Chapter 10

1195 Words
Happy Birthday Sabrina Tuazon Iyan ang nakalagay sa malaking tarpaulin sa labas ng malaking gate sa venue kung saan sila naroon ngayon. Kasama ni Hershey ang mga kaibigan nito dahil hindi raw makakasama si Frank. Nasa trabaho daw ito at hindi nito maaaring iwanan. Naiintindihan naman niya iyon at hindi siya ang tipo ng babaeng naghahanap ng atensyon ng lalaki. She is a woman with contentment. "Tumatawag sa phone si Sabrina. Ano sasagutin ko ba?" Tanong ni Madeline habang hawak ang phone na kanina pa ring nang ring. "Yes. Tell her na medyo.. hmm.. matatagalan pa tayo." Sagot ni Ysabelle na nagkunwari pang nag-iisip. Balak kasi nilang surpesahin ang kaibigan sa kwarto nito at kailangan nitong isiping matatagalan pa sila. "Girls! Ang tagal naman ninyong sumagot! Nakakainis naman kayo malapit na kaya magsimula ang party. Nasaan na ba kayo?" Tanong ni Sabrina na halatang bored na loob ng kanyang kwarto. At tulad nga ng sinabi ni Ysabelle ay ganoon nga ang sinagot ni Madeline sa kaibigan. "I hate you! Ayoko pang ikasal sa lalaki no! Gusto ko pang mag-enjoy sa pagiging dalaga ko. Paano ako makakatakas ngayon?!" Bulong nito sa phone na tanging sila lang ang nakarinig. "Relax. Malapit na kami sa Venue,okay? Just... hello? Hello?!" Hindi na niya nasabi pa ang karugtong dahil nagshutdown na pala ang kanyang phone. "Salamat sa Phone mo Hershey. Dahil nagcharge ka sa powerbank ko, di ko na siya magamit ngayon." Sarcastikong saad ni Madeline habang inaayos ang sarili sa harap ng salamin. Nasa girls CR sila ngayon para magretouch bago pumunta sa kanilang kaibigan. "Oh talaga ba? Kawawa naman pala ang asawa ni Frank kung ganon. Niloloko na pala siya nang hindi niya alam." Ani ng dalawang babaeng kapapasok lang sa loob ng restroom. "Ah. Girls. Wait nyo ako ha?" Tumango naman ang dalawa saka siya pumasok sa cubicle. Ni-lock niya yun saka muling nakinig sa usapan. "Well, kilala mo naman ang ugali ng Sandara na iyon, lahat gagawin niya para makuha ang gusto niya. Ginagamit lang niya ang sakit niyang cancer daw para maging spoiled siya ng mga nasa paligid niya." "Yeah. Di kapani-paniwalang may sakit siya. Ang lakas lakas nga niya ngayon tapos sasabihin niya na may sakit siya? Duhh. Sino niloloko niya?" Di niya mapigilang humikbi. Napatigil ang dalawang babae sa pag-uusap nang marinig siya. Pero hindi niya iyon pinansin. She just kept on crying silently as much as possible inside the cubicle. Sinubukan niyang tawagan si Frank sa opisina nito. Ngunit sinabi ng kanyang sekretarya na umalis ito kaninang umaga pa at may pinuntahan. Nang itanong niya kung saan ito nagtungo ay hindi alam ng sekretarya. Sunod naman niyang tinawagan si Frank. Nakadalawang ring lang ito bago sumagot. "Hello hon?" "Hon, nasaan ka? Nasa office ka ba?" Gusto niyang malaman kung gaano katapat sa kanya ang asawa. Ayaw niyang magduda agad dito nang walang ebidensya. "Uh. Yeah. Im on my office now. Why?" Tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya. Hindi niya alam ang gagawin. Nagsinungaling ang asawa niya sa kanya at narinig pa niya mula sa iba na may kabit ito at ang masaklap ay ang best friend pa niya. "Hon.. are you still there?" She just throw her phone in the wall in frustration. Hindi na niya yata kaya. Ngayon palang nahihirapan na siya. Paano nagawa ni Frank iyon sa kanya? Kasabay ng pagbukas ng pintuan ng cubicle niya ay ang pagbagsak ng kanyang katawan. "Hershey!" And everything went black. Samantala ay tila nanghihinang binaba ni Frank ang kanyang cellphone dahil sa biglang pagkawala ni Hershey sa linya.Hindi niya