"Kara, wake up na my God! Male-late ka na," malakas na sigaw ni Katarina habang yinuyugyog siya. Agad naman niyang tinakpan ng unan ang tenga niya Napakaingay naman. "Punyeta naman, Kara. Today is your wedding day tapos hindi ka pa gumigising?" reklamo ni Thana habang nakahawak sa beywang niya. "Sissy bumangon ka na diyan. Baka mag-suicide na yung kolokoy kung kapatid kapag hindi ka pa babangon diyan," sambit naman ni Cassandra. Pagod na pagod pa talaga ang katawan niya. Ang dami kasi niyang ginawa at inasikaso kahapon. Agad naman na may ingay siyang narinig dahilan para mapabangon siya. "It's time to prepare bride. My handsome brother is now waiting for you," maingay na sambit ni Leony na may dala-dalang takip ng sauce pan at kutsara. "Oh my God. What time is it?" Saka lang nag-si

