Mula sa paaralan, matapos ang sagutan namin ni Ma'am Sabrina ay dumiretso ako sa pinag-usapan naming tagpuan ni Franz, sa bahay niya. Hindi ito ang unang beses na nakapunta ako rito dahil malapit lang ito sa compound ng mga Ramirez. May kalakihan ang bahay niya at hindi totoo iyong unang napabalitang nagsasama na sila ni Ma'am Sabrina rito dahil simula no'ng naipundar niya itong bahay ay walang ibang babaeng nakatira rito kundi si Yaya Ising na naninilbihan dati sa pamilya del Rio at ipinadala ng kanyang Mommy nang magpasya siyang bumukod. Ang pinag-ugatan ng chismis na nagsasama na sa iisang bahay sina Franz at Ma'am Sabrina ay iyong minsang bumibisita raw dito iyong babae at may nakakitang nagdidilig ng mga halaman sa labas. Mapapel kasi si Ma'am Sabrina kaya ayon, inako ang pagiging

