CHAPTER 14
"So ano'ng plano? Pupunta tayo sa Smith at kukuha ng information. Pero pano ka Papasok?" tano'ng ni Reese.
Napagplanuhan na kasi namin na ako ang Papasok.Si Andreige ang makakasama ko sa loob. Si Reese at Wynd ang nasa sasak'yan para hintayin ako at para mag silbing back up.
Si Autumn naman ay nasa place pa rin namin dahil siya ang magsisilbing 'eyes' namin nga'yon. Sympre puro reklamo ang natanggap namin mula sa kaniya.
"Hindi ko din alam. Magkaka-idea siguro ako kapag naro'n na tayo."
Napasapo sa noo niya si Reese. Mukhang malapit na niya akong sakalin. Abay ano'ng magagawa ko eh sa wala nga akong maisip? Siya din naman ang may kasalanan kung bakit na distract ako dahil mag hapon niya akong nilandi-landi. Kaya tuloy hindi natuloy ang pakikipag conference ko sa mga imaginary friends ko.
"Hurricane, what the hell am I gonna do with you."
"Nothing. Relax ka lang diyan hon. Ka'yang-kaya ko to."
"Hurricane."
"Kagatin kita diyan eh. Ayos nga lang. Keri ko to!"
"Oo nga naman, pare, at saka kasama naman ako." singit ni Andreige dahilan para lalong sumimangot si Reese. Seloso talaga ni Reese.
Bakit hindi si Reese ang kasama ko?
Hindi ko din alam eh. Basta nag palabunutan kami kanina. Ako talaga ang Papasok a'yon sa plano. Pero ang makakasama ko ang hindi namin sigurado kaya nag bunutan na lang kami.
Maya-maya ay pumarada na kami sa isang tagong part sa gilid ng mga bahay ng mga Smith. Nilingon ko si Reese na si'yang nag nag da-drive nga'yon.
"O, baba na kami ha?" akmang bababa na ako ng bigla niya akong hinila at hinalikan.
"Wooo! Live show!"
Agad na naghiwalay kami ng marinig namn ang sigaw ni Wynd kasunod ng pagflash ng camera na walang iba kundi galing sa camera.
"Delete mo 'yan!"
"Opo."
Pinakita niya sa'kin na na idelete niya na. Ang kaso narnig ko sa listening devIce na tumatawa si Autumn. I-sinend niya kay Autumn!
"Pagbubuluhin ko kayo Mamaya!" banta ko bago kami lumabas ni Andreige.
"Bad news guys." narinig kong sabi ni Autumn.
"What is it?"
"Walang camera sa loob kaya hindi ko mahack. Nakakapagtaka nga eh, sabi ni Tita Mishy marami daw camera pero kahit diyan sa labas wala."
Hmm. Bakit kaya? Tinignan ko si Andreige. Nag kibit-balikat kami at naglakad kami sa lawn ng mga Smith. Wala namang bakod eh. Hindi ko na nilingon si Reese na alam kong gusto na kaming hilahin pabalik. Kung umasta kasi kami parang kami ang may ari ng bahay at dire-diretso pa kaming naglakad sa pinto.
Nagkakaintindihan na kami ni Andreige. Alam na namin ang gagawin.
Nakarating na kami sa tapat ng pinto. Hinawakan ko ang pinto at pinahid ko ang kamay ko doon. Tinignan ko ang kamay ko. Sabi na eh.
"Problema to." sabi ni Andreige at tinuro ang pintuan.
Umatras ako at pagkatapos ay sinipa ko ang pintuan.
NaMamanghang tinignan ni Andreige ang pintong bumagsak. "Woah! Ang lakas mo talagang sumipa no? Buti hindi ako tumalsik ng nag spa-sparring tayo."
"Sira. Hindi ko lang tinotodo 'yon." Magkakaiba kasi kami ng skills ng mga taga-BHO. Si Wynter, sa bilis niya. At ako naman sa lakas ko.
Papasok na sana kami ng bigla kaming napalingon sa pinang galingan namin. "WHAT THE HELL ARE YOU TWO DOING! ABORT THIS MISSION! NOW!" si Reese po 'yan. At gamit na naman niya ang minsanang megaphone niyang boses. Hindi naman namin siya pinansin ni Andreige at pumasok na kami.
