Sabrina's POV HINDI niya gustong masaktan si Erika ng dahil sa kanya. Mas lalong hindi niya gustong magkagalit si Erika at Manolo. Pero nagkagulo ang mga ito ng dahil sa kanya. Hindi pa rin siya pinapansin ni Gabin. Nasasaktan siya pero tinitiis niya. Siguro tama na rin na ngayon pa lang lumayo na ang loob ni Gabin sa kanya. Idinistansiya niya na rin ang sarili sa mga kaibigan. Hindi na siya tumatabi sa mga ito kapag breaktime, Hindi na rin siya sumasabay sa mga ito pag-uwi. Miski si Mateo ay iniwasan niya na rin. Naging mag-isa na lang siya. Dumagdag pa na tumitindi ang morning sickness niya. Kagaya ngayon. Pakiramdam niya'y umiikot ang paligid niya kaya nakasubsob lang siya sa desk niya. Lumayo na rin siya ng upuan kina Gabin. Nakipag palit siya sa classmate niya na nasa kabilang

