Chapter 4

1146 Words
May mga nakasulat na sa papel na gagawin ko. Mukhang pinaghandaan na dati ni Miss Desiree ang trabaho ko. "Please sort the files by the date on the yellow cabinet." Iyon ang unang nakasulat doon. Tumango ako na para bang kinakausap ako nung papel na hawak ko. I stood up and went in front of the big yellow cabinet. Binuksan ko 'yon at tumambad sa akin ang magulong pinagpatong-patong na mga papel. "Puwede ng i-per kilo ang mga ito." Bulong ko sa sarili ko. Napameywang ako habang nag-iisip kung paano ko uumpisahan ang mga papel na 'yon. Mukhang aabutin ako ng siyam-siyam bago ko matapos. "SECRETARY!" Carl yelled from the other side. Napahinga ako ng malalim bago ako pumasok sa opisina niya. Mukhang masusubok ang haba ng pasensya ko sa kaniya. "Scan this and e-mail it to my dad." Utos niya sabay patong ng makapal na folder sa braso ko. "Wash my mug and return it here. Get me a bouquet of roses and reserve me a table for two for lunch at Kusina Felicitas today. Call Thesa and tell her I need a brand new suit for next week. Tell Jandy that he needs to pick up Cheena at work today, lunch time. That will be all, now get lost." Lahat iyon inutos niya ng hindi ako tinititigan. I was still remembering everything that he said when he stopped writing and looked at me. "Are you deaf? I said I don't want you here anymore! Get out!" Mariin niyang sinabi kaya napakaripas ako palabas. Napabuntong hininga ako bago ko binagsak ang sarili ko sa upuan ko. Sino raw? Cheena? Thesa? Jandy? Sino ba ang mga iyon? Akala niya ba galing ako sa PSA at alam ko ang lahat ng pinagsasabi niya? Napakamot ako sa ulo ko. Kalma lang muna Liyah. "I can do this." Napalingon ako sa mga inabot niya sa akin, unahin mo munang hugasan 'yong tasa niya. Kung lagyan ko kaya ito ng lason ng matauhan ang damuho. Napairap na lang ako habang nagbabanlaw. Inilapag ko muna sa lamesa ko 'yong mug niya saka ko inumpisahan ang i-scan ang napakakapal na papales na inabot niya. 313 pages. Aabutin ata ako next year kaka-scan. Page 16 pa lang ako sa pinapagawa niya nang sumigaw na naman ito. "SECRETARY!" I scurried fast to his office. "Po?" Pilit na magalang kong sagot. Pinipigilan na irapan siya. May pangalan ako Mr. Grumpy! At maganda ng pangalan ko, ikakamatay mo ba na tawagin ako ng Liyah o Jaliyah man lang? Tinaasan niya ako ng kilay. "Where's my mug?!" "Ah wait lang kukunin ko la-" "Kailangan ko na ang mga papeles na pinapa-e-mail ko kay dad. Nasaan na!?" Putol niya sa sasabihin ko. "Hindi ko pa tapos gaw-" "Ano? Pinaglihi ka ba sa pagong at ganyan ka kakupad gumalaw?! I need it now." He yelled. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya napatakbo ako palabas ng opisina niya. Dalawa lang ang kamay ko, paano ko naman pagsasabay-sabayin ang mga gusto niyang ipagawa? Wala pang isang oras simula nang bumaba si Desiree kailangan ko na siyang tawagan. "Miss Desiree, Liyah po ito." Sambit ko nang sinagot na niya iyon. "Gusto ko lang pong magtanong. Sino po si Thesa, Jandy at Cheena? At anong kulay ng rosas ang madalas na ipabili ni Sir Carl? Tapos po may pinapa-scan po kasi siya sa akin na hinihingi na niya ulit kaso page 16 pa lang po ako out of 300 plus. Miss Desiree, patulong po." "Teka, mag-relax ka lang muna. Sige, anong nakasulat sa folder na ibinigay niya sa iyo?" "Annual Financial Reports (2025-2026). Pinapa-send niya po kay Sir Carlos." "Sige ibalik mo na sa kanya iyan. Hihingi na lang ako ng soft copy niyan sa finance team at ako na ang magsesend sa daddy niya." Tumango ako at binalikan ang mga papel na nagkalat sa taas ng photocopier sa loob ng opisina ko. Buti na lang wireless ang telepono. "Si Thesa ang tailor ng suit ni Sir Carl, si Jandy naman ang driver niya, mahahanap mo ang number nila sa ilalim ng telepono mo. Si Cheena... umm, k-kaibigan siya ni Sir Carl. For the roses, pick the red ones. Pinapareserve ka rin ba niya sa Kusina Felicitas?" Napatango ako, nagaayos ng mga papel habang nakaipit ang telephone head sa pagitan ng tainga at balikat ko. "Opo Miss Desiree." "Sabihin mo para kay Carl Warren Laude ang 'yong reservation. Alam na nila doon 'yon. Ano pa?" "W-wala na po. Thank you po Miss Desiree, pasensiya na sa abala." Sagot ko habang sinisilid pabalik sa loob ng folder. I heard her laugh before cutting the line. I gathered his mug and the papers before I went back inside his office. Nakatayo na siya at nakatutok sa cellphone na hawak niya. "Sir ito na po." I whispered. Pero hindi niya ako pinansin, kinuha niya iyong coat niya nakasampay sa likuran ng upuan niya bago siya tuluyang lumabas ng opisina niya. He even bumped my shoulder when he's on his way out. Hindi ko nga alam kung sadya ba 'yon o hindi. Napahimas ako sa balikat ko. "Liyah, hayaan mo na. Baka kamag-anak lang siya ni Satanas kaya ganyan ang ugali niya." Bulong kong pampalubag-loob sa sarili ko bago ako bumalik sa loob ng opisina ko. Nagawa ko naman lahat ng inutos niya. He never return which was a little cheereing dahil at least hindi mukha niya ang masisilayan ko buong araw. Tumawag naman sa akin si Kyle ng lunch time, na okay na rin dahil wala naman akong kasamang kakain. "Hi baby, kumusta?Hindi naman mabigat ang trabaho mo?" I shook my head even I know he can't see me. "Oo, pero 'yong boss ko hinubog ata ang ugali kay Satanas. Nakakabwisit siya pero kailangan kong pakisamahan dahil ginusto ko naman ito." I heard him sigh. "Liyah, if the job's too much for you I suggest-" "Not with that lecture Kyle. I want this job and I'm keeping it." Matigas na tugon ko. Narinig ko na naman ang buntong hininga niya. "Okay but please don't forget your body's limitation. Kapag masyado ng mabigat ang trabaho, iwan mo na." "Yes po." I replied, rolling my eyes. I heard him chuckling from the other line. "I know you're rolling your eyes Jaliyah Harmony and don't deny it." "Judger ka." Patawa kong sagot. We both ended up laughing until I heard soft knocks on my door. "Sige na, ba-bye na. May kumakatok sa opisina ko. Byeeee, kain ka ng lunch Kyletot pangit mwua!" "Office girl na ang baby ko. Yes po, kakain na po. Huwag kalimutan iyong meds mo okay? Bye, susunduin kita mamaya." Yes, office girl na talaga ako. At ang isang office girl ay hindi sumusuko. I concentrated my willingness to work just so I can build my confidence and drive to work for this despicable man. Tutuwirin ko ang baluktot mong Chili Carl, maghintay ka lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD