Chapter 6

1017 Words
Kinabukasan ay nagising siyang wala na sa green room. Kwarto pala iyon ni Frank at doon muna siya dinala habang inaayos pa ang purple themed niyang silid. Nang sinabi nyang gusto nyang palitan nito ang wallpaper ng simple green ay agad itong pumayag. I-schedule na lang daw nito ang pagpapalit ng wallpaper since katatapos lang ng room design niya. Napahawak siya sa labi nang maalala ang ginawa niya kahapon. She gave herself to her husband yesterday. Medyo nag-alangan pa nga ang asawa sa simula but she gave him assurance. That proves her love for him. Nasa sala siya ngayon at kumakain ng blueberry shortcake habang nanonood ng bagong Japanese rom-com movie na Tonde Saitama. Nalaman kasi niya mula sa kanyang pinsan na si Shaina na may cameo doon ang kanyang idolong si Yoshiki Hayashi. Well, Not bad. Iyan ang naging komento niya matapos ang panonood ng pelikula. Nang patayin niya ang TV ay nakita niyang umilaw ang phone niya. She saw Bryan calling. She gladly answered it. "Hello Bryan?" "Hi. Kamusta na?" "Okay naman. Available ka ba now? Ayain sana kitang lumabas." Tila nahihiyang tanong sa kanya ng lalaki. "Ayoko. Tinatamad akong lumabas. Maybe next time." "Sumilip ka naman sa bintana sige na." Napangiti naman siya nang makita ang kaibigan sa labas ng bahay. "Bryan! Kamusta na?" Aniya nang buksan ang gate upang papasukin ang kaibigan. Yes. They were friends now. And she is so happy for it. Para sa paniniwala niya, may mga taong sadyang itinadhana para masubukan ang tatag ng isang tao. At para sa kanya, si Bryan ang taong sandalan niya lamang kung may kailangan siya. What they just felt on their past is just an infatuation. "Ayos naman. Kamusta na kayo ng baby mo?" Tanong nito nang makapasok na sa loob ng gate nila. Inabot din nito sa kanya ang isang basket na puro blueberry. "Okay naman kami. Wow mukhang masarap to daddy huh?" Natawa naman si Bryan sa kanya. Kahit sinabi na nito sa kanya na imposibleng siya ang ama ay pumayag naman ito sa mga pang-aasar niya. Buntis daw kasi kaya bawal kumontra ayon na rin sa ate Wendy nitong nurse sa U.K. "Oo naman. Well, in fact may gustong kumausap sayo. " Nang i-connect na ni Bryan ang phone sa TV ay nagflash doon ang mukha ng babae. "Ate Wendy!" "Hi Hershey! Oh take two... ehem, Hi Mrs. Hershey Thalia Williams."Masayang bati sa kanya ng kaibigang nurse. Bata pa lamang siya ay kilala na niya ito. Isa ito sa mga kasama niya sa mga modelling at noong minsan syang sumali sa isang pageant. "Eh kamusta naman ba ang honeymoon?" namula naman siya sa tanong na iyon. "Naman ate. Nandito si Bryan." Naiilang siya sa katabing lalaki. "Ay, kung alam mo lang." Natatawang sabi nito. Para namang batang nagmaktol si Bryan sa harap ng dalawa. How cute. "But Hershey.." "Yes ate?" "I'm sorry for what my Jerk brother did to you. Kung ako ang nasa kalagayan mo ay..." "It's okay now. Past is past. What important is our friendship right?" "Iyan ang baby girl ko!" Bryan patted her head kaya nagulo ang buhok niya. And she is happy now. At least hindi nawala ang friendship nila at masaya na doon. Sa maghapon niyang kasama si Bryan ay hindi siya nakaramdam ng anumang pagkabagot. "Salamat sa pagdalaw mo sa amin." Ani Hershey nang maihatid na niya si Bryan sa gate. "Wala iyon. Ang mahalaga napasaya kita. Huwag mong pabayaan sarili mo. Mommy ka na." Tila nagmamatanda nitong sabi. "Opo kuya. Gagawin ko po. Magpapacheck- up po kami ni baby para masigurong healthy siya." "Very good. Sige na uuwi na ako.Magchat na lang tayo mamaya okay?" Anito na masayang tinanguan ni Hershey. Nang makaalis na si Bryan ay isasara na sana ni Hershey ang gate ngunit nakita niya ang taxi na parating lulan ang asawa. Tumigil ito sa harap ng kanilang gate. Sasalubungin sana niya ito ngunit may kasama itong morenang babae. Mas matangkad ito sa kanya at di hamak na mas sexy tingnan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng pagka-inggit. Nang makita niyang palapit na si Frank ay agad siyang pumunta sa kusina at nagluto na lamang ng pancake. Nang makarating si Frank sa opisina ng kanyang lolo ay agad siyang pinakilala sa mga kaibigan nito at sa mga kasamahan nito sa board. As expected, he got the highest poll aganst his cousin, Bryan Ray Stone. Kaya sya ang iniluklok na bagong CEO ng Williams Corporations. "Congratulations. Ikaw na ang bagong CEO ng kumpanya." Bati sa kanya ng nakatatandang kapatid na si Lucas. Bagamat nasa Russia ito ngayon upang maging kinatawan sa dinaluhang meeting ay hindi iyon naging hadlang para batiin siya ng kapatid. "Salamat kuya." Hindi pa rin sya makapaniwala. Nakuha na niya ang lahat ng nais niya. Wala na siyang mahihiling pa kundi ang kaayusan at kapayapaan na lamang. Habang nagbabasa siya ng libro sa loob ng kanyang opisina ay sinabi ng secretary niya na hinahanap siya ng mga kaibigan. "Papasukin sila." Utos niyang agad na tinalima ng kanyang kalihim. "Welcome back, Bro!" Bati sa kanya ng kaibigan na si Cloud. Kasama nito ang kakambal na si Charles at ang kani-kanilang girlfriend. May mga dala itong alak na mukhang tinago ng mabuti sa security guard. "Kamusta naman ba ang honeymoon?" Malokong tanong ni Charles saka nagbigay ng alak sa kanya. "Okay naman." Ani Frank saka ininom ang alak sa kanyang baso. "Ano? Mainit ba? Nakascore ka ba?" Tanong ni Cloud habang nilalaro ang buhok na katabing babae. "She's already pregnant..." "Yown!" Nag-apir ang dalawang kambal ngunit agad silang natigilan sa sumunod na sinabi ni Frank. "...Before our wedding." Agad naman natigilan ang dalawa nang marinig iyon. "Ano! Bakit?" The twins said in chorus. Sasagot na sana siya nang biglang tumunog ang intercom. "Sir, may naghahanap po sa inyo na babae. Girlfriend daw po ninyo." "Let her in." utos niya sa receptionist. "Bro, asawa mo na siya di'ba? Bakit girlfriend pa rin ang sinabi niya?" tanong ni Cloud sa kanya. Maging siya ay nagtaka. Subalit nagulat sila nang makita ang babaeng pumasok sa kanyang opisina. "Hi Babe. I'm back." "S-Sandara..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD