Love Reins

1491 Words
Kinabukasan... Naabutan ni Iya ang kanyang nanay na nagliligpit ng mga kubyertos na ginamit kahapon sa handaan sa fiesta. "Nay, tulungan na kita diyan.." offer ni Iya. "Hindi na, matatapos na din ako..kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni aling Gina na napa-second look kay Iya dahil sa mata nito na namamaga sa pag-iyak. "Ok naman po ako, 'nay.."matamlay niyang sagot habang kumukuha ng makakain. "May problema ba kayo ni Neil? Dapat pinag-uusapan niyo yan at ng magka-liwanagan kayo...ganyan talaga,kahit anong relasyon dumadaan sa pagsubok" payo ng kanyang nanay. Tahimik naman na nakikinig lang si Iya habang walang gana na kumakain.. "Siyanga pala, idinaan dito kanina yung mga pictures niyo ni Neil noong Santa Cruzan, ibigay mo yung ibang kopya sa kanya at ng may remembrance din siya." tuloy na pagkukwento ng kanyang nanay. Napansin nga ni Iya ang isang brown envelope sa mesa at wala sa loob na kinuha ang mga pictures sa loob nito. Kitang-kita na masaya sila ni Neil sa mga kuha nila sa pictures..may isa pang stolen shot kung saan ang ganda ng kanyang ngiti habang si Neil ay mukhang in-love na in-love na nakatingin sa kanya...kung wala sana silang issue kagabi baka nayakap at nahalikan niya ang mga pictures na iyon. At dahil dito, parang gusto na naman tumulo ng luha niya ngunit bigla siyang nagulat ng tumunog ang doorbell. Sa kabila ng lahat, umaasam siya na si Neil iyon. "Ikaw na magbukas Iya,baka si Neil yan.." utos sa kanya ng nanay niya. Parang nagdadalawang isip siya pero naisip niya na tama ang nanay niya..kailangan nila mag-usap ni Neil. Pagbukas niya ng gate,hindi niya inexpect ang mabubungaran niya.. "Hi..mukhang disappointed ka na ako ang nakita mo ah.."pagbibiro nito. "Mark..! parang medyo nagulat na sabi ni Iya. "Ahm, pwede pumasok?" sagot naman ni Mark. "Sure" mabilis naman na sagot ni Iya. Pagpasok nila sa loob ng bahay, bumati si Mark kay aling Gina. "Ikaw pala yan iho, hindi ko na natainong pangalan mo sa pag-aalala kagabi kay Iya.." sabi ni aling Gina. "Siya nay si Mark..kaibigan po ni Neil..salo naman ni Iya sa nanay. "Nasaan nga pala si Neil?mag-isa ka lang ba pumarito?"tanong ni aling Gina kay Mark "Actually po tita hindi po alam ni Neil na andito ako, hindi pa po siya gising, sobrang nalasing po kagabi at nagyaya po siya ulit uminom after po ng..alam niyo na..yung nangyari po..kagabi..."medyo hesitant na kwento ni Mark. "Nag-agahan ka na ba?tamang-tama saluhan mo na si Iya,kumakain pa lang siya.." sabi ni aling Gina. "Ay nakakahiya naman po, pero sige na nga po.."kunwaring nahihiya na sabi ni Mark. Iniwan na sila ni aling Gina at binilinan si Iya na busugin daw mabuti si Mark. "Ang bait naman ni tita..pede magpa-ampon na lang ako dito.."pagbibiro ni Mark. Habang kumakain, napatingin si Mark kay Iya at napansin nito ang namumugtong mga mata niya. "Ahm kumusta na nga pala pakiramdam mo?"nag-aalangan na tanong ni Mark. "Ok naman, konting galos lang naman 'to.." explain ni Iya. "Ah, mabuti naman..eh yung pakiramdam mo dito.." sabay turo ni Mark sa dibdib nito. Napatingin naman si Iya at simpleng tumawa. "Baliw.." maikling sagot niya na may simpleng ngiti. "Yan, tama nga, smile ka lang...mas bagay sayo.." tumatawa na din na sabi ni Mark. "Kidding aside..ang ganda mo lalo na pag naka smile ka.." dagdag pa ni Mark. "So,pumunta ka pala dito para bolahin lang ako..ganon?"nasa mood na din si Iya. "At maki-kain.." sabay subo ni Mark na kunwaring sarap na sarap sa kinakain. Nagkatawanan na lang sila. "Seriously, ako alam ko it's non of my business na sabihin ko to,pero sana Iya bigyan mo ng chance si Neil na makausap.." seryoso na sabi ni Mark. "Akala ko pa naman ako ang kakampi mo, sabagay kayo nga pala ang friends.." kunwaring tampo ni Iya. "Sa ilang taon na magkaibigan namin ni Neil, kagabi ko lang siya nakita na nagkaganon sa babae.." would you mind kung ikwento ko ng slight yung buong nangyari kagabi?" convince ni Mark. All ears na nakinig si Iya at kahit naman yata walang Mark na nagco-convince sa kanya ngayon kaya niyang mapatawad si Neil sa kabila ng sakit na naramdaman niya kagabi. Marupok nga yata siya pagdating kay Neil. "Engineering din ba ang course mo?"out of the blue na tanong ni Iya. "Oo, kaya kami nagkakilala at naging magkaibigan ni Neil kasi magka-klase kami simula freshman years..bakit bigla mo naitanong.." takang tanong ni Mark. "Akala ko kasi LAW ang course mo.." biro