Chapter 2

1325 Words
[Klark's POV] "What are you doing here?!!!," gulat na sigaw ni Christian nang makita niya akong nagpi-prito ng hotdog at itlog. "Bakit? Diba dito na din yung dorm ko?," totoo naman diba? "What the hell! Get out of here or else," may halong banta ang boses niya. I smirk. Kanina pa ako naiinis sa gago na to. Hindi porket anak na siya ng may-ari, pwede na niyang gawin ang lahat. "Or else what?" pang-aasar ko. Sinamaan niya ng tingin. "Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," iritado niyang sabi. "Try me," dahil sa sinabi ko mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. Uh-oh. It's sounds trouble. Bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ako ng mahigpit sa braso. "Sh*t! Bitiwan mo 'ko," aba masyadong madiin ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Damn it!," sigaw niya tapos kinaladkad niya ako papalabas. "T-teka!!! Yung n-niluluto ko! Baka masunog. Sayang!!!," pigil ko sa kaniya. Tinignan muna niya ako ng masama bago niya ako binitawan at pumunta siyang kusina. Narinig ko din yung pagtunog ng stove. Tapos lumabas ulit siya at HINAWAKAN ULIT NIYA AKO SA BRASO! Naman! Binuksan niya ang pinto at tinulak ako papalabas! At natumba. Shet lang! "H-hoy Christian!!!," padabog niya isinara ang pinto bago pa man ako makatayo. Sinubukan kong buksan yung pinto pero wala talaga! Naka-lock! Buset!! "Hoy Christian!!! Buksan mo to!!!" "MANIGAS KANG GAGO KA! BAHALA KANG MAGHANAP NG MALILIPATAN MO!," rinig kong sigaw niya sa loob. Nakakagigil alam niyo ba yun? Kung Hindi, pwes ngayon alam niyo. Napakamot nalang ako ng ulo. At sumandal sa pinto. Ang malas naman. Akala ko pa naman magiging masaya at thrilling ang first day ko dito. Teka thrilling? Eto na kaya ang tinutukoy ko? Hindi! Hindi sa ganitong paraan ang gusto ko ng thrill. Paano nayan mga kuys? ••••• [Someone's POV] Sh*t sh*t sh*t sh*t lang! It's been 5 years since I saw him! I don't know what to do. I can't imagine that Klark is here! He's FREAKIN' here! But ZHANE KLARK ANDERSON! Do you still remember me? Do you still remember your BEST FRIEND? The guy who loves you most? ••••• [Klark's POV] Naman! Tss May narinig akong nag-fake cough kaya lumingon ako sa likuran ko. Isang lalaking nasuit ng black T-shirt, jeans then a with cap. "You must be Zhane Klark Anderson, Christian's dorm mate?," tanong nito. "Unfortunately, yes. Pero teka, pare paano mo nalaman pangalan ko?," aba! Lalaki parin ako ano! Haha. "Haha. This is the first time that the President allows a scholar to be her son's dorm mate. At syempre, dahil madadagdagan na naman kami ng schoolmate. Lahat kasi ng mga students dito sa A.A dapat kilala ang bawat isa," pa-oh naman ako. Woah! Ibig sabihin.... "Wait you look familiar....," napahawak pa ako sa baba ko dahil pamilyar talaga siya. "Naalala ko na. Ikaw siguro si Jerome Valdemor!Yung student council President!," bulalas ko. "Tama ka pare" Nataranta ako bigla. Kagabi kasi, pumunta akong computer shop, nag-research ako about Aeden Academy. Ang mga Student Councils dapat galangin. "Nice to meet you," tapos yumuko ako. Narinig ko naman ang pagtawa niya. Kaya tumingin ako sa kaniya nang naka-kunot ang noo. "Silly. Hindi pa naman nagsisimula  ang pasukan kaya wag ng masyadong pormal," natatawa niyang sabi kaya naman napatawa din ako. Ewan ko, natawa nalang din ako sa sarili ko. Hindi ko naisip yun ah. "Oo nga noh? Haha," tapos napakamot ako sa ulo. "Anyway, gusto mong maglibot muna?," tanong niya sa akin. "Sure why not pare?," cool kong sabi. Ngumiti nalang siya sa akin. At naunang naglakad kaya sumunod na ako sa kaniya. Mamaya nang siguro ako babalik. Sa hagdan ulit kami dumaan. "Teka, mayroon namang elevator doon ah," nagtataka kong tanong.. "Hindi pa naman kasi nagsisimula ang pasukan kaya hindi pa pwedeng gamitin. At isa pa, si Christian lang ang pwedeng gumamit nun kung sakali," napanganga ako. Ang sosyal naman. Tumango nalang ako. "Ganun pala. Anyways, J-Jerome anong Grade ka na?" tanong ko. "Grade 11 nadin ako kagaya mo, kagaya niyo ni Christian," okey. "Ah," grabe. Ang awkwark. Malamang sa alamang, ngayon lang kami magkakilala. "Ah Klark, can I ask you a quention?," tanong niya. "Ah hindi ka pa ba nagtatanong?," pambabara ko. "Haha. I mean-" "Haha. Nagbibiro