CHAPTER 20
Isang buong araw akong hindi iniimik ni Reese kahapon. Kahit ng mag byahe na kami papunta dito sa Camiguin ganon pa rin.
Oo na! Ako ng may kasalanan. Hindi ko na lang kasi inintindi. Naiintindihan ko na ngayon, pareho lang kaming nawalan ng chance na mag explain sa isa't-isa. Nagkamali lang ng tawag si Frecy. Halos magkapareho kasi ang pangalan ni Reese at ng boyfriend ni Frecy na si Reech.
Gusto ko siyang kausapin pero hindi ako makalapit kasi ramdam ko ang galit niya. Parang ako lang ng nagalit ako sa kaniya. Ganto pala ang pakiramdam ng ginawa ko sa kaniya. Ang hirap lumapit sa isang taong alam mong ayaw makipag usap sa'yo.
Nilingon ko si Autumn.
"Ano?"
"Ang drama niyong dalawa. Mahal niyo naman pala ang isa't-isa pero hindi pa kayo nagPapansinan. Ano ba talaga mga dude?"
"Wag ka ng makialam pare. Tignan mo nga nasuntok pa natin yong tao ng wala sa oras. War freak ka kasi." sabi ni Wynd.
"Weh? Gusto mo try ko sa'yo. Nangangati ang kamao ko eh."
"No thanks. Baka mabasag pa ang kagwapuhan ko."
"Walang mababasag diyan."
"Sinasabi mo bang hindi ako gwapo?"
"Yuck, kahit cute hindi ka papasa."
Napailing na lang ako sa kanila. Napatingin kaming lahat sa cellphone namin dahil biglang tumunog iyon. Nagkatinginan kami. Iisa lang ang ibig sabihin ng ring tone na iyon. What the hell happened? Sinong napahamak?
Binuksan namin ang mga phone namin. May message lang don at picture. Picture ni Wynterat may naka sulat na
Captured.
Bumakas ang labis na pag-alala sa mukha ni Wynd. Agad na hinawakan ni Autumn si Wynd ng tuMama ang kmao nito sa pader.
May sumunod pa na message.
Hindi muna daw kami pwedeng gumawa ng kahit na anong hakbang para na rin daw sa safety namin. Inutusan din kami ni TIto na magbukas ng isan laptop na agad ko namang ginawa.
Pumunta ako sa site namin.
Binuksan ko ang webcam at nandon sina TIto poseidon. Sa likod ang ang mga parents ni Wynter.
"Momma." mahinang bulong ni Wynd na bakas ang takot sa mukha.
"Mahahanap din natin siya. Kailangan mabawi natin siya. H-Hindi pwede, hindi siya pwedeng masaktan."
Sumulpot bigla sa screen si Mommy. "Okay! Everyone cheer up. Kain tayo ng Ice cream!"
"Mom!" saway ko kay Mommy.
"Mom mom ka diyan. Mamaya pumangit pa ang Tita Kat mo sa kakaiyak. Oo nga pala para sabihin ko sa'yo si Rain ang mag fi-field mission para hanapin si Wyn-"
"Mommy! Bakit mo pinayagan si Kuya?! Pano kapag hindi niya kinaya?!"
"Kakayanin niya at saka isa pa nakiusap sa'kin ang Kuya mo. May tiwala ako sa kaniya at alam kong kaya niya. Never underestimate the power of love."
"Hindi ka man lang ba nag aalala Mommy?"
"Aba syempre nag aalala ako. sa'kin kaya kayo nanggaling. Pero iyon na nga ang dahilan eh. sa'kin kayo galing at alam kong namana niyo rin ang galing ko, yeh!"
Napasapo na lang ako sa noo ko sa sinabi ni Mommy. Pilit niyang itinayo si Tita kat at hinila palayo.
Nag usap pa kami nila TIto poseidon hanggang nagpaalaman na kami. Kailangan pa daw nilang hanapin si Wynter at gumagawa na raw sila ng plano. Pero susundin daw nila kung ano ang mapade-desyesyonan ni Kuya.
Pasaway talaga si Kuya. Paano kung hindi niya kayanin dahil sa kundisyon niya? Pero kung sabagay. Kung si Reese ang nawala malamang ay binaligtad ko na ang mundo para hanapin siya. Magkakamatayan kami ng kukuha sa kaniya dahil kahit mata niya lalatayan ko.
"Itsura mo. Para ka namang Papatay ng tao. Easy lang." sabi ni Andreige.
Sumimangot ako at lumabas. Pumunta ako sa veranda ng bahay na inuupahan namin ngayon dito sa Camiguin.
Ang sarap ng hangin dito dahil syempre malapit sa dagat. Malamig ang simoy ng hangin, parang ang sarap mag relax. Pero sino naman kaya ang makaka relax sa sitwasyon namin ngayon?
"Are you okay?"
Nagulat ako ng makita ko si Reese. Ngayon lang niya ako ulit kinausap. Tumayo ako sa kinakaupuan ko at sinugod ng yakap si Reese.
