[Klark's POV]
Guess what? Buong dorm pinalinis sa akin ni Josh. Buti nalang sanay ako sa gawaing bahay. Kainis talaga!
"Clean that mess...and that...and that...and that," hinawakan ko ng mahigpit yung walis na hawak ko. Hindi nalang ako umimik dahil baka ano pang magawa ko.
Kinuha ko yung dust pan at winalisan yung kinalat NIYA. OO! SIYA MISMO! Akala niya hindi ko alam?
"Kung gusto mo akong pahirapan o pagtripan, wag kang magsayang ng papel. Tss," sabi ko sa kanya.
Tinignan niya ako tapos ngumisi. Nag-iwas agad ako ng tingin. Sh*t lang.
Baka...baka kung ano pang magawa kapag tumingin ako sa mga mata niya.
Nang malinisan ko na Lahat, agad akong nagtungo sa kusina para uminom. Halos tatlong oras na ata akong naglilinis. Kainis! Nakakapagod! Linia dito libis doon yubg ginawa. Yang Josh nayan ang may kasalanan. Ang linis linis na nga, pinaulit pa. Mukha lang daw na malinis pero madumi daw talaga.
Nang makainom ako ay umupo ako. Isinubsob ko ang mukha ko sa table.
"Sinong may sabi na umupo ka?," napatayo ako bigla dahil sa gulat.
"M-master Josh...pagod na pagod na ako. Kanina pa ako naglilinis," reklamo ko.
"Rule no. 4. At tsaka wala akong pakealam kung pagod ka na, hindi ko na problema yun," sabi niya.
"Pero-"
"Tss. Yung mga libri sa mini library, ayusin mo!," utos niya.
"Ano? Maayos pa naman yun kahapon ah...," bulong ko.
"Iba ang kahapon sa ngayon," sabi niya. Parang doble yung meaning ng sinabi niya...
"Ano pang ginagawa mo? Galaw galaw na!!!," sigaw niya. Wala na akong nagawa kundi ang sundin yung utos niya.
Agad akong nagtungo sa Mini Library. Just like what I expected. Magulo yung mga libro. Naghalo halo sila. Yung mga science books napunta sa math books. Basta nagkabalibaliktad kumbaga.
•••••|
Napaupo ako sa sahig. Pinunasan ko ang pawis ko sa noo. Tinignan ko ang orasan na nasa wall. (Wall clock yan!!)
Mag-a-alas dose na.
Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya tumayo na ako at nagtungo sa kusina.
Habang papalapit ako sa kusina ay may naamoy akong mabango. Adobo yun! Wag mong sabihin na si Josh ang nagluluto kaya tumakbo ako kung totoo nga bang si Josh ang nagluluto.
Totoo nga! Si Josh nga ang nagluluto.
Napalunok ako. Tumingin ako Josh na may suot na apron. Wala siyang suot na pang itaas at nakashort lang siya. Sh*t! Josh..why so hot?
Ano ba Klark? Anong pinag-iisip ko diyan? Erase erase erase! Mahina kong sinampal ang sarili ko para magising.
Pero napalakas ata ang pagsampal ko sa sarili kaya napasigaw ako ng 'aray'
Agad akong tumalikod nang tumingin sa direksyon ko si Josh. Wrong move Klark! Di ka talaga nag-iisip. Inayos ko nalang yung salamin ko.
Hindi ko pa ba nasabi na isa akong CERTIFIED NERD? Kung hindi pa, ngayon nasabi ko na.
Hahakbang nasa ako nang magsalita si Josh.
"Stop right there," sabi niya.
Napapikit nalang ako.
Humakbang ako...
"Rule no. 3," mariin niyang sabi.
Humarap ako sa kaniya.
"Sorry master Josh! Sorry for interrupting you," sabi ko tapos yumuko ako. Wait..? Bakit ba ginagawa ko 'to?
"Tss. Come here!," nagulat ako dahil sa sinabi niya.
"Huh?" yun lang nasabi ko
"Ano ba? Bingi ka ba? Sabi ko pumunta ka rito," pag-uulit niya sa sinabi niya.
"S-sige po," bakit ba ako kinakabahan? Klark umayos ka!
Lumapit ako sa kaniya.
"Sit"
Ano ako, aso? Pero wala akong nagawa. Umupo nalang ako.
Kumuha siya ng pinggan tapos nilagyan niya ito ng niluto niyang adobong manok. My...my...favorite.
"Eat," sabi niya sa akin tapos nilagay sa harapan ko yung pinggan na may adobo at kanin.
Tumingin ako sa kaniya.
"Baka sabihin mo, wala akong kwentang master," sabi niua tapos tumalikod ulit at naglagay ulit ng adobo sa isa pang pinggan. Tapks umupo siya sa harapan ko
Spell awkward.
K
A
M
I
(Tss. Walang kayo! Tandaan mo yan)
Nakakailang talaga.
"Don't tell me, nainlove ka na sa akin? Wagas ka kung makatitig eh," tapos tumingin siya sa akin. Agad akong nag-iwas.
