Kinakabahan si Hershey Thalia. Ngayon na kasi niya sasabihin ang tungkol sa ipinagbubuntis niya. Natatakot siyang baka hindi ito tanggapin ng mga magulang dahil bagamat nasa tamang edad na siya ay mahigpit pa rin ang mga magulang niya – especially her mom. Ayon kasi sa naririnig niyang gossips ay bunga lang daw ng one night stand ang kuya niyang namayapa dahil sa sakit na pneumonia. Ang kuya lang daw niya ang dahilan kaya ikinasal ang kanyang mga magulang. Ngunit kung siya ang tatanungin, alam niyang totoo ang pagmamahalan ng mga magulang niya sa isa't-isa.
Napatingin siya kay Frank Adamson nang naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya. That simple gesture made her calm. Sa simpleng paghawak na iyon ay parang sinasabi na rin nito sa kanyang everything will be fine.
"Your baby is healthy. Don't worry about your cravings. Its natural. Kailangan mo lang sundin ang gusto ni baby. And about your morning sickness, mararamdaman mo pa rin iyan hanggang sa magthree months na si baby sa tiyan mo." Paliwanag ni Dra. Sakuraba sa kanya.
Matapos siya nitong bigyan ng Vitamins ay nagpasalamat siya dito. Frank Adamson even donated a half a million for her clinic and foundation. Nalaman niyang mahilig pala ang asawa sa mga bata at doon nagkasundo ang dalawa.
"Are you hungry?" Tanong nito sa kanya na agad niyang tinanguan. Bumili muna sila ng mga kailangang vitamins bago pumunta sa restaurant para bumili ng..
"Spicy Chicken, spaghetti and halo-halo."
Pagkatapos nilang kumain ay nag-excuse muna si Frank Adamson dahil kailangan daw muna nitong magbawas. Nang makaalis na si Frank ay patuloy lang siya sa pagkain ng halo-halo. Mayamaya pa ay may lumapit sa kanyang lalaki.
"Miss, may nagpapabigay po sa inyo." Sabay inabot ang isang kahon na kulay purple.
"Sino daw?" Nang ituro ng lalaki ang sagot ay nagtaka rin ito dahil aniya, umalis na daw ang babae.
"Ah, sige. Thank you."
Nang buksan niya ang laman ng kahon ay mayroon itong sulat para sa kanya. Bukod doon ay wala nang ibang laman ang kahon.
'DO NOT TRUST ANYONE. THEY ARE JUST FOOLING YOU AROUND.'
Luminga-linga siya sa paligid ngunit wala naman siyang nakitang kakaiba. Nagkibit-balikat na lamang siya saka muling kakain ngunit tila nawalan na siya ng gana.
"Sorry, ang haba ng pila sa male's CR." Ani Frank Adamson na kababalik lamang mula sa male's comfort room
"Umalis na tayo dito hon." Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at nauna nang lumabas sa restaurant. She wasn't afraid although she was upset. Was that a threat?
Nasa parking lot na sila ngayon. Hanggang ngayon ay iniisip niya kung sino ang nagbigay sa kanya ng threat. Sasakay na sana siya sa bagong Ferrari car ni Frank nang bigla niyang maalala ang naiwang gamit sa loob ng restaurant.
"Samahan na kita." Frank offered but she declined. Kaya na niya ang sarili niya. She is just pregnant but not disabled woman. When she got there ay iniabot sa kanya ang naiwan niyang documents. Napatigil naman siya nang makita ang isang pamilyar na babae sa isang table doon sa nasabing restaurant. May kausap ito sa phone na tila may inuutusan.
"I'm telling you not to tell her about me!... Good... Bye."
"Sandara?" Untag niya dito.
"Hershey?" Gulat nitong tanong tanong pabalik sa kanya. She just smiled at her. Hindi na siya nagulat sa pagkikita nilang dalawa dahil magkaibigan naman silang dalawa sa f*******: at doon ay magkausap na sila. But she felt excitement dahil ngayon lang sila nagkita nang personal. Nalaman niyang mahigit isang linggo na ang kaibigan dito sa Pilipinas matapos ang limang taong pag-aaral sa Japan.
"So kamusta naman kayo ng boyfriend mo? Are you going strong?" Ang alam lang ni Hershey Thalia sa lalaking iyon ayon sa kaibigan ay taga-Maynila ito. May matipunong katawan at mayaman. She didn't bother the name of that guy because she want Sandara was the one who introduce him to her.