"Reese, I'm sorry. Wag ka ng magalit please."
"I'm not angry anymore."
"Bakit hindi mo ako kinakausap? Bakit hindi mo ako pinapansin?"
"Dahil nasaktan ako but I can't stay angry at you for too long. I love you too much to keep any anger in me."
Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya. Naramdaman ko na bahagya niya akong inangat at umupo siya sa isang upuan don at kinandong ako. I can feel his hand softly touching my hair.
"Bati na tayo?" tanong ko.
He chuckled. "Yes, I think so."
Napangiti ako. Nag angat ako ng tingin at hinawakan ko ang pisngi niya.
"I love you Reese."
"I love you more."
"I love you most."
"I love you most most." nakangiting sabi nito at hinalikan ang tuktok ng ilong ko.
"I love you most most most."
Ilang beses naming inulit ulit yon bago tila nawalan siya ng pasensya at hinalikan ako. Nang tinapos namin iyon ay pareho naming habol ang aming mga hininga.
"So bati na kayo niyan?"
Nilingon namin ang nag salita. Nakapamewang na naka tayo siAutumn, sa likod niya si Andreige at Wynd na mukhang nakarecover na. Magkayakap sila and they're making kissing noises.
"Obvious ba?" tanong ko.
"Hindi nga eh. Sa sobrang close nyo ngayon ay parang magkakapalit kayo ng kaluluwa. Hindi halata. Promise!"
Binato ko siya ng napulot ko na stick. Natatawang umiwas lang siya at tumalikod na para pumasok sa loob. Tinabig niya pa ang dalawang pasaway na nakaharang sa dadaanan niya.
Tinignan ko si Reese. Ngumiti siya sa'kin at hinalikan ako ulit. Nang mag hiwalay ang mga labi namin ay sumandal ako sa kaniya.
"Bakit nawala kaagad ang galit mo sa'kin?" tanong ko sa kaniya.
"Kasi nga po, Miss Makulit, I love you. At saka isa pa, bakit pa ba natin patatagalin eh tayo rin naman ang nasasaktan. Okay lang sana kung ako lang but I can't bear it when I know that you're hurting too."
"You know, para sa isang taong bato, you're very sweet."
"Hindi na ako taong bato. You made me feel. You made me who I am now."
"Bakit ba ganon ka dati?"
"Kasi sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay ng mother ko. Pero ng makasama kita, I learned to forgive myself and you made me realize a lot of things. Kung wala ka hindi ko alam kung mabubuhay pa ako. I don't have a heart, Hurricane or that's what I thought but right now, you have my heart, you have my life. So please take care of it. Because as long as you have it, I'll continue to live."
"I will, only if you promise me that you'll take care of mine too."
"I promise."
"And kailan mo ulit ako ipagluluto?"
Nanlaki ang mga mata niya. Pagkatapos ay natatawang umiling siya. "Baka sumakit na ang tiyan mo sa kakakain ng luto ko."
"I love that about you."
"Of all things, bakit ang pagluluto ko eh palpak nga yon."
"I love everything about you, bad things included. Sabagay wag ka munang mag luto dahil magagalit ang tatlo sa loob. Kaya mo bang I give up yon? Ang kalayaan mo?
I can. Cause there will be nothing I wont do for Reese. Nothing that I won't give up. I love my freedom but I love Reese more than that.
Ngayon ko naisip ang sinabi sa akin ni Mommy dati. Pinakamahalaga daw sa kaniya ay ang kalayaan niya. Until he met Daddy. Because when she fell for him. Nothing matters anymore but him.
Mommy said it was all worth it.
"Hurricane? Kung ayaw mo-"
"don't panic, honey. Of course I will marry you. Pero we need to wait first dahil kailangan muna nating maayos ang mga to."
Nakangiting-tumango siya. Tapos may kinuha siya sa bulsa niya. A ring!
"R-reeese, kailan?"
"Nang gabing nagkita kami ni Frecy. Dapat sasabihin ko na sa'yo na mahal kita at ibibigay ko na sana sa'yo to. I'm really sorry about that, gabi na akong naka uwi."
"iyon ba yong hinihingi mo ng sorry sa'kin noon?"
"Yes."
Napangiti ako ng isinuot na niya sa'kin ang sing-sing. Mukhang wala na siyang balak tanungin ako ulit. Nakangiting hinalikan niya ang kamay ko.
"ate Hurricane?! Inaaway ka na naman ba-"
Napatigil sila ng makita ang ayos namin ni Reese. Sa hindi malamang dahilan ay nakita kong nag-aalalang tumingin si Wynd kay Autumn na biglang ngumiti.
"WOW! Ikakasal na kayo?"
Si Reese na ang sumagot. "Yes. At nakakaistorbo na kayo."
Binuhat niya ako at nilagpasan namin ang tatlo. Kumunot ang noo ko ng makita kong napatungo si Autumn. Ngunit hindi ko na nagawang isipin pa ito ng bigla na lamang akong siniil ng halik ni Reese.
_____________________________________End of Chapter 20.