"Pinagsasabi mo? Ako nainlove? Sayo? Wag nalang dude," sabi ko. Kumain nalang ako.
"Talaga lang huh...asdfghjkl," hindi ko maintindihan yung yung huli niyang sinabi.
Tatanungin ko sana siya pero napagdesisyunan ko nalang na wag nalang baka magsalita na naman ng kung ano-ano.
"Para kang bata kung kumain. Alisin mo nga yang kanin diyan sa gilid ng bibig mo," sabi niya. Nakakahiya. Kaya ginamit ko yung dila ko para matanggal yun.
"Hindi diyan! Sa kabila!," sabi niya.
"Itaas mo pa. Aish. Gamitin mo na nga yang kamay. Ang laswa mong tignan dahil sa pinaggagawa mo," inis niya sabi.
Mas lalo akong nahiya dahil dun kaya yumuko ako ng bahagya at ginamit ko yung kamay ko.
Pero wala namang kahit anong kanin. Oo. Wala talaga. Err. Hindi ako makapaniwala. Wala naman pala. Naisahan ako! •_•!
Hindi nalang ako nagsalita. Humanda ka CHRISTIAN JOSH PARK, may araw karin sakin.
Nang matapos kaming kumain, hinugasan ko na yung pinagkainan namin.
"Magbihis ka, may pupuntahan tayo," sabi niya.
"May pupuntahan lang, walang tayo," bulong ko.
"May sinasabi ka?"-Christian
"Ha? Wala ah. Sabi ko, magbibihis na ako," sabi ko kaya naman nagtungo na ako sa kwarto ko.
Isang plain black T-shirt lang yung sinuot ko at jeans paired with rubber shoes. Ayos na siguro 'to.
Lumabas na ako pagkatapos kong magbihis. Pagkalabas ko, nakita kong nakahalukipkip si Josh habang nakaupo sa couch.
Wait...naka black T-shirt din siya at jeans then rubber shoes.
"Bakit ngayon ka lang? 5 minutes akong naghintay alam mo ba yun?," sabi niya habang nakatingin ng masama sa akin.
"Hindi naman madaling magbihis," Bulong ko.
"Tss. Tara na nga," sabi niya at tumayo na. Nauna siyang naglakad at lumabas ng dorm kaya sumunod narin ako.
Pagkalabas ko, Hindi ko makita si Josh sa may hagdan.
"Anong ginagawa mo diyan? Dito tayo!," nagulat ako dahil nasa harapan pala siya ng elevator.
"Akala ko ba...."
"Akala mo lang yun kaya halika na rito," sabi niya.
Bumukas na yung elevator kaya agad na akong nagtungo sa kaniya at pumasok narin sa elevator.
Wala ni isa sa amin ang nagsasalita.
Spell silence.
K
A
M
I
(Walang kayo!!!!)
Teka! Hoy kung sino ka mang epal ka! Tumigil ka!
•••••|
Nang makalabas kami sa dorm ay nagtungo siya sa kulay blue na kotse.
*Q*
Nakaka-amaze. Yan yun isa sa pinakamahal na sasakyan nakaka-release last month. Updated ako dahil may kaibigan akong mahilig sa kotse. Hindi laruan kundi totoong sasakyan!
"Ano pang ginagawa mo? Baka naman gusto mong pagbuksan pa kita?," iritado niya sabi tapos tumingin sa kin.
Tss.
"Napakasuplado," bulong ko.
Maglalakad sana ako nang may tumawag sa pangalan ko.
"Klark!"
Si Jerome lang pala yun.
"Oh Jerome? Bakit?," tanong ko.
"Saan ka pupunta?," tanong niya sa akin habang papalapit siya sa akin.
Tumingin sa akin si Josh ng nakakakunot ang noo.
"Ah..k-kasi...," bakit ba ako nauutal???
"Kasi?," tanong sakin ni Jerome. Nasa harapan ko na siya ngayon.
Magsasalita na sana ako nang may umepal ulit.
"Ano ba? Ano pang ginagawa mo? Don't make your master waiting," sabi niya. Sino pa ba? Kilala niyo nayan.
"Master?," napatingi ako kay Jerome na nakakunot ang noo. Confusion is written all over his face.
"Ah sige Jerome ha? Next time nalang. I'll explain later, bye," sabi ko tapos kumaway ako sa kaniya then tumakbo ako sa kotse ni Josh at pumasok.
"Akala ko, aabutin pa ako ng isang taon dahil sa kakadada ko dun sa ugok na Council President nayun," sabi niya.
"Tss. Saan ba tayo pupunta?," tanong ko sa kaniya.
"Sa bahay namin," sabi niya.
Sa bahay lang pala nila....
ANO????!!! SA BAHAY NILA?????
Magsasalita palang sana ako nang patakbuhin na ni Josh ang kotse.
Hindi ako makapaniwala. Anong gagawin namin sa bahay nila? At bakit sinama pa niya ako?
Rule no. 9.Be with me all the time.
Oo nga pala.
Bakit ko nakalimutan yun?