lang. Ano ba yun?" "Can I be your friend?" "Sure!" Sino pa ba ang tatanggi? isang student council na ang nagtatanong. Haha Naglibot libot lang kami. Ang ganda talaga dito. Nandito kami ngayon sa garden nagpapahinga. Nakakapagod eh. Kasalukuyan kaming nagkukuwentuhan. "Haha. Sobrang tawa ko nga kapag naaalala ko yun," natatawa niyang sabi. "Haha. Talagang matatawa ka. Sino ba naman ang hindi matatawa kapag maalala mong iniyakan mo yung lamok nung bata ka?," tapos nagtawanan ulit kami. Nagmumukha na nga kaming tanga . "Eh ikaw? Anong pinakakatawang nangyari sayo noong bata ka?," tanong niya sa akin habang nagpipigil sa tawa. "Hmm..pinakakatawa? Yung ginawa kong totoong pera ang play money ko at ipinambili ko yung ng pagkain"-Ako " Haha. Aba matindi yan pare. Buti tinanggap ng tindera?"-Jerome "Ewan ko. Mantitrip lang sana ako pero tinanggap naman niya. Haha. Dami ko ngang tawa nun eh," tapos tumawa na naman kami. Nakuwento na rin sa akin na ang pamilya niya ang kabilang Rank  10 na pinakamayaman dito sa Asya. Wow lang mga kuys. Magsasalita pa sana ako nang marinig namin ang pagtunog ng tiyan niya. "Haha-," napatigil kami sa pagtawa nang tumunog din ang tiyan ko. "Haha. So, tara?," aya niya bigla. "Saan pare?," tanong ko. "Edi saan pa? Sa bilihan ng pagkain," sarcastic niyang sagot. Pabiro ko naman siyang sinuntok sa braso. Lakas maka-fesling close ang kuya? Haha. Yaan na! "Saan ? Hindi pa naman pasukan hah," kunit noo kong tanong. Pinektusan niya ako. "Baliw ka pare! Edi lalabas tayo ng Academy," natatawa niyang sagot. "Ediwow," natawa nalang din ako. Oo nga noh? Bakit hindi ko naisip yun? Napailing nalang ako. •••••| Nandito kami ngayon sa bilihan ng fishball. Oo, tama kayo ng basa. Kung hindi, ipa-check up niyo na yang mata niyo baka may diperensiya na. Hindi ako makapaniwala. Wala sa itsura niya. "Hi Kuya? Kasama ka ba ni Kuya Rome?," tanong sa akin ng cute na batang nasa edad 5- 7 taong gulang. "Sinong Rome bebe girl?," tanong ko. "Siya po!," sabay turo kay Jerome na kasalukayang kumakain ng kikiam sa table namin. "Ah si Jerome ba? Oo bebe girl. Bago niya akong kaibigan," nakangiti akong sumagot sa kaniya. "Ah ganun po ba? Ang cute cute niyo po," sabay hagikgik niya. "Ikaw nga ang cute sa ating dalawa bebe girl eh," tapos pinisil ko yung pisngi niya. Hindi naman masyadong malakas baka maiyak pa , lagot ako sa nanay neto. "Hihi. Talaga po? Cute ako? Pero teka lang po, Bakit bebe girl po ang tawag niyo sa akin? Hindi po bebe girl pangalan ko. Ako po si Reyshelle," inosente niyang tanong. Napatawa nalang ako ng mahina. "Alam mo kasi bebe girl este Reyshelle, ang tawag ko kasi sa mga batang cute na katulad mo ay bebe girl, naiintindihan mo ba ako?," mahabang paliwanag ko. Tumango naman siya. "Opo. Uhm..ano po pala pangalan mo Kuyang Cute?," nahihiya niyang tanong. Haha. Ang cute. "Tawagin mo nalang akong Kuya Klark," sabi ko sa kaniya. "Ok Kuya Kwark," napatawa ako. "Klark bebe girl. Hindi Kwark" "Kwark!" "Haha. Hmm..Kuya ZK nalang ang itawag mo sa akin, pwede ba yun?," tanong ko. "Uhm...opo.opo. Kuya ZK," tapos pumalakpak pa siya. Biglang may sumulpot na matandang babae "Naku! Hijo pasensiya ka na sa apo ko ah. Naabala ka niya ata," paumanhin ng matandang babae na may-ari ng Fishball'an. "Naku lola hindi naman. Okay nga yun eh," nakangiti kong sabi kay ate "Haha. Ganun ba. Pero pasensya ka na talaga ha?," sabi niya ulit. "Wala yun lola"- Ako " Nga pala hijo, ngayon lang ata kita nakita rito. Bagong salta ba kayo rito?"-Lola "Ah opo. Nakapasa po ako sa scholarship exam ng Aeden Academy," sabi ko. "Talaga? Mabuti naman kung ganun. *lumingon siya kay Jerome* Kasama mo ba si Jerome hijo?"-Lola " Ah opo, bago niya po akong kaibigan" Kumunot naman ang noo ni Lola "Bagong kaibigan?," may halong gulat sa boses ni lola. "Bakit po? May problema po ba?"- Ako "Hiindi naman hijo, nagulat lang ako kasi sabi mo bagong kaibigan. Halos apat na taon ko na yang kilala pero lang ulit ako nakakilala ng isa pang kaibigan niya," sabi niya. Di nga? "Ah ganu po ba?," yun lang nasabi ko. Ngumiti sa akin si Lola at tumingin kay Jerome na nakikipagkulitan kay Reyshelle. Napangiti nalang ako... Well who knows? Baka may rason kung bakit. Haha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD