilang magkapatid at mga anak nila. Ito na nga ang tumayong Tatay ng mga bata. Kahit papaano naging isang buong pamilya silang tatlo kasama ng mga anak nila. Kahit