alam kung bakit ito umiiyak. He don't wanna see his queen crying. For him, she is a fragile. She is like a crystal that is meant to be care. Kararating lang niya sa opisina mula ospital noong tumawag ang kanyang asawa. He Visited Sandara - his ex-girlfriend. She had her stage 4 colon cancer at kailangan niya itong tulungan. Nalaman niyang tumawag si Hershey sa opisina kanina bago pa man siya makapasok sa opisina. Just a minute bago pa siya makita ng lalaking sekretarya. Kaya pala tila nagdududa ang asawa base sa tono ng pananalita nito kanina. Ngunit hindi iyon ang kanyang ikinabahala. Alam niyang magkaibigan sina Hershey at Sandara. Paniguradong masasaktan ito kung sakaling malaman nito ang totoo. Muling bumalik sa alaala niya ang usapan nila... Flashback... "Doc, kamusta na po ang kapatid ko?" nag-aalalaang tanong ni Kaoru Matsuzaka,ang sister-in-law ni Sandara. "Tatapatin ko na po kayo, Dahil sa pagpapabaya niya sa kanyang sarili ay lumala pa ang cancer cyst na nasa katawan niya and she is now in stage 4. I'm sorry to tell that there is a little chance for her to live." Tila nabingi naman siya sa narinig. Sandara was a supermodel but now a cancer fighter. Kahit alam na nitong may sakit siya ay patuloy siyang lumalaban para sa pamilya at pangarap niya. At dahil doon ay nagbago ang tingin niya sa dalaga. Alam niyang may pagtingin sa kanya si Sandara noon pa man. But sadly, he can't love her back. "Can I talk to you, Mr. Williams?" Untag ni Kaoru sa kanya saka nauna nang naglakad papunta sa elevator. Nang sumunod siya dito ay pinindot nito ang button papuntang rooftop. Sinalubong sila ng malamig na hangin paglabas sa rooftop. Sa hitsura ng babaeng kaharap niya ay tila mukhang malaking bagay ang kailangan nito sa kanya. "Well, Mr. Williams. Alam kong malaking bagay itong hihingiin ko sa iyo. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mong may gusto sayo si Sandara. At ikaw ang dahilan kung bakit siya bumalik dito." That made him shocked. He thought that it came back here in the Philippines because of the project na siya ang model ambassador. Isa kasi ang dalaga sa napili ng Kapatid niya bilang ambassador ng isa nilang milk tea product na naging in-demand na ngayon sa market. "She really loves you. Ikaw daw ang gusto niyang makasama pero nalaman niyang kinasal ka na sa kaibigan niya. She was really depressed until she already tried to kill herself. She attempted suicide pero mabuti na lang napigilan namin ng asawa ko." "What do you really want to say, Mrs. Matsuzaka?" "Please give her happiness until her last breath. Only you can give that to her." Naputol ang pagbabalik-tanaw niya nang marinig ang katok na mula sa pintuan ng kanyang opisina. "Yes Tristan, bakit?" "Sir, tumawag po ang kapatid ninyong si Sir Lucas Clyde. Nasa ospital daw po si Ma'am Hershey Thalia." "What happened to her?!" Tumayo na siya mula sa swivel chair saka lumabas sa kanyang opisina. Godd*mnit! She is already 19 weeks pregnant for Pete sake! Sinabi naman sa kanya ng kalihim ang nangyari kaya dali-dali siyang nagtungo sa ospital. Nakita niya doon ang mag-asawang Leonhart at katulad niya ay nagaalala din ito sa nangyari kay Hershey. Kung alam ko lang na mangyayari 'to sana sinamahan ko na lang siya kanina. Nang lumabas ang doktor ay sinalubong niya ito kasama ang mga magulang ni Hershey. "Sensitive ang pagbubuntis ng asawa mo, Mr. Williams. Siguro ay mas iwasan natin na ma-stress si misis para na rin sa baby ninyo." Tumango lang si Frank sa sinabi ng Doktor. Thank God they're fine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD