"Mama, daddy," ungot ng kanilang anak na kasalukuyang nakalambitin sa kumot at muntikan ng mahulog sa kama. Nanlalaki ang mga matang napatingin si Kara sa anak at dali-daling umalis sa pagkakayapos ni L sa kaniya at kinuha ang ito. Ang laki ng higaan nila pero muntikan pang mahulog ito. "Anak sorry patawarin mo si mama. Hindi ko sinasadya na 'di ka mabantayan okay ka lang ba? may masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Kara. Napailing-iling lamang si K na nakangiting tumingin sa kanila ni L. Nakayapos sa kaniya ang binata at kinindatan ang anak nitong si K. Agad naman na niyakap ni Kara ang anak at hinalikan sa pisngi. "Mama ang saya pala dahil may daddy na ako," nakangising ani ng anak niya. Napanganga naman si Kara. Sana pala noon pa niya ipinakilala si K sa ama nito. Nanlulumong ni