ni Iya. "Ow, nadali mo ako don ah.." sabi ni Mark na napalakas ng tawa tapos biglang nahiya thinking na marinig siya ni aling Gina. Napatagal din si Mark sa bahay nila Iya sa dami ng kung ano-ano na kwento nito na hindi na related sa issue nila Iya at Mark. Matapos mapansin ang oras, nagpaalam na din ito. "Balik na pala ako, baka gising na si Neil hanapin ako tsaka malapit na ang lunch nakakahiya naman na dito pa ako makikain ..." pagbibiro ni Mark. "Ok lang,gusto mo until dinner pa eh.." sakay naman ni Iya. "Kung pwede lang ba, pero uuwi na kami mamaya after lunch..sayang nabitin ang stay ko dito.." explain ni Mark at nagpasalamat uli siya sa pagkain bago tuluyan nagpaalam kina Iya at aling Gina. Somehow after ng kwentuhan nila ni Mark,nakaramdam si Iya ng gaan ng kalooban. Feeling tuloy niya, overreacted siya sa mga nangyari kagabi. "Kahit sino naman makakita sa aktong iyon, masasaktan, intentional man or hindi.." katwiran naman ng isip niya. Hindi na tuloy siya mapalagay, gusto na niyang makita at makausap si Neil..pero napagpasiyahan niya na maghintay.. "Mag-umpisa ka na magdasal na puntahan at suyuin ka pa..after mo ipagtabuyan kagabi.." panggugulo ng kabilang isip niya. Pumanik siya sa kanyang kwarto dala ang envelope na naglalaman ng mga pictures nila ni Neil. Isa-isa muli niyang tiningnan ang mga ito at wala sa sarili na mapangiti. Kinuha niya ang stolen shot kung san ang ganda ng kanyang smile while si Neil ay nakuha na buong pagmamahal na nakatingin sa kanya at sinulatan niya iyon sa likod. Dear Neil, May this one reminds a special day we're together.. "A Walk to Remember"? sa layo ba naman ng nilakad natin.. "The way you look at me" gandang-ganda ka sa katabi mo kahit hindi mo sabihin..wag mo na i-deny,huli ka ng camera? "The Boy is Mine"sa dami ng mga babae na nakatingin sa'yo, may placard sana ako na ganito. And that one sweet night.. ❤️Iya Matapos magsulat,nahiga siya sa kama dinama ang mukha ni Neil sa picture.. Bigla naman sumampa si Beauty sa kama at tila naglalambing din ito sa kanya .. Hinaplos niya ito habang kinausap.. Beauty, sa tingin mo bagay ba kami? "Meow" sagot naman ni Beauty sabay dikit at hagod ng katawan sa mukha ni Iya. Tila napaka bagal ng oras sa araw na iyon para kay Iya. Katatapos lang nila mananghalian at nakapag-hugas na din siya ng kanilang pinagkainan. Sa inip, nanood siya ng tv para malibang samantala ang kanyang nanay ay pumanik sa kwarto para makapag-siesta at magpahinga dahil sa pagod ng nakaraan na fiesta. Tawag ng tanghalan na pala, at ini-interview na ni Vice Ganda ang contestant..Siyempre hindi mawawala ang mga kwelang hugot ni Vice, lalo na ang contestant ay hiniwalayan daw ng girlfriend dahil nakita nito na may ka-chat siya pero kaibigan lang daw iyon, katwiran pa nito. "Alam mo gasgas na yang linya na kaibigan ko lang yan...pero ano,nakikipag-flirt ka kahit alam mong may jowa ka na?"kunwaring gigil na sabi ni Vice Ganda. Tama nga,dapat may girlfriend ka na so hindi ka na dapat nag-eentertain ng iba.." dagdag naman ni Chang Amy. Natawa siya sa hitsura ni Vice habang kunwaring gigil na gigil eto,pero tila naka-relate siya sa issue ni Neil. "Si Beatrice lang naman yung flirt eh.." pagtatanggol ng isip niya. "Sinasaway ba ni Neil or nag-eenjoy naman siya..?" kontra naman ng kabilang isip niya. "Ah basta, mahal ko si Neil..at naniniwala ako sa kanya.."pakikipagtalo niya sa isip niya. Nag-enjoy siya manood hanggang marinig niya ang pagtunog ng kanilang doorbell. Hindi maitatago ang kanyang excitement na tumakbo upang buksan ang gate.. "Hi, Iya.." bati ni Neil sa kanya na mababakas ang haggard face. "Galit ka pa ba sa akin?" tanong ni Neil. Gustong yakapin ni Iya si Neil sa mga sandali na iyon,ngunit pinigilan niya ang sarili. "Papakipot ka pa ba?eh kanina ka pa inip na inip sa pagparito niya.." pang-iinis ng isip niya. "Pasok ka muna.." sabi ni Iya sa malambing na boses. Iniabot ni Neil ang hawak nitong isang tangkay na red daisy. Hindi naman naitago ni Iya ang ngiti dahil alam niya na sa bakuran ni lola Caring galing ang bulaklak na iyon. "Aware ba si lola Caring na binawasan mo ang mga bulaklak ng halaman niya.." simula na pagbibiro ni Iya sabay kuha sa bulaklak.. "Maiintindihan niya ako,lalo na kung sabihin ko na sayo ko ibinigay.."napakamot sa ulo na sabi ni Neil. At pareho na sila nagkatawanan na tila walang away na nangyari kagabi..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD