Hindi man kapani-paniwala pero kinaya ko ang round two sa loob ng banyo. Himalang buhay pa akong lumabas ng silid ni Franz at maliban sa medyo paika-ika kong paglalakad ay wala nang makikitang kakaiba sa'kin matapos ako literal na biniyak ng malaking sandata ni Franz. Kung siya ang masusunod ay tiyak na hanggang ngayon ay di pa ako nakalabas ng silid at bukas ay hindi na ako makakalakad. Ingat na ingat ako sa bawat paghakbang pababa ng hagdan upang maiwasang mapangiwi dahil sa sakit ng balakang at mga hita ko lalo na iyong nasapagitan ng mga ito. Natigilan ako sabay taas ng isa kong kilay nang mapagsino ang bisitang naghihintay sa sala ni Franz. Nadatnan kong nakaupo sa naroong couch si Ma'am Sabrina. Naglasalubong ang mga mata namin at binigyan ko siya ng makahulugang ngiti. Namum