Pag-apak pa lang kasi namin sa property ng mga Smith ay na halata na namin ang tu'yong lawn, ang alikabok sa pinto at ang kakaibang katahimikan ng bahay ng mga smith.
Walang tao.
Tinignan ko ang loob ng bahay. Wala ng ibang gamit maliban sa mga sofa na nababalutan na ng puting tela.
"Bagong laba pa tong tela. Not more than a week siguro simula ng umalis sila." sabi ni Andreige.
Umupo ako sa isang sofa at itinaas ko ang paa ko sa coffee table. Si Andreige naman ay umakyat sa taas.
Nakipag conference na ako sa mga imaginary friends ko, kahit naririnig ko pa ang ma-ala megaphone na sigaw ni Reese sa labas.
Okay, first question, bakit umalis ang mga Smith?
Syempre alam nila na hahanapin sila ng BHO dahil sila lang naman ang isa sa mga mapagbibintangan na umaatake sa BHO. So of course aalis sila dito.
Sino na ang mga pwedeng maging members?
The original family. At ilang taon na ba ang lumipas? Malamang may dumagdag na naman na family member.
Bukod sa dahilang pinabagsak ng BHO ang B.E.N.D. ano pa ba ang ibang dahilan bakit sila maghihiganti?
Money.
Last question. San sila mag tatago?
That's pretty hard dahil I'm sure wala sa area na to ang mga Smith. May posibilidad na pupunta sila sa isang lugar na masyado'ng obvious and sometimes obvious are the hardest. Sigurado ako wala sa manila ang mga Smith. Nasa province sila or sa mala'yong lugar, pero hindi sa ibang bansa dahil syempre kailangan sila dito ng mga York.
"Walang gamit sa taas."
Tumango-tango ako. "I thought so."
"So paano na to? Mas mahihirapan tayo nito-"
"Hurricane!"
Nilingon namin si Reese. NagMamadaling umupo siya sa tabi ko at tinignan ang braso ko, balikat, hita at bewang.
"Ano'ng ginagawa mo?" tano'ng ko.
"Nasaktan ka ba? Nasugatan?"
"Hindi. Wala namang tao eh."
Mukhang nga'yon lang na register kay Reese lahat. Tinignan niya ang paa ko na nakapatong pa sa lamesa. pagkatapos ay namula siya.
"Wala ang mga smith." sabi ko.
"Pano na 'yan? I'm sure naghanap muna sila ng malilipatan bago pumunta dito para kunin ''yong mga gamit." sabi ni Andreige na inikot ang paningin sa paligid.
Nagsalita si Reese. "We need to talk to TIto Poseido'n and the others. Kailangan nilang malaman to para alamin atin ang mga pwede nilang puntahan."
Bahagya akong lumapit kay Reese at akmang hahalikan ko siya sa pisngi ng may maamoy ako. Sininghot-singhot ko ang balikat niya.
"Honey, Mamaya na 'yan."
"Shhh." saway ko sa kaniya.
Patuloy ko si'yang inamoy hanggang makarating ako sa likod niya. Mukhang naiilang na si Reese."Ayoko ng may audience."
"Ituloy niyo lang 'yan. Ang saya pa lang manood ng live show, wew!"
Umayos ako ng upo at napangiti ako. "Alam ko na!"
Nagtatakang napatingin sa'kin sina Reese. "Amuyin niyo ang cover na to, parang amoy dagat. Tapos oh may konting konti na buhangin." tinuro ko ang maliit na buhangin na hindi mo maPapansin kung hindi mo titigan dahil ang konti lang nito.
"Napansin mo pa 'yan eh ang liit liit na niyan." naiiling na wika ni Andreige.
"I know Reese's scent at alam korin kapag may nahahalong ibang amoy sa kaniya."
"Wow! Ang cool. Reese pare hindi ka palang pwedeng mang babae. Ang lakas ng pang amoy niyan."
Ngumiti lang si Reese.
__________________________________End of Chapter 14.