"Yeah. Kaso lang sa tingin ko may babae siya. Everytime I call him he always rejected it. Kapag magkasama naman kami, sobrang sweet niya sa akin. He even wants me to play in bed with him."
"Baka naman busy lang. Ikaw talaga, alam mo naman ganoon ang mga lalaki di'ba?"
"Yes sissy. But once I found out that he cheated on me, I'll gonna make sure that she will pay for her mistake forever." Sandara said looking straightly on her eyes. She might not bother but she felt her heart palpitating. Why so?
Habang nagmamaneho ay panay ang tingin ni Frank sa asawa habang natutulog sa passenger seat. She was peacefully sleeping. She really look like an angel. He wondered sino kaya ang lalaking gumugulo sa asawa niya? Isang linggo na ang nakalipas mula noong nalaman niya iyon at agad niyang pinaimbestigahan but until now, there is no lead na siyang ipinagtataka niya.
Charles calling...
"Hello? May balita na ba sa pinagagawa ko?"
"Chill, Bro. mayroon nang lead kaso lang baka naman kasama mo si Hershey Thalia ngayon. Nandiyan ba siya?"
"Yes. We're going to Subic para sabihin na namin ang lagay niya." Narinig naman niyang napalatak ang kaibigan. "Bakit?"
"Sasabihin na ninyo? Alam mo naman siguro kung gaano kabangis si tito Leonardo di'ba? Black belter 'yan bro!"
"Oo na. salamat talaga sa suporta. Mabuti ka talagang kaibigan." Narinig pa niyang humalakhak ito sa kabilang linya.
"Good luck. Aasahan ko na ang panda mong mukha pag-uwi mo dito sa Maynila."
"Ul*l!" Makaraan noon ay binaba na niya ang kanyang earphone.
"Sinong kausap mo?" Napalingon siya sa passenger seat. Gising na pala si Hershey. Nang tingnan niya ang kanyang wristwatch ay mag-aalas-cinco na ng hapon nang makapasok sila sa Olongapo City. Apat na oras ang kanilang ibinyahe dahil as usual na sa Maynila ang traffic.
"Si Charles. May nireport lang sa akin." Aniya habang pasimpleng tumitingin sa rear mirror. Her simplicity captured his heart. Aminin man niya o hindi ay makikita iyon sa bawat kilos niya.
"We're here." Sa Casa Miranda ang napagusapan nilang location. It was owned by Marcus Williams na lolo nina Frank Adamson at Lucas Clyde. Napansin niyang nakatingin lang si Hershey sa arc na tila kinakabahan.
"Don't worry hon. Everything will be fine." He assured her. He just hold her hand and they enter Casa Miranda together.
"Sana lagi na lang ganito. Sana walang manggugulo para everybody happy!"
Kinilig naman siya sa kanyang naisip.
"Hi sweetheart. How are you?" Bati sa kanya ng kanyang mama Sunny Williams, mama ni Frank. Nakasuot ito ng yellow Blouse na tinernohan ng black slacks. Kung titingnan ang mukha nito ay hindi mababakas ang katandaan at tila isa itong teenager na nakikipagdate sa boyfriend.
"Okay naman po." She politely answered.
"How was your honeymoon? Did you enjoy?" Her mom asked. She just smiled as an answer. She looked at Frank as he talks to his dad. They are really a gentleman. She wondered if he was the father of her child, she want him to be like them.
"Frank, do you know that your brother was already waiting for next year? Magkakaapo na ako sa kuya mo." His father proudly says. She can see the eyes of him sparkling in excitement. Even his mom too.
Ganoon pala ang mga magulang kapag malalaman na nilang may apo na sila.
"Balae, wag natin silang madaliin if ever they don't want yet." Ani ng kanyang ama saka uminom ng wine.
"Pero masaya ang may baby sa bahay, Love. Especially when you seeing them growing." Depensa naman ng mama niya.
"Really?" Ngumiti si Leonardo sa asawa ng nakakaloko na ikinapula nito. "Are you suggesting to have me later?" Biro ng kanyang ama.
"T-That's not what I mean!" Defensive na sagot ng ginang. Napuno ng halakhakan at kantiyawan ang kanilang mesa na nakasentro sa mga magulang